Day-off ko today pero sa kasamaang palad ay maaga akong nagising at hindi na ako nakabalik ng tulog. Agad kong binuksan ang phone ko to check my schedule. Not mine, but Kim. Agad kong sinipat ang orasan at perfect ang timing. Mabilis akong naligo at nag ayos. Tamang-tama pag parada ko ay nakita ko si Kim, ang kalalabas lang na si Kim. Agad siyang ngumiti ng makita ako. It's been a month since that night. Since then ok na kami.
"Akala ko ba off mo?"
"Yup!"
"So bakit ka andito?"
"Para sunduin ka!"
"Talaga? Saan mo naman ako dadalhin?"
"Dadalhin kita sa aming palasyo."
"Seryoso?"
"Birthday ng mom ko isasama kita."
"Nang naka uniform?"
"Oh bakit? Anong masama dun? Ikaw ata ang pinakamaganda at pinaka seksing nurse sa buong mundo."
"Ay, bolero."
Hindi ko na siya binigyan ng rason to say no. Hinatak ko na siya at pinasakay. Sa totoo lang hindi birthday ng mom ko pero plan ko siyang dalhin sa Batangas. My mom was there kasi fiesta doon at maki fiesta kami ni Kim. Ipakikilala ko si Kim i'm sure magugustuhan niya si Kim.
"Your smiling."
"Masaya lang ako Kim, kasi kasama kita."
"How's your mom?"
"Mabait siya."
"And your dad?
"Okay lang. Mabait at gwapo."
"Talaga lang, huh!"
Dumating kami sa Batangas at tuwang-tuwa si Kim sa nakita. Para siyang bata na aliw na aliw sa fiesta sa nayon. Agad lumabas si mommy at nagulat ng makita ako.
"TJ--- you're here!"
"Hi, mom. I miss you."
"Kailan ka pa nagkatime huh? Para kang daddy mo kung hindi ako magtampo-tampohan ay hindi magkakatime sa akin."
"I'm here. May ipapakilala ako sayo." Hinila ko siya sa kinauupoan ni Kim. "Kim, meet my mom Thereze. Mom, meet Kim, my---friend."
"Hi, Kim. God, you're a goddess. May taste pala talaga ang anak ko kahit busy. Glad to meet you dear. Tara sa loob."
Asikasong-asikaso si Kim ni mommy, pero mukhang nakalimutan niyang may anak din siya. Si Kim tawa ng tawa habang ako asar na asar. Hindi nagtagal ay nagpaalam din kami dahil malayo pa ang manila. Ayaw nga sana ni mommy pero ang inaalala ko si Kim kaya pumayag din siya. Nakatulog si Kim sa byahe. Kaya hindi kuna siya ginising pa at inakyat ko siya sa taas. Magaan lang si Kim kaya walang problema. Pinagmasdan ko siyang natulog. Nakaramdam din ako ng pagod kaya nahiga ako sa tabi niya. Nagising akong nag iisa sa kama.
"Mukhang ikaw ang mas pagod sa ating dalawa ahh."
Lumabas ang bagong ligong Kim na nakatuwalya lang. Nakaramdam ako ng uhaw. Lalo pa't umupo si Kim sa kama at kita ko ang hita niya.
"Get dressed."
"Hahaha--" Tawa ng tawa si Kim na umalis at pagbalik niya ay naka damit na siya pero maikling shorts at sando lang. Tumabi siya sa akin at humilig sa balikat ko.
"Trey--"
"Hmm---"
"Can you be my 1st real boyfriend?"
"Huh?"
"Kailangan ko pabang tagalogin para maintindihan mo?"
"Sure, ka ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/26390230-288-k542401.jpg)
BINABASA MO ANG
SUBSTITUTE with BENEFITS
RomantikBlue Fuentebella is the twin brother of Red Fuentebella, Kim's first love. Tanggap niya sa sarili na malayo siya sa kuya niya. Ganon pa man hindi bitter si Blue. In fact, Blue is a happy camper, a playboy and a happy go lucky guy. Until Kim asked hi...