21: Confession

30 2 0
                                    


Malayo palang ay kita ko na ang palabas na si Kim. Naghintay siya sandali at tumigil ang sasakyan ng boyfriend niya at sumakay siya. Stalker ang peg ko ngayon. Nag park ako malayo sa unit namin total mamayang hapon pa ito dito mapuno sisitahin sana ako ng guard pero nang makilala ako ay agad din ito nag thumbs up. Inabutan ko ito ng isang libo at tumanggi ito pero pinilit ko hindi ko nalang pinakita sa cctv baka mawalan ito ng trabaho.

"Boss, Salamat."

Tinapik ko siya at pumunta na ako sa unit ko. Nang makarinig ako ng pagsara ng pinto at dali-dali akong lumabas at nakita ko nga ang lover ni Kim na umalis. Agad akong pumasok at nakita ko si Kim na tulog naka pajama at bra lang na demonyo akong makita siya. Na miss ko na rin siya.

"Blue? What at you doing here?" Gulat siyang tumayo at lumabas saka bumalik, kumuha ng tshirt at hinila ako palabas ng unit niya. "You shouldn't be here, baka bumalik si TJ."

"Mahal mo ba ang boyfriend mo Kim?"

"Mahal."

"Masarap ba siya? Sino sa amin ang masarap?"

"Bakit ka ba sa harapan ng unit ko nakatira?" pag iba niya sa usapan.

"Paano mo nalamang diyan ako nakatira?"

"Ako lang naman ang naghatid sayo diyan noong nalasing ka?"

"So ikaw ang naghubad sa akin ganun? Akala ko pa naman may inuwi akong babae."

"Magiging ama ka na tapos hindi ka parin nagbabago!" Sikmat niya sa akin.

"Anong ama ang pinagsasabi mo?"

"Huwag mo nang itago sa akin, nakita ko kayo sa ospital ni Lily. Bakit pa ba kita kinausap diyan ka na nga!" Bago pa siya makaalis ay hinila ko na siya. Naghilaan kami pero ayaw niya talaga kaya kinarga ko siya hanggang sa marating namin ang sasakyan ko at pinasakay siya. "Saan mo ako dadalhin? Matutulog pa ako!"

Hindi ko siya sinagot at nag drive lang ako. Huminto kami sa harapan ng bahay ni Lily at ng asawa niya. Hinila ko siya at nahiya siyang makita si Lily kaya sinapak niya ako at hinila ko na siya sa gate.

"Blue?" Nagulat si Lily ng makita ako with Kim.

"Lil, si Kim asawa ko."

Namilog ang mata nito at ngumiti kaya sinapak ako ni Kim. "Gago, ka!"

"Mabuti naman Kim at tinanggap mo na si Blue kawawa naman kasi yan."

"Hindi ka galit?"tanong ni Kim dito.

"Galit? Bakit naman? Fans n'yo kaya ako ni Blue."

"Fan?" naguguluhang tanong ni Kim. "Paano yan?"

Turo niya sa tiyan ni Lily at mukhang nahulaan niya ang gustong tumbokin ni Kim kaya dali-dali niyang tinawag ang asawa niya at pinakilala sa nagulat na si Kim.

"Kim, si Marcus, ang asawa ko."

Namula sa hiya si Kim. "Sorry."

'Yun lang ang sinabi ni Kim kay lily at tumalikod na siya, kumaway na ako at bumalik sa sasakyan.

"So ngayon maniniwala ka ng were just friends, yung time na nakita mo ako sa ospital with her ay dinalaw namin ang asawa niyang naka confine, ako na rin ang sumasama sa mga doctors check up niya hindi kaya sila taga rito."

"Balik na tayo sa condo baka dumating si TJ at huwag ka ng pumasok sa unit ko."

Galit na pinaarangkada ko ang sasakyan at nag park. Palinga-linga muna siya bago bumaba. Umalis ako at bumalik ako sa bahay nakita ko si mommy at daddy nagbubulong-bulongan.

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon