16: Late

205 9 1
                                    


Ang sarap ng tulog ko ng may phone na tumunog. Alam kong hindi akin yun kasi iba ang ringtone.

"Blue... phone mo tumutunog." Ani ko sa lalaking sarap na sarap sa tulog habang nakayakap sa akin.

"Sagutin mo."

"Yoko nga. Baka nanay mo 'yan."

Ramdam kong gumalaw siya at inabot ang phone niya nang bigla siyang sumigaw. "Ahhhhh f*ck! Sh*t! Kim gising! Kim! Hoi Kim!"

Animo sinaniban ng demonyo si Blue sa kakasigaw. "Ano ba Blue! Natutulog ang tao eh!"

"Gumising kana d'yan. Wala nang oras. Bangon na!"

"Bakit ba huh!" Asar akong bumangon nang itapat ni Blue sa aking mukha ang phone niya at nakita kung 7:30.

"7:30 ano ngayon?"

"Malalate tayo kung hindi kapa kikilos d'yan. First day of OJT mo late ka agad? Sh*t patay ako sa tatay ko nito."

"ANO? HALA! OO NGA PALA!" Daig ko pa ang super sonic sa bilis tumayo at nag hanap ng towel.

"Pasukob nang banyo. I need to take a shower too."

Walang hiya hiya kung pareho kami hubad basta kanya-kanya kami nang lego. Mas nauna siyang matapos. Pag pasok ko sa kwarto wala na siya. Paalis na ako nang makita ko siyang naghihintay sa labas.

"Hindi ka pa umalis?"

"Hayaan muna. Late na ako. Ikaw ang inaalala ko. Baka mahirapan kang sumakay kaya ihahatid nalang kita."

"Huh?"

"Sakay na Kim bago ka pa masabihan ng head nurse ninyo."

Tell me, God, how to stop myself from falling for this guy. Naka ilang start, move-on and forget na ba ako pero heto parin ako. And every day, I can't help falling in love with him.

"Were here. Hoi Kim! Moved!" Sinigawan ako ni Blue na nag pagising sa akin. And before I even pushed myself out ay hinatak niya ako to give me a smack sa lips. "Pampa swerte. See you later Kimmy." Isang kindat ni Blue ang nag pahinto ng inog ng mundo ko.

Palayo na ang sasakyan niya saka lang ako tumalikod papasok sa loob. Nakita kong nag ibigay ng instruction ang head nurse na may ka edaran na. Agad akong pumila sa likuran. "Are we clear? Proceed kung saan kayo naka assign."

Yan ang naabutan ko from the head nurse. Nanliit ako sa sarili ko dahil subrang late ako. Ni hindi ko pa alam kung saan ako maaasign. "Maam, good morning."

"Late? Kabago-bago mo palang late kana agad?"

"Sorry po. Nahirapan kasi ako pumunta dito. Hindi napo mauulit. Sorry po talaga."

"Sa nurse station 2 ka mag hintay. Hahanapan pa kita ng bakante kung saan kita e pasok."

"Salamat po, ma'am."

Hindi ako nahirapan na hanapin ang nurse station 2. Lahat nang tao ay busy kaya hindi ko alam kung anong una kung gagawin.

"OJT?" Tanong nang isang nurse at tumango lang ako. "Ang ganda mo hindi bagay maging nurse dapat nag model ka nalang."

"Ahhh, Salamat po."

"Oh, siya punta ka muna sa female ward. Kunan mo nang temperature ang mga pasyente. Tapos e record mo."

Umalis na ako para gawin ang pinag uutos sa akin. Hindi ko akalaing tatlong kwarto pala ang female ward. Ang maganda eh may kanya kanyang thermometer ang pasyente kaya madaling sabihing kukuha ako ng temperature at automatic agad ang bantay sa pag lagay sa kilikili ng pasyente. Ganun ang ginawa ko sa ibang room at madali nalang para sa akin e sulat ang result. Puring-puri sa akin ang mga pasyente ko kaya medyo lumaki ang ulo ko.

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon