23: Condom issue

96 3 1
                                        


Natapos na ang OJT ko, TJ offered me a job pero i declined sabi ko I won't be working in the meantime. Hindi niya ako napigilan lalo pa at nabasa ko ang wedding invitation sa mesa niya. Ayokong magulohan pa siya. 

Pagkalabas ko ay isang masayahing mukha ni Blue ang bumungad sa akin. Sandaling nag paalam kami sa ospital staff na nakasalamuha ko palagi. May inihanda ding salo-salo si mommy sa kanila bilang pasalamat sa kanilang pagtanggap sa akin.

"What's your plan?"

"Babalik ako ng Japan."

"What?!" Biglang nawala ang ngiti niya. "Bakit ka pa aalis akala ko ba ok na tayo?"

"I need a space to think hindi yung madikit lang sayo nagliliyab ako." Bumalik ang ngiti niya at niyakap ako.

"So your saying mas masarap pa ako sa ex mo?""Huh? May comparison ba? TJ and I never had sex. We shared a bed but hindi 'yun naka touchdown sa base. Ikaw lang ang lalaki sa buhay ko, hindi ako pokpok 'di tulad mo."

Masayang kinarga ako ni Blue at inikot-ikot sinapak ko siya nahihilo at nasuka ako sa ginawa niya. He helped me cleaned my condo dahil uuwi muna ako sa Cebu para makasama ang parents ko bago magpunta sa Japan. Ang lintik na Blue sumama pa talaga at magbahay-bahayan daw muna kami sa bahay nila kaya nang makita ko ang couch ay agad akong natawa. It reminds me sa kakahiyang tagpo kung saan nahuli kami ng parents Blue na kapwa hubad.

"Oy may naalala."

"Gago ka kasi, ikaw kaya anong magiging reaction mo if si daddy ang makakakita sa akin 'di kaya'y mapapaihi ka sa kaba?"

"Oo na, sa kuwarto na tayo." Ayun at hinila na niya ako papunta sa kwarto niya.

Kinagabihan ay inihatid niya ako sa bahay at nagulat akong makita si daddy kasama ang kanyang mga barkada na naging teacher din namin ni Blue sa highschool.

"Oy, Tim, may forever talaga oh, tingnan mo ang dalaga mo at si Blue." Biro ni tito Hanz.

"Tim, anong ipinag-alala mo? Hindi pa pala malaki ang tiyan so anong ikinabahala mo?"- biro ni tito Luke.

"Langya, yung ospital ba ang pinoproblema mo? D'yan kana sa Fuentebella, hindi lang ospital ang kayang bilhin pwede airlines, mall, bangko at bahay at lupa." Biro no tito RJ.

"Pare, mukhang simbahan na ata ang tuloy ng dalawang 'to, ka swerte mo naman magiging balae mo na si Kiatot!" Ani ni tito Bert.

"Dad!" tawag ko sa kanya at nakangiti lang siyang niyakap ako sabay halik sa ulo ko.

"Ikaw ba'y nagpapa-aswang parin sa Fuentebella na 'yan?" nguso niya kay Blue na mukhang natatae.

"Dad, naman eh getz na 'yan, masarap kaya ang playboy na 'yan." sagot ko at pinitik niya ang noo ko at piningot pa ang taenga si Blue naman namula lalo na ng magtatawanan ang dati naming mga teacher.

"Mana ka talaga sa tatay mong malandi." Sagbat ni mommy na hindi naman galit kaya tinakbo ko na din siya ng yakap.

"Fuentebella!" Tawag ni daddy kay Blue. "Buntis ba si Kim?" Walang prenong tanong ni daddy na ikinapula naming dalawa.

"Daddy naman eh, mommy oh, si daddy."

"Hindi pa huh." Ani ni Blue na napakamot sa ulo.

"Hindi pa? So may plano ka?"—daddy.

"Abay syempre po! Wala ata sa lahi namin ang baog!" This time ako ang nanapak kay Blue at natawa ang barkada ni daddy.

"Tandaan mo Fuentebella, kapag nakulam mo anak ko alam mo na ang gagawin, kaya kung wala kang planong pakasalan iwasan mong makulam yan, nagkakaintindihan ba tayo?"

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon