5: Buddy

521 17 0
                                        


Late akong nagising. Napuyat ako sa kaiisip kay Blue at sa inasal niya sa parking lot. Ewan pero tuwing nakikita ko siyang malungkot ay nasasaktan ako at nakokonsensiya din. Umaga na ata nang maka idlip ako kaya heto late ng gising. Late na ako sa first class ko.

"Hindi kana kakain?" Tanong ni daddy.

"Late na ako dad. Sa canteen nalang."

Nagmamadali ako sa pag park pagkatapos ay tinakbo ko na ang entrance nang makita ko si Blue nakatayo. Naalala ko ang ginawa niya kahapon. Actually andun na eh, ok na sana kami as human being kaso nakita ko na naman siyang nakikipag make out kaya naasar ako. Nakita ko si Brian ang kaklase ko sa Math. He offer me a ride. Wala pa akong planong mamatay. Hindi ko kayang mag mag drive ng motor kung lahat nang veins at laman ko sa katawan nanggagalaiti sa galit dahil sa halikan na nasaksihan ko.

Sumakay ako sa sasakyan ni Brian. Nang makita ko si Blue na papalapit ay basta ko nalang hinila si Brian at hinalikan ito. Pero ang ikinagulat ko ay hilain ako ni Blue at yakapin. Bigla akong naguguluhan. Lalo na sa part na tanggap niya kahit gamitin ko lang siya bilang panakip butas. At ang mas nagpapagulo sa isipan ko ay ang sinabi niyang gusto niya ako at nagseselos siya sa kahalikan ko.

Inip na inip na siyang sinisipa ang maliliit na bato. Nakatingin lang ako sa kanya. I wonder kung nag nag pagupit siya today ot sadyang gumagwapo lang siya sa paningin ko.

Dinaanan ko lang siya like hindi ko siya nakita nahihiya kasi ako baka hindi naman pala ako ang hinihintay niya.

"Kimmy..." agad siyang umakbay sa akin.

Nakaramdam ako ng kilig. "Close ba tayo?"

"Oo. Katunayan ka buddy kita."

"Isa pa yan. Sinong may sabing ikaw ang gusto kong maging ka buddy?"

"Wala. Pero ikaw ang gusto ko kaya nag submit ako ng papel ko. Nilagay ko pangalan mo. Hindi naman nag react si prof. so malamang pwedeng tayo."

"Anong tayo?"

"Tayo yung kanta ng Mayonnaise, narinig mo na yun? Tayo nalang dalawa. Tayo nalang magsama. Tayo nalang dalawa. Tayo naman talaga."

Napangiti ako sa pagkanta niya at hindi talaga nahiyang inakbayan ako habang naglalakad kami sa hall at pinagtitinginan kami ng mga nasa paligid. "Bilisan mo ang paglalakad Kimmy, pareho na tayong late. Kanina pa kaya kita hinintay."

"At bakit mo naman ako hinintay?"

"Siyempre ka buddy kita. Ang mag buddy dapat magkadikit palagi."

"Ayoko dumikit sayo. Baka masundot mo ako at lulubo akong bigla." Bigla siyang namula. Ang cute naman pala niya.

"Bu-bun-t--*PAK*"

"Gago ka! Hindi ako buntis huwag kang magdasal. Patay ako sa tatay ko."

"Ahhh hehehe buti naman. Kinabahan ako dun. Wala pa akong pambuhay sa inyo." Tiningnan ko siya ng masama.

"Asa kapang ikaw ang kukunin kong asawa!"

"Laetera! Porket hindi ako katalinuhan. Tayo na nga!" At hinawakan niya ang kamay ko at nakaramdam ako nang pagbabago. Biglang may kuryenteng nagmula sa pagkahawak kamay namin at pumasok sa loob ng katawan ko na siyang nagpatibok ng puso ko. "Feel mo yun?" Nagulat ako sa tanong ni Blue.

Naramdaman niya din pala.

"Ang alin?"

"Ang connection."

"So?"

"Hindi mo alam? A connection is an essential ingredient in any healthy physical relationship."

"Meaning?"

"Bagay tayo!"

"Ewan ko sayo diyan kana nga!" Iniwan ko siya pero napangiti ako. Talaga lang huh bagay tayo? Nilingon ko siya na nag gagalit-galitan. "Bilisan mo. Ayoko sa ka buddy ang makupad. Marami pa tayong gagawin."

"Game ako diyan basta ikaw ang kasama ko kahit magdamag pa."

Napa iling nalang ako. Manyak talaga.

Dalawang subject lang kami magkaklase ni Blue. The rest kanya-kanya. Nasa canteen ako at kumakain ng biglang dumating ang humahangos na si Blue. "Pambihira hindi mo ako hinintay."

"Bakit kita hihintayin eh sa gutom na ako."

"Sana pala magka klase nalang tayo."

"Bakit? Gusto mo rin maging nurse? Sige mag shift ka para may makasama ako doon sa morgue at kausapin natin ang mga bangkay doon."

"Yikes! Bangkay? Paghuhusayan ko nalang ang B.A. tao ang gusto kong kausap hindi ang patay!"

"Kumain kana nga!"

"Nawalan na ako ng gana."

"Ang arte mo!"

"Ikaw wala ka talagang ka awa-awa sa ka buddy mo."

Tumahimik lang siya. Pero naka titig lang sa akin. Hindi ko magawang lunukin ang kinakain ko.

"Ano ba. Hindi ako makakain eh."

"Ang laki mo palang sumubo Kim. Nakaka turn off." Imbes magalit ay natawa ako. "Natawa ka? Hindi joke yun! Totoo kaya yun! Tsaka yang butas lang ilong mo ang laki."

"Ano pa?" Tawa kong tanong at hinampas ko siya ng libro.

"Laki ng lips mo."

"Sige lang ano pa?"

"Sarap halikan ng labi mo."

"Eh--" natigilan ako. "Buddy don't kiss!"

"Sabi ko nga. Hindi mo narinig ang sinabi ko? Sabi ko sarap halikan ang labi mo pero di ko sinabing hahalikan kita. Hoy, Kimmy wag kang asumera!"

Napailing nalang ako at ibinaling ko sa katabi ko ang tingin. Ayoko kasing makita niyang namumula ako.

"I love you bestfriend." Ani ng lalaki sa babae. "I love you too best.: ganti ng babae.

Nakatingin lang ako sa dalawang mag bestfriend na nagpalitan nang i love you. Hindi marahil nila napapansin na mahal na mahal nila ang isat-isa. O baka takot lang silang masira ang meron sila.

"Don't you find it romantic?"

Napalingon ako kay Blue napatingin din pala siya sa dalawang mag bestfriend na obvious na mahal na mahal ang isat-isa. "What is?"

"Love."

"Anong alam ng isang playboy na tulad mo sa love?"

"Love is stealing to overtake two people who believe they were merely friends."

"So?"

"Hindi mo ba naisip?"

"Ang alin naman?"

"Maybe we are destined to be buddies. We could cross that distance and discover that we are romantically matched and made in heaven.

"Your hallucinating. Grab some food. Una na ako. May klase pa ako."

Habang nag lalakad ako ay hindi nawala ang sinabi ni Blue. "Kimmy...." tawag niya sa akin.

"What now, Blue!"

"I've always noticed you before. How can I not? You were the most beautiful girl in the crowd. It's just that, I never thought I deserved someone like you."

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon