12: Dinner

330 9 0
                                    


Hindi maipinta ang mukha ni Blue ng dumating akong late sa klase hindi niya ako pinansin dahil malalim ang isip niya. Ni wala akong idea kung bakit siya malungkot. Gusto ko na sana siyang tanungin kaso naalala ko ang sabi ni Trey.

"DO NOT GET EMOTIONALLY INVOLVED, SA KANYA."

Kaya hinayaan ko nalang siya. Pero hindi ako napalagay. Panay ang tingin ko sa kanya. Sa sumunod na subject hindi siya pumasok. Napadaan ako sa third subject ko nang makita ko si Blue na nakatulala habang si Lily ay panay salita. Kitang kita ko rin kung paano pinapatawa ni Lily si Blue.

Maybe Blue is right. She is different from the other girls he dated. She's nice. Nilagpasan ko nalang sila kahit mabigat ang dibdib ko.

DO NOT GET JEALOUS! WALANG KAYO! ANG RIGHT MO SA KANYA AY SA KAMA LANG. MALIBAN DUN WALA.

Parang emeecho parin ang boses ni Trey. Pero pinilit kong maging masaya. Kaya mo yan Kim. Isipin mo ang goal mo! Ang e flush si Blue sa buhay mo.

During lunch time ay nakita ko si Blue na kumakain. Lumapit ako. "Sorry, I'm late. Dumaa--"

"I'm not asking. We have rules, right? Let's stick to it."

Nagulat ako sa inasal niya at bigla siyang tumayo at mukhang galit. "Yeah. Rules."

"I should go. See you around, Kim."

Nalungkot ako ng umalis si Blue. Something or someone must upset him for such an attitude. Nag lakad na siya palayo ni hindi lumingon.

I'm sorry, Blue. I have to do this to protect my heart from you.

I'm on my way para maghanap nang taxi nang huminto sa tapat ko ang sasakyan ni Blue. "Any plans for tonight?"

"We will have a family dinner."

"After din?"

"What's the occasion?"

"TGIF." Saka ko naalala na Friday pala ngayon at schedule niya."

"Where?"

"Sa bahay. Ayoko kasi sa hotel wala akong pambayad."

Natawa ako sa kanya. "Alfa Romeo ang sasakyan walang pera?"

"May alam kang pwedeng pag sanglaan nito?"

"Try kaya natin kay daddy? Sasabihin ko pang hotel lang." At natawa siya.

"Yeah right nang ma suntok niya ako."

"See you at nine then."

"Need a lift?" Ani niya.

Pumayag na ako wala naman ito sa Rules ni Trey na bawal sumakay ng libre. "Sure. Makakatipid din ako. Para next time may pang hotel tayo."

Nakita ko si Daddy sa gate kausap si tito Hans at Tito Luke. Nang makita niya na may kasama akong guy ay sumenyas siyang pababain si Blue kaya kinabahan ako.

"Blue--"

"Relax, Kim. I can handle myself wag kang guilty. Walang tayo. We were just friends."

"Pero--- daddy knows. And tito Luke what happened sa watch tower." Nahiya kung sabi.

"Well, tell them that we have this twisted relationship about friends, do fuck!"

***

"Good evening, Sir." Yuko ni Blue.

"Fuentebella. Alam ko na alam mo na alam ko na ang kung anong meron kayo ni Kim. Ang sa akin lang wag mong iwan ang anak ko na malaki ang tiyan. Dahil kahit anak kapa si Kia sasapakin talaga kita. At wala kang choice kundi pakasalan ang anak ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon