ERIN
Hindi na natuloy ang pag totour ni Krishna sa amin kahapon, dahil nagkaroon kami ng bonding with Satinna, Vince, and Calix.
Pinakiusapan din nila si Krishna na kung pwede ay sila na ang magtotour samin. Pumayag naman siya.
Hindi padin namin sila nakakausap ng maayos. Kahit gustong gusto ko ng malaman ang totoong nangyari ay ipinagliban ko muna.
Susulitin muna namin ang mga araw na ito dahil hindi namin alam kung kailan ulit mauulit ang ganitong masasayang araw, gayong kasama na namin sila ay magpapakasaya na kami. Lalo't na hindi biro ang pinasukan namin.
"Guys! Tara na excited na ako." Masayang sabi ni Vince habang papalapit ito sa amin.
"Saulado niyo na ang academyang ito 'no." Puri ko sa kanya at kita ko ang pagkatigil niya. Pero agad ding bumalik ang masayang ngiti niya pagkatapos nito.
"Uhm! Tara na nga lang at madami pa tayong pupuntahan."
Pansin kong pag iiba nito sa usapan. Sabay sabay kaming tumango sa kanya atsaka sumunod na naglakad papunta kila Satinna na nagtatawanan.
"Let's go."
Aya ni Satinna ng makita kaming nasa harapan na nila.
"Saan kayo huminto kahapon?"
Tanong ni Calix na palinga linga kung saan saan.
"Sa B.S Gymnasium na kami."
Si Hillary ang sumagot na nasa tabi ko.
"Hmm, ok."
Tanging sagot ni Calix sa isinagot ni Hillary.
Habang naglalakad ay may sari sarili kaming mundo. Si Satinna ay masayang nakikipag usap kay Leon na walang masiyadong pake at ang tanging sagot lang ay tango. Si Vince naman ay ang nagsisilbing tour guide ni Lean, dahil kapag may itinatanong sa kanya si Lean na building ay itinuturo nito iyon at ineexplain ang mga bagay bagay na may konektado doon o kung paano iyon nabuo. Ako naman at si Lary ay tahimik lang na pinagmamasdan ang buong akademya at si Calix ayon nakikipag daldalan sa mga nakakasabay naming mga babaeng naglalakad. Napaka feeling close niya talaga porke't gwapo ay walang nakakatangging kausapin siya. Kilala nadin siguro siya dito, siyempre dalawang taon na silang nananatili dito kaya hindi na nakakapagtaka.
Nakarating kami sa tapat na sinasabing B.S Gymnasium, ang nadaanan namin noong nakaraang araw bago kami makarating sa dorm.
Pumasok kami sa loob at madami kaming nakasalubong na mga lalaking puro pawisan. Nang tuluyan na kaming nakapasok sa pinakaloob ay nakita kong may mga kalalakihang naglalaban sa gitna.
"Nagtataka siguro kayo kung bakit may mga lalaki tayong nakasalubong na pawisan gayong itong gym na ito ay dausan ng mga naglalaban, kahapon lang din ay ginawa nalang itong isang pag praktisan ng kung anong anong laban kaya imbes na dugo ang makikita niyong tumutulo sa katawan nila ay napalitan ito ng pawis. Inilipat na kasi sa isang malaking Arena ang pinag dadausan ng labanan. Kaya kung nakikita niyo iyang mga naglalaban sa gitna ay isa lamang iyang praktis, so lipat tayo sa pangalan nitong Gymnasium, kung bakit nga ba ito natawag na B.S Gymnasium? Ang dahilan nito ay isinunod ito sa pangalan ng dating namamahala nitong akademya, kung hindi ako nagkakamali ay kilala niyo na siya marahil na nasabi na sa inyo ni Krishna, Si Black Setto iyon tama ba? So Black Setto's Gymnasium ang pangalan nito ipinangalan niya ito sa Gymnasium dahil pag aari niya ang lahat ng nandito. Ganun din sa ibang pupuntahan natin. May mga initial na B.S ang bawat pangalan ng lugar."
Lumabas na kami matapos maipaliwang ni Vince ang tungkol sa B.S Gymnasium.
"Yay! Sa B.S Weapons Building na tayo, maganda dun."
YOU ARE READING
JAIL ACADEMY (On-going)
غموض / إثارة... What if the loss of her friends would allow the past to open up? Turbulent pasts connected to the present? An unusual school, A school with many students sacrificing their life and a school you can call a PRISON. 'Erin Mitch France is her name...