Nagsimula ng mag labor si Kim kaya kinabahan na ako. Na txt ko na rin si TJ at naghihintay na sila sa amin sa ospital pero si Kim ay kalmado lang na nag yoyoga.
"Kimmy naman eh, nag la-labor kana bakit ka pa nag yoyoga d'yan."
"Masakit ang tiyan ko need kong kumalma."
"Punta na kasi tayo sa ospital."
"Ayoko pa, malayo pa 'to."
Hinayaan ko nalang muna siya kaya ng sumigaw na si Kim ay halos himatayin na ako sa dugo at ihi sa sahig. "Time to go."
Halos ibangga ko na ang sasakyan sa pagmamadali pero si Kim ay tahimik na bibilang ng contraction. Pagkababa ay inalalayan na siya ng mga nurse at tinapik ako ni TJ sa balikat. Naghintay ako sa labas ng sinabi ng OB na malayo pa kaya inayos ko na ang paperworks ni kim at kwarto niya. Agad akong bumalik sa delivery room. Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng iyak ng baby. At nang makita ko ito ay isang mini-me ni Kim na super ganda.
"Hi Jewel, ang ganda no naman anak, mana ka kay mommy." ani ko.
"Hello Kim, si ninong 'to, buti sa mama mo ikaw nagmana. Ang ganda-ganda mo Kim." puri ni TJ.
"Anong Kim?" sita ko kay TJ.
"Mali ba ang pangalan niya? Diba Jewellery Kim? Eh sa gusto ko siyang tawing Kim eh."
"Pambihira double meaning."
"Kim, paliligawan kita sa anak ko huh? Kahit hindi kami pinalad ng mommy mo dahil sa asungot mong daddy, baka naman pwede na kayo?"
Siniko ko siya. "Gwapo lang ang tinatanggap ko sa pamilya. Kasing gwapo mo ba ang anak mo? Sinasabi ko sayo, may standard yang si Jewell ko."
"Tumigil na nga kayo, para kayong si Tom at Jerry pag nagkikita nagbabangayan." sita sa amin ni Kim.
***
Were here at Cebu to celebrate Jewel's first birthday at dahil nga first na apo ay bonggang-bongga. Dumating ang mga bisita from both sides and friends. Kahit si TJ ay dumating din. She is still single at nereto ni Blue kay Honey pero si Gab, pumapapel sa kanya.
"Happy birthday, Jewel!"
Masayang bati ni Sweety kasunod ng asawang karga ang kanilang newborn baby girl premature kasi muntikan ng hindi umabot ng 7 months.
"Thank you tita ninang." Ani ko dahil karga ko ito.
"Kamukhang ka mukha mo talaga siya ate Kim pero masayahin siya parang si kuya din."
"Kumusta na ang maganda kong inaanak?"
There i saw TJ with Honey at napataas ang kilay ko. Pero nag smile lang din siya.
"Hoy Hon, akala ko hindi kana darating." Ani ni Sweety saka niyakap ang kambal.
"Siyempre darating ako, na miss na kaya kita at gusto ko rin makita ang pamangkin ko sayo."
"Ang ganda niya, pero more feature ni West. Anong name niya?"
"Alexis Drew."
"Ohh? Name ko talaga?"
"Siyempre ate kaya kita." Nagyakapan ang dalawa at naluha si Honey. "Dito ka nalang kaya sa Pinas? Para pag ma miss kita ang dali lang puntahan, malayo ang Korea eh."
"I'm sorry, Sweety, I miss you too pero andun ang work ko."
Biglang dumating si tita Aiza at sir Hanz dahil imbitado din sila kasama ng mga anak nila. Biglang hinila ni Honey si TJ pero hindi pa nagkalayo ay hinawakan ni Gab si Honey at nagsukatan ng tingin. Agad pumagitna si Blue sa dalawa kaya nagpapigil. Pero in all ay masaya at success ang birthday ng anak ko.
BINABASA MO ANG
SUBSTITUTE with BENEFITS
RomanceBlue Fuentebella is the twin brother of Red Fuentebella, Kim's first love. Tanggap niya sa sarili na malayo siya sa kuya niya. Ganon pa man hindi bitter si Blue. In fact, Blue is a happy camper, a playboy and a happy go lucky guy. Until Kim asked hi...