Lumipas ng mabilis ang oras, hapon na ngunit hindi na siya muling bumalik dito sa rooftop, tapos ko na ding pakinggan ang kantang welcome to my life ng simple plan at kahit papaano ay naibsan nito ang nararamdaman ko, I feel much better now kaysa kanina, thanks to him.
It's already five thirty of the afternoon, at hinihintay ko nalang ulit na tumawag si kuya. He asked me kung nakuha ko ba ang gusto niyang iparating sa mensahe niya.
Kaya daw ganon ang sinend niyang text dahil may pakiramdam siya na may mag tatangkang kukuha ng cellphone niya, may hinala siya na maari iyong gamitin para mahanap ako at matagpuan and like what he thinks ay nang-yari nga.
Mabuti nalang ay nakapag construct na siya ng ganung message sa akin bago pa mawala ang cellphone niya.
Hindi niya pa sinabi sa akin kung ano na ang nangyari sa building ng dorm namin. Basta hintayin ko nalang daw siya ulit na tumawag sa akin gamit ang cellphone number ni Hillary.
Hindi naman nag tagal ay muling tumunog ang cellphone ko, lumabas sa screen ang number ni Hillary, ngunit bago ko pa ito masagot ay bigla itong tumigil, pero agad namang may message na nag pop up galing kay Hillary kaya binasa ko ito.
From Hillary:
Nandito na ako sa baba, lumabas kana diyan. Marami tayong dapat pag usapan, bilisan mo.Kumunot ang noo ko ng mabasa ko ang text niya, nakaka pagtaka dahil hindi ganito mag text si kuya sa akin, whenever he text me hindi siya nag uutos at never niya ako minadali. Kaya nakaka-gulat na pinabibilis niya ako bumaba.
Siguro something happen, maaaring minamadali niya ako upang walang makakita kung saan siya nag punta para di kami masundan. Hindi niya na siguro naayos ang pag tetext sa akin dahil sa mga nang-yayari.
Kung totoo man ang kutob ko bahala na, mas magandang siguraduhin ko muna kung tama nga ang instict ko.
Nagtataka man sa text niya hindi na ako nagdalawang isip na sumunod.
Mabilis kong isinuksok sa bulsa ng suot kong hoodie ang cellphone ko at ang earphone at cellphone na pinahiram sa akin ni--- oo nga pala hindi ko pa alam kung ano ang pangalan niya.
Hindi ko maaaring iwan nalang ang mga ito dito sa rooftop dahil baka mawala.
Agad na akong lumabas ng pinto ng rooftop at dali-daling nag-lakad. Hindi na ako inabot ng ilang minuto at agad akong nakababa.
Hinanap agad ng mata ko si kuya, ngunit hindi ko siya makita. Kaya napag-pasiyahan kong tawagan siya, ngunit unattended na.
"Anong nangyari? Bakit hindi na matawagan, kakatext niya lang kanina."
Muli kong chineck ang paligid, nag-babaka sakaling nag-tatago lang siya ngunit wala talaga ako makita kahit anino niya.
Nag-simula na akong kabahan ng ilang minuto na akong nanatiling naka tayo mag-isa. Walang kahit anong bakas na may taong nag hihintay sa akin dito sa baba.
Sinubukan kong ulit tawagan ang cellphone number ni Hillary, and to my surprise ay nag ring na ito. Ngunit habang tumatagal ay naririnig kong nag riring ito malapit sa akin, and when I glance over to my back isang panyo na ang naka handang tumakip sa akin.
Just like before, suddenly everything turns into black.
ERIC
YOU ARE READING
JAIL ACADEMY (On-going)
Mystery / Thriller... What if the loss of her friends would allow the past to open up? Turbulent pasts connected to the present? An unusual school, A school with many students sacrificing their life and a school you can call a PRISON. 'Erin Mitch France is her name...