Chapter 12.

79 6 0
                                    

ERIN

"S-scott?"

Mahinang sambit ko sa pangalan niya na sigurado akong narinig niya.

Kumunot naman ang noo niya ng marinig ang sinambit kong pangalan.

"Who the hell is he?" Kunot noong tanong nito kaya nagtaka ako.

"I-ikaw, ikaw si Scott, hindi mo ba ako naaalala? Hoy Scott wag mo akong niloloko ah, alam kong ikaw si Scott marami ka pang dapat sabihin sakin at hanggang ngayon nalilito parin ak---"

Hindi ko na natapos ang sinabi ko ng malakas niyang hampasin ang lamesa.

"I don't know what are you talking about woman! I'm not Scott and Scott is not my name! Who the hell is he? Huh, are you sure you don't know me?" Kunot noong tanong nito sakin saka ngumisi.

"I k-know you, you're S-scott." ulit ko sa pangalan niya, ngunit tulad kanina ay malakas niyang hinampas ang lamesa saka ako tinignan ng masama.

"I SAID IM.NOT.SCOTT! AND FVCK THAT SCOTT FOR SAYING HIS NAME INSIDE MY HOUSE!" Sigaw nito kaya napaatras ako, nakakatakot siya, hindi siya ang Scott na kakilala ko.

At kung hindi siya si Scott, sino siya? Bakit kamukhang kamukha niya si Scott?

"I'm s-sorry, nagkamali lang siguro ako kamukha mo kasi siya." nakayukong sabi ko saka ko pinagpatuloy ang pagkain ko.

Bumalik naman siya kinauupuan niya kanina at mataman ulit akong tinitigan.

At ng dahil dun ay mabilis kong tinapos ang pagkain ko, dahil hindi ko nadin kaya pang saluhin ang mga pagtitig niya, kailangan ko na ring makaalis dito at panigurado akong hinahanap na ako nila Hillary.

Mabilis ko namang inayos ang mga pinagkainan ko ng matapos ako atsaka maayos na nilagay sa sink ng kusina niya.

Huhugasan ko na rin at nakakahiya naman sa kanya, nakikain na nga ako tapos di ko pa huhugasan.

Bagamat nakatalikod ako ay ramdam na ramdam ko pa rin ang mga titig niya. Diba siya napapagod? O nagplaplano na siya na patayin ako.

Diba nga siya yung lalaki sa B.S Weapon Building, siya yung tumutok ng kutsilyo sakin, at hindi ako nagkakamali sa boses niya kanina, yun yung boses ng lalaki sa B.S Weapon Building.

Nang matapos ko ng hugasan ang mga pinag kainan ko ay lumingon ako sa kanya, at nanlaki naman ang mata ko ng makita kong nasa likod ko na siya.

"Oh my god! N-nandyan ka pala? San ko ilalagay tong mga 'to?"

Turo ko sa mga hinugasan ko, ngunit hindi niya ako sinagot at mataman parin akong tinitigan, napayuko nalang ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.

Nagulat naman ako ng i-angat niya ang mukha ko at saka ako hinawakan sa magkabilang balikat.

"WHO.ARE.YOU?"

Madiing tanong nito sakin sabay ng pagdiin ng hawak niya sa balikat ko kaya hindi ko maiwasan hindi mapadaing dahil masakit.

"N-nasasaktan ako."

Mahinang sambit ko ngunit hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkaka hawak niya sakin.

"I SAID WHO ARE YOU? GODDAMIT ANSWER ME!"

"I'm E-erin, Y-yes Erin Mitch France." pagpapakilala ko saka siya tinignan sa mata.

Ngunit tulad nung una kong makita ang mata niya, wala kang makikita na kahit anong emosyon doon.

JAIL ACADEMY (On-going)Where stories live. Discover now