Chapter 9.

92 6 0
                                        

ERIN

NAG UMPISA na kaming maglakad, hindi ko din alam kung saan ba kami dapat dumaan dahil hindi ko kabisado itong akademya.

Napatigil ako sa pag lalakad ng maramdaman kong parang may nakatingin sa amin. Inilibot ko ang paningin ko pero normal lang naman ang paligid.

Nagpatuloy ako sa pag lalakad ng hindi tumitingin sa kanila. Desidido na akong makalabas sa gubat na ito at kapag nakalabas na kami ay hindi na talaga ako pupunta sa lugar tulad ng dito.

Napahinto ulit ako sa pag lalakad ng may narinig akong kaluskos.

"Guys! Naririnig niyo ba yun?"

Tanong ni Hillary at dahan dahang kumapit sa braso ko.

Pinakinggan ko ulit ang paligid at narinig ko ulit ang kaluskos.

"Natatakot na ako! May multo yata sa gubat na ito eh!"

Takot na takot na sabi ni Hillary at nagtakip ng mata. Tumawa naman ng malakas si Calix ng dahil dun.

"Ang tanda tanda mo na Hillary pero takot ka padin sa multo HAHAHA!"

Pang aasar nito at pasimple siyang inirapan ni Hillary.

Tumahimik ulit ang paligid pagkatapos na naman naming marinig ang kaluskos.

"May nakamasid sa atin."

Sambit ni Satinna habang nakikiramdam sa paligid. Kahit ako ay nakiramdam nadin. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.

Kung may makakalaban man kami ngayon ay wala naman masyadong problema dahil may alam naman kaming pang self defense. Naalala ko pa noon na sabay sabay kami nila Hillary na tinuruan ni papa kung paano ang lumaban.

Dumikit ako sa kanila at bumulong.

"May plano ako."

Mahinang sabi ko at luminga linga. Hanggat hindi sila sumusugod sa amin ay ipagpapatuloy ko ang pag hahanap ng dadaanang malalabasan namin. At sila ang magiging silbing taga masid.

In-explain ko sa kanila ang plano ko at pagkatapos nun ay nagsitango sila.

Inumpisahan na ulit naming maglakad habang nakikiramdam sa paligid. Kailangan ko na talagang makahanap ng madadaanan namin hanggat hindi pa nila naiisip na sugudin kami.

Habang naglalakad ay patuloy padin naming naririnig ang kaluskos. Sinusundan na nila kami.

Nabuhayan ako ng loob ng makakita ako ng liwanag sa may bandang kanan nitong gubat, isisigaw ko na sana ang nakita ko ng maramdaman kong may pumalo sa likod ko. Sh*t ang sakit!

"A-AAAAACK."

Daing ko ng pinalo ulit ako sa likod.

Nakita ko naman sa pheriperal vision ko na nakikipag laban na sila Satinna at Vince. Habang si Calix ay tinutulungan si Lary at Lean.

Tumingin ako sa taong humampas sa likod ko. Naka itim itong damit at may takip ang kalahating mukha. Kahit natatakpan ang kalahati nitong mukha ay sigurado akong ngumisi ito sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin at dahan dahang tumayo. Hindi pwedeng hindi ako babawi sa ginawa niyang paghampas sa likod ko.

Pinulot ko ang pirasong kahoy na nasa tabi ko, medyo mataba at makapal ito kaya pwedeng pwede na gawing armas para sa lalaking ito.

Hahampasin na sana niya ako ng makaiwas ako at siya naman ang pinalo ko. Umabante ako at tinignan siya ng matalim. Ningisian niya lang ako at patakbong umatake sakin. Pero bago niya pa ako maabot ay tumalon ako at hinanda ang hawak kong kahoy.

Nang makalapit na siya ng tuluyan sakin ay agad ko siyang sinipa sa mukha at ipinalo sa ulo niya ang hawak kong kahoy.

"A-arrrgh sh*t!"

Daing nito ng sinipa ko ulit siya sa mukha. Hindi pa siya nakakatayo ay lumapit na ako sa kanya at hinawakan ang buhok niya. Pag kahawak ko ay agad kong itinaas ang mukha niya at tinanggal ang nakatakip sa kalahati niyang mukha.

Napanganga pa ako ng makita ko na ang buong mukha niya.

"You seem so shock, h-huh?"

Nakangising sabi nito. At dahil sa pagkagulat ko ay agad ako nitong itinulak palayo at pinulot niya ang kahoy na nasa tabi niya.

Pinalo palo niya pa ito sa kamay niya habang papalapit sakin.

"I want a fair fight so I'll push you, Come here and don't stare at me like that."

Nakangising sabi nito sakin agad na sumugod, sisipain niya sana ako ng mailagan ko ito. Ngumisi lang ako sa kanya ng makitang nainis siya.

Ako naman ang sumugod sa kanya at binigyan siya ng isang suntok sa mukha at sinabayan ko ito ng isang malakas na sipa sa tiyan niya. Napadaing naman siya ng dahil dun. Pero agad din siyang nakabawi at hinampas sa tagiliran ko ang hawak niyang kahoy. Napaluhod naman ako ng dahil sa lakas ng palo niya.

Dahan dahan akong tumayo at tinitigan siya ng masama. Umabante ulit ako at patakbong sumugod sa kanya. Sasapakin ko na sana ulit siya sa mukha niya ng masalag niya ang kamay ko at dinampian ito ng halik.

Para naman akong nasuka sa ginawa niya kaya binawi ko kaagad ang kamay ko at pinanlisikan siya ng mata.

"Not so fast baby."

Nakangiting sambit nito kaya tinitigan ko ulit siya ng masama.

"Don't call me baby! I have a name BRYAN!"

Sigaw ko sa kanya at itinuloy ang pag suntok sa mukha niya. Nakita ko namang nainis siya ng dahil sa ginawa ko kaya napangisi ako.

"So you'll know me now huh? Thanks to Eric."

Nakangising sabi niya sakin.

"Oh! Its unfair! You know me but you! I dont know you! Care to tell your name huh?"

Saad pa niya habang nakahalukipkip na nakatingin sakin.

Nginisian ko lang siya saka nagsalita.

"Mas may thrill siguro kung ikaw mismo ang gagawa ng paraan para malaman ang pangalan ko."

Saad ko ng nakangisi sa kanya. Walang sabi sabi ay agad akong sumugod sa kanya.

Hindi pa tapos ang laban! Akala ba niya ay madadaan niya ako sa usapan, HELL NO!

Sinuntok ko siya kaagad sa mukha at pinaulanan ng maraming sipa sa tiyan. Sinipa ko din siya sa tuhod kaya napaluhod siya.

Habang ganun ang eksena ay pasikreto akong tumingin kila Satinna. Marami nadin silang napatumba ni Vince. Si Calix naman ay matamang binabantayan sila Lary at Lean. Nakita ko din si Leon na nakikipag laban. Hawak hawak niya sa leeg ang lalaking kawawa dahil sa dami ng natamo na suntok sa mukha. Halos hindi na ito makilala dahil konti nalang ay mababasag na ang buo nitong mukha. Halatang gigil na gigil si Leon.

Nalipat naman ang atensyon ko ng mag salita ang lalaking naka luhod ngayon sa harapan ko.

"Such a t-terrible girl, B-but i like it."

Nahihirapang sabi nito dahil sinipa ko siya sa mukha.

"By the way Lord Death will be fortunately happy when I'll deliver the good news to him."

Kahit nalilito ako sa sinasabi niya ay nagawa ko pading magtanong.

"L-lord D-death?"

Nagtatakang tanong ko sa kanya at nginisian niya lang ako.

Pumito siya ng malakas kaya nag sitigil sa pakikipag laban ang mga kasama niya. Dahan dahan siyang tumayo at tinalikuran ako. Pero bago pa siya umalis ay may binitawan pa siyang salita.

"Lord Death is the Jurisprudence and the most evil here in academy, so dont you dare to know who he really is."

Makuhulugang sabi nito saka nagpatuloy na umalis. Kung saan may munting liwanag akong nakita ay dun din sila unti unting nawala na parang bula.

***





JAIL ACADEMY (On-going)Where stories live. Discover now