ERIN
Ngayon ang araw na gaganapin ang handaan para sa pagdating namin kahapon, at ngayon din ang araw na gagawin namin ang plano. Kinakabahan ako? Oo, pero desidido na talaga akong gawin ito.
"Erin tara na, mag-uumpisa na ang handaan."
Nakangiting pagtawag sakin ni Kuya.
Kung wala lang siguro akong isipin ngayon ay paniguradong mahahawa ako sa mga ngiti niya at saya ng mga nakapalibot saking tao.
"Susunod na po."
Sagot ko sa kanya at saka siya tinulak tulak para makaalis na.
"Wait easy, aalis na ako."
Tawa nito saka ginulo ng marahan ang buhok ko at nagmamadaling umalis.
Napaismid nalang ako sa ginawa ni kuya, kahit kailan talaga ay hobby niyang guluhin ang buhok ko.
"You don't want to join them?"
Naagaw ng pansin ko ang taong papalapit sakin. As usual he's wearing the poker face he always used. Mag bestfriends talaga sila.
"Maybe, later."
Maiksing sagot ko at tinanaw silang nagkakasayahan. Mas masaya siguro kung nandidito sila Satinna, puro nalang siguro. Nakakainis.
"You miss them?"
Tanong ulit nito kaya napatingin ako sa kanya.
Binigyan ko siya ng isang malamyang ngiti.
"Yeah."
"Alam mo bang sobrang saya ko na malamang magkikita at magkakasama na ulit tayong walo, pero nawala lahat ng saya na yon ng malaman kong wala silang apat dito."
Malamyang sabi ko at mataman lang akong tinignan nito at saka bumuntong hininga.
"Makikita mo na sila."
Makahulugang sabi nito saka walang tingin-tingin sakin na umalis.
Sana nga ay makita ko na sila.
Nandidito na kami sa likod ng bahay, medyo malayo ito sa kinatitirikan kung saan nakatayo ang bahay na tinutuluyan namin ngayon. Hindi kasi pwede malaman ng iba ang gagawin namin ngayon, medyo delikado pa nga at alam ni Uncle Lito ang tungkol sa plano na ito, pero sana lang ay hindi niya nahalatang tinuloy namin ang plano. Sorry Uncle.
"Saan sila madalas rumonda?"
Tanong ko.
"Diyan sa Benilde St. Alam naman nating doon madalas maraming nagtatambay na kabataan hanggang ngayon, mga matitigas lang talaga ang ulo at hindi na inabala ang pagbabawal ng mga nakakataas."
Sagot ni Hillary sakin.
"Doon tayo ngayon."
Sagot ko at nakita ko ang medyo paglaki ng mata ni Hillary, alam kong natatakot siya pero kailangan niyang magtiwala sakin.
"Trust me Lary, hanggat kasama mo ako---kami ay hindi mo kailangang matakot."
Sabi ko dito at nakita ko namang medyo umaayos na ito.
"Let's go."
Walang kagatol gatol na sabi ni Leon kaya inumpisahan na naming maglakad.
Since, nandito kami sa likod ng bahay ay kakailanganin naming umakyat ng bakod, mabuti nalang at marunong naman kaming umakyat kaya walang kahirap hirap kaming nakatawid.
Habang naglalakad ay ramdam na ramdam ko ang hangin na dumadampi sa mukha ko. Mabuti nalang at nag jacket kaming apat kung hindi ay kanina pa kami namatay sa lamig, Ber-months na kasi kaya nagpaparamdam na ang hangin. Makikita mo din ang kaunting liwanag na nanggagaling sa buwan. Maingay siguro ngayon dito sa daanan kung wala lang ang mga pagala galang teen kidnappers. Napakatahimik hindi tulad noon na sa ganitong oras ay nandyan sa kabilang kanto ang grupo ng mga naghahanap buhay, sa kabilang kanto ay grupo ng nagiinuman at dito sa daanan ay ang masasayang mga bata na kahit hating gabi na ay nagagawa paring makapaglaro at magbisekleta, hindi tulad ngayon na sobrang tahimik at walang makikitang tao, maliban nalang sa mga pailan ilang tao na naglalakad marahil ay kagagaling lang sa kaniya kaniyang trabaho at sa amin ngayon.
"Malapit na tayo."
Basag sa katahimikan ni Lean.
Walang sumagot kaya wala ng nagtangkang magsalita ulit. Siguro kung nandito yung apat ay ang ingay ingay namin. Madadaldal kasi ang mga iyon, kahit na ang masiglang si Hillary, ay hindi magawang mag ingay ngayon marahil ay sa dami ng iniisip.
Umupo kami kaagad sa upuang kahoy na nadatnan namin. Wala paring bumabasag ng katahimikan, nakakapagtaka lang at walang nakatambay ngayon dito, base sa kwento ni Hillary ay may pailan ilang paring kabataang matitigas ang ulo ang nagpupunta dito, ngunit ngayon ay wala nang makikita.
Habang inililibot ko ang paningin ko ay may nakita akong bulto ng mga tao sa malayo na paparating, tantsa sa naaaninag ko ay matatangkad ang mga ito at mayrong dala dala na kung anong bagay. Magsasalita na sana ako ng biglaang kumapit sa akin si Hillary.
"Na-nandyan na sila."
Halatang nanginginig na sabi nito. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya para medyo umayos siya.
Tinignan ko ang kambal na pareho lang ding tinatanaw ang mga bulto ng tao na naglalakad.
"Guys, I guess nakita na nila tayo, ang kailangan nalang natin ay umaktong na hindi natin sila nakita at magkunyaring hindi natin alam na may katulad nilang dumudukot, kailangan nating gawin ito, hindi natin kailangang makaramdam ng takot basta't magkakasama tayo."
Kausap ko sa kanila at tumango nalang ang mga ito, dahil malapit na sila sa amin.
Lord, please guide us.
Pipeng dasal ko na lamang, kahit na kinakabahan ako ay pinilit kong maging malakas.
Napatayo ako ng maramdamang may panyo na tumakip sa bibig ko, at bago pa ako makalaban ay naramdaman ko nalang ang sarili kong unti unting bumabagsak.
Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko sila Lary, Lean, Leon na buhat buhat na ng ibang armadong lalaki na alam kong kasama nitong nagbubuhat sakin. Then before everything is went black ay narinig ko pa ang sinabi nito.
"Stubborn kids, kulungan ang naghihintay sa inyo"
***
YOU ARE READING
JAIL ACADEMY (On-going)
Mystery / Thriller... What if the loss of her friends would allow the past to open up? Turbulent pasts connected to the present? An unusual school, A school with many students sacrificing their life and a school you can call a PRISON. 'Erin Mitch France is her name...