13: CALL

324 9 0
                                        


Isang linggo nalang bago ang graduation. Naging busy ako para sa final exams ko. Hindi na rin kami nagkikita ni Blue balita ko ay umuwi siya sa manila. Malungkot man mas maganda na rin yun para unti-unti ko siyang makakalimutan.

"May napili kanang design para sa susuoting dress sa party? Dapat ikaw ang pinaka maganda sa lahat." Nakangiting sabi ni mama.

"Hindi ako sasali ma. Wala ako sa mood sa ganyang mga party."

"Ay, ganon ba? Sayang naman. Excited pa naman akong ayusan ka." Naawa ako kay mama na biglang nalungkot dahil sa sinabi ko. "Oh siya iwan na muna kita. E check ko si Liam. Dumating na lasing eh."

"Sige po, mom."

Nakadapa ako sa kama nang biglang tumunog ang phone ko. Nang mabasa ko ang pangalan ni Blue ay agad akong napa upo. Pero bigla din akong nag-isip.

"Ano kayang sadya niya? Bakit siya tumawag?"

Sasagutin ko na sana ang tawag nang bigla kong naalala ang sinabi ni Trey... "Rule 9...DON'T STAY IN TOUCH TOO OFTEN. Donot make yourself available for him always. Do not mingled in his life. If he called you because he need somene to talk too forget it. You let your self emotionally involved again. In short dapat magpa importante ka. Hindi yung isang tawag lang niya na uulol kana baka sabihin niya atat kalang magpa kantot."

Tinago ko ang phone sa ilalim ng unan at nahiga. Ipinikit ko ang mata ko saka natulog.

***

Naka isang milyon na ako sa pag dial ng number niya pero wala siyang sinagot. Sa galit ko ay tinapon ko sa labas ng bintana ang phone. Sobrang layo na ni Kim sa akin. Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Nahiga ako sa kama. Pero hindi ako dalawin ng antok. Kaya naisipan kong mag drive papunta sa kanila. Nasa labas lang ako at tinanaw ang madilim na kwarto ni Kim. Nanlulumo akong umalis. Nilisan ko ang bahay nila nang may galit.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok at inabangan ko siya sa gate. Tumunog ang unang bell pero hindi siya pumasok. Halos nawalan na ako nang ganang pumasok sa class room. Walang ibang topic ang lahat kundi tungkol sa graduation ball. Tahimik lang akong lumabas ng classroom nang may humila sa akin. Sa gulat ko ay nakita ko si Lily na naka ngiti.

"Sabay na tayong mag lunch."

"Busog pa ako."

"Sambakol na naman ang hitsura mo. Deadma kananaman ba?"

Hindi ko na siya sinagot at nag lakad ako palayo. Dinala ako ng paa ko sa may acasia tree malapit sa old building ng highschool at doon ko nakita si Kim. Tahimik lang siyang naka tanaw sa malayo. Bigla akong nabuhayan ng loob at tahimik na umupo sa tabi niya. Ganun lang kami hanggang sa ako na ang unang bumasag sa karahimikan.

"Tinawagan kita pero hindi mo sinagot."

"Sinadya kong huwag sagutin."

Nabigla ako sa deretso nyang sagot. "Gusto mo lang kaya hinayaan mo akong maging tanga sa katatawag sayo?" May halong hinanakit kung sabi.

"Sinabi ko bang tawagan mo ako?" Mas kumulo ako sa galit dahil sa sinabi niya.

"Hindi nga. Pero sana sinagot mo nalang at sinabi mong huwag na kitang tawagan dahil ayaw muna akong kausap. Mahirap ba 'yon? Kaysa yung hinayaan mo akong maging tanga sa ka dadial ng number mo! Tapos gusto mo lang pala na huwag sagutin!" Tumaas na ang boses ko at napatayo narin ako.

"Sorry."

Nabigla ako sa sinabi niya pero wala parin siyang emosyon. Nakatingin parin siya sa malayo.

"Ganun nalang ba yun? Tell me. Galit kaba sa akin?"

"Sana nga galit ako sayo para hindi na ako nahihirapan nang ganito."

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon