15: House Date

364 13 1
                                    


Sumama ang parents ko pag luwas kinabukasan sa Manila. Isa sa mga condominuim na pagmamayari ng mga Ayala ang nabili ng daddy. May dalawang bedroom siya. For me and for my parents kung luluwas sila. Isang ride lang din sa Guevarra's.

Naglinis kami ni mama at nag design sa condo. Saka kami nag grocery for my needs. Ang uniform ko din nakuha ko na. Talagang handa na akong sumabak sa aking first day of OJT sa lunes. Sa sobrang excited ko hindi ako makatulog. Nang magpaalam ang parents ko na uuwi ay bigla akong nakungkot.

"Mom, dito ka nalang kaya?"

Lambing ko kay mommy at biglang nasira ang mukha ni daddy. "Kim, lahat nang gusto mo sino-suportahan kita kahit mga kalokohan mo hinayaan kita. Pero ang ilayo ang mommy mo sa akin ibang usapan na yan. Talagang magagalit na ako sayo."

Natawa ako sa hitsura ni daddy kaya niyakap ko siya. "Ikaw naman dad hindi mabiro. Siyempre hindi ko ilalayo si mommy sayo. Mahirap na baka mag sideline ka sa iba at madadagdagan si Kian mahirap na baka pag mangyari yun itatakbo ko na si mommy kay tito Oscar."

"Malabong mangyari 'yun anak. Love na love ko ang mommy mo. Kahit saan ako magpunta dinadala ko yan mahirap na."

Naiingit ako sa kalambingan ng magulang ko. Sino ba kasing mag aakakang ang isang ambisyosong Playboy gaya nang tatay ko ay maiinlove sa nanay kong Japayuki. Sana makulay din ang lovelife ko gaya nila.

Nagsimula na akong mag prepare nang magiging dinner ko nang biglang may nag door bell. Sa pag aakalang ang parents ko ay agad ko itong binuksan at nagulat akong makita si Blue na maraming dalang pagkain at wine.

"Anong ginagawa mo dito?"

"House warming party mo kaya heto. Mag paparty tayo."

"Huh? Pero may pasok ako bukas."

"So? Hindi ko naman sinabing mag absent ka ahh. Isang bote lang naman ang dala ko. Wala din akong sinabing lalasingin kita."

Niluwagan ko ang pintuan at pumasok siya. Agad siyang dumeretso sa kusina at inayos ang dinala niya. Nag set na din siya ng dalawang pinggan. Hinila niya ako at pinaupo. Saka niya inilabas ang dalawang scented candle at sinindihan saka niya hinanap ang switch ng ilaw. Saka siya bumalik sa mesa.

"Dahil ayaw mong makipag date sa akin kaya dito nalang natin gagawin sa bahay mo. Let's eat."

Tahimik lang akong sumubo. Ang sarap ng pagkain. Natatakam ako. Panay jokes ni Blue at nawili ako sa kakakain. Hindi ko akalaing mapaparami ang kain ko hanggang sa mapadighay ako.

"Oppss... sorry."

"I'll take it as... nagustuhan mo ang mga niluto ni mama. Excited kasi siyang magkita tayo kaya nag luto siya nang marami."

"Masarap palang magluto ang mommy mo."

"Kita mo naman si daddy diba? Nagka tiyan. Bumilog sa ka lu-luto ni mommy."

"Wala kayong katulong?"

"Hindi ko naaalalang meron kami. Si mama at kami ang gumagawa ng lahat. Lahat din kami sinanay niyang magluto para daw hindi lang hitsura at bulsa ang maipagmamalaki namin kundi pati narin sa kusina."

"Galing naman ng mama mo. Sa rami ninyo na kaya niya mag isa? Sana kaya ko rin pag may asawa na ako't mga anak."

"Siyempre kaya mo yun. Tutulungan ka naman nang magiging asawa mo eh."

Nahiwagaan ako sa sagot ni Blue pero nagustuhan ko. Tinulungan niya ako sa pagliligpit. Ako ang naghugas ng pinggan pero siya ang nag patuyo. Pag balik niya sa sala ay may dala na siyang dalawang wine glass at ibinigay sa akin ang isa.

"Excited kana bukas?" Napatingin ako sa kanya. At tumango. "Sa una lang yan. Kalaunan maiinis ka rin. Lalo pa't sayo tatlong shift ang pagpapalitan mo. Mahihirapan ka n'yang matulog."

"Oo nga eh. Hayaan mo titiyakin kong mag aasawa ako ng mayaman para hindi na ako mag tatrabaho hehehe."

"Good. Hayaan mo magpapayaman ako."

Bigla akong nabilaukan sa sinabi ni Blue. Pero napangiti ako dahil sa mga palipad hangin niya as if hindi ko nahalata. Inaamin ko kinikilig ako.

"Ikaw. Saan ka inilagay ng daddy mo? Sa lawak ng kayamanan ng mga Fuentebella tiyak ko big boss ka agad."

"Sa Bangko. First year ko palang sa college apprentice na ako ni daddy. Ngayong graduate na ako promoted narin ako. Aba hindi kaya madali ang pinagdaanan ko. Dumaan ako sa pagiging janitor. Errand boy. Teller, manager, supervisor kaya kung magiging boss ako bukas aba pinaghirapan ko din yun."

Hindi ko magawang e kurap ang mata ko. Hindi ko alam na bukod sa pang babae ay may ibang alam pa si Blue.

"O bakit nanlaki yang mata mo? Siguro iniisip mo dahil bubo ako wala akong ibang ginawa kundi mangbabae ano? Hoy Kim mali ka dun. Ginagawa ko lang yun pag tapos na ang utos ni dad. Responsible akong tao. Makikita mo pag ako ang pinakasalan mo."

"Ayoko pakasal sayo. Baka iiyak ako ng dugo sa pangbababae mo."

"D'yan ka nagkakamali Kim. Alam mo ba ang mga Fuentebella? Kapag umibig sila ay wagas na yun hanggang kamatayan."

"Ibig mong sabihin. Pag napaibig kita at minahal mo ako hindi muna ako ipagpapalit or dadagdagan?"

"Tunay walang halong biro."

"May minahal kana ba Blue?"

Natigilan siya sa tanong ko. Ibinaba niya ang kopita at tumayo. Akala ko aalis na siya. Sa gulat ko ay umopo siya sa tabi ko at biglang humiga. Ginawang unan ang hita ko.

"Meron na kaso suntok sa buwan. Kailangan ko pang magtiis ng konteng panahon pa para suyuin siya at ipakita sa kanya na karapat dapat din akong mahalin."

Bigla akong nasaktan sa sinabi ni Blue kaya tinulak ko siya at tumayo. Ayokong bigyang pansin ang selos na nararamdaman ko pero hindi ko maewasan.

"Umuwi kana. Antok na ako. Maaga pa ako bukas."

Kinuha ko ang wine glass na may laman pa at dinala ko sa kusina at hinugasan ko nang may naramdaman akong mga brasong pumulupot sa bewang ko at hinalikan ang leeg ko. Parang switch ang halik niya na bumuhay sa init ng katawan ko.

"Ano ba Blue."

Hinarap ko siya at itutulak sana nang naunahan niya sakopin ang mga labi ko. Hindi ako naka imik. Nagustuhan ko ang mga sumunod na ginawa niya. He lift me up and make me sat on the cupboard while his lips is glued on my lips.

"Blu---"

"I miss you. Let me love you tonight. Please..."

Anong laban ko sa pagsusumamo ni Blue kung ganitong sarap na sarap na ako sa bawat dampi ng kamay niya.

"Blue...."

"I love you, Kim... I love you."

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon