ERIN
HINDI ko alam kung gusto ko pang marinig ang sasabihin nila Hillary sakin o hindi. May parte ng utak ko na gustong malaman kung ano yon. Lalo't na pakiramdam ko ay may kinalaman ito sa kanya. Dahil kung simple lang ang sasabihin nila sakin ay hindi na nila ako kailangang hilain dito sa kinauupuan ko ngayon.
"Alam naming hindi mo magugustuhan ang maririnig mo mula samin, pero kailangan mo itong malaman."
Humugot muna ito ng malalim na buntong hininga bago tumingin ng diretso sakin.
"Last two years, Simula ng may mga dumadayo dito na mga hindi kilalang tao. Ang tawag sa kanila sa labas ay mga rebelde, pero malayo ito sa mga itsura nila, dahil maaayos naman ang mga kasuotan nila. Pwera nalang sa mga dala dala nilang armas, tinagurian din silang teen kidnappers. Dahil mga katulad natin ang mga dinudukot nila, and that last two years, kasama sila Vince sa mga nadukot. Nagpaalam lang silang tatlo na pupunta kila Scott, dahil tinawagan daw si Vince ni Scott at sabi ay may mahalaga daw itong sasabihin, tatlo lang sila ang pumunta, gusto sana naming sumama pero hindi na daw kailangan, Ewan ko kung anong nangyari samin ng araw na yon, kahit nakaramdam na kaming tatlo na may kakaibang mangyayari ay wala man lang kaming ginawa at hinayaan lang namin silang makaalis at ang masaklap pa, hindi na sila nakabalik simula nun."
Napaluha nalang ako sa mga narinig ko. Bakit? Bakit pati sila nadukot? Kahit hindi ko sila kadugo ay itinuring ko silang totoong pinsan. Napakagaan ng loob ko sa kanilang tatlo. Pero ano tong nangyari bakit pati sila kailangang mapasama dun sa mga dinukot?
Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko sa mga narinig ko. Hindi ko din alam kung anong gagawin ko. Kung magwawala ba? Matatakot? Manghihina? O mawalan nalang ng malay para maiwasan tong nararamdaman ko. Magulo. Sobrang gulo.
"S-si S-scott? Na-nasaan si-siya?"
Hirap na tanong ko dahil sa sunod sunod na pagbagsak ng luha ko. Kahit natatakot ako sa isasagot nila ay kakayanin ko basta malaman ko kung nasaan siya.
"La-lary si scott?"
"Lean, Leon"
"Si scott, nasaan siya? SAGUTIN NIYO AKO!"
Sunod sunod na tanong ko at sigaw sa kanila. Bakit ayaw nila akong sagutin.
"Wala na siya."
Maikling sagot ni Leon kaya napatingin ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin? Anong wala na siya? Patay naba? O kasama din siya sa mga nadukot?"
Naguguluhang tanong ko at umiling lang sila.
"Diba siya ang tumawag kay Vince, at ng dahil sa punyetang sasabihin niya pati si Satinna nawala! Kinabukasan ng araw na nawala sila, ay nagpunta kami sa bahay nila Scott para malaman kung nagpunta ba sila dun, pero lintek lang dahil wala kami naabutan kahit anino sa bahay na yun, walang anino ng pamilya niya, walang anino ni Scott."
Mahabang sabi ni Leon. Kahit gusto kong mamangha sa haba ng sinabi niya dahil minsan lang ito magsalita, ay hindi ko magawa.
Paano? Paano nangyari yun? Bakit matapos nang nangyari ng araw na iyon ay parang bula nadin SIYA, Silang nawala?
Tumingin ako sa kanilang tatlo.
"So, dalawang taon na silang wala dito right?"
Tanong ko at tumango lang sila.
"Gusto ko malaman kung nasaan sila, matutulungan niyo ba ako?"
Tanong ko sa kanila pero isang iling lang ang isinagot nila sakin.
YOU ARE READING
JAIL ACADEMY (On-going)
Tajemnica / Thriller... What if the loss of her friends would allow the past to open up? Turbulent pasts connected to the present? An unusual school, A school with many students sacrificing their life and a school you can call a PRISON. 'Erin Mitch France is her name...