ERIN
INILIBOT ko ang aking paningin sa kabuuan ng akademya. Masyado itong malaki para sa isang paaralan. Matataas din ang mga nakatayong building at puro naglalakihang puno ang mga nakapaligid dito.
Napagpasyahan kong maglakad. Maaga pa naman kaya pwede pa akong mag maliw maliw 6:30 am ako umalis sa dorm at 8:30 palang naman. Tulog pa naman siguro ang mga iyon kaya hindi nila ako hahanapin.
Ipinagpatuloy ko pa ang pag lalakad ko ng ihinto ako nito sa isang malaking building. Kakaiba ang building na ito dahil pure glass ang kabuuan. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para pumasok.
Pagkapasok ko sa glass door ay agad kong inilibot ang paningin ko. Kahit papaano pala ay may pagka modern din ang lugar. Kaso nga lang itong building lamang na ito at sa iba ay masasabi ko ng luma.
Mamahalin din ang mga makikita mong naka display na gamit. May mga ibat ibang armas, tulad ng armalite, calibre 45, riffle, granada, bazuka, espada at marami pang iba. May mga armas din na pang karaniwan lang. Tulad nalang ng mga kutsilyo, itak at palakol.
Nang idiretso ko pa ang lakad ko ay may isang bagay na nakakuha ng aking pansin. Nilapitan ko ito.
Isa siyang espada. Kakaibang espada. Dahil kulay ginto ito at sa hawakan nito ay may bato. Kumikislap kislap ang kulay pula na bato nito at napaka gandang titigan. Sayang lang at hindi pwedeng hawakan dahil naka baon ito sa semento. Oo nasa semento siya nakabaon kaya hindi mo din ito basta basta mahuhugot. Bukod pa dun ay may nakaharang na glass wall dito. Kaya wala na sigurong magtatangkang kuhanin ito dahil hindi niya din ito basta basta makukuha. Napaka importante siguro ng bagay na ito. Kaya ganito nalang sila kaingat para hindi ito manakaw.
Nag libot libot pa ako sa kabuuan nito. Sa tantya ko ay may sampung palapag din ito, kahit na gustuhin kong magpunta sa ibang palapag ay hindi nadin ako aabot. Dahil kailangan ko nading umuwi.
Lalabas na sana ako ng building ng may isang pinto akong nakita sa pinaka sulukan nitong building. Ibang klaseng pinto siya. Glass door din ito pero mahahalata mong may isa pang pinto ang nasa loob nito at ang pinaka pinto nito ay bakal na kulay ginto.
Nang dahil sa kuryosidad ay nilapitan ko ito. Hinawakan ko ang sedura at ipinihit, ngunit hindi ko ito mabuksan. Para bang nakalock ito sa loob. Nang sinubukan ko pa ulit at kinabog ito ay ganun padin ang kinahinatnan, ayaw mabuksan at parang may lock sa loob nito.
Aakma ko na ulit sanang pipihitin ang sedura ng may malamig na bagay ang tumutok sa leeg ko. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ito.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-KUTSILYO... Kutsilyo ang nakatutok sa leeg ko.
"Who the hell are you?"
Tanong nito sakin at muntikan na akong mabato sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses nito.
Napakalalim ng boses nito at mararamdaman mo ang parang maitim na aura na nakabalot dito. Napakalamig ng boses niya at nakakatakot. Eto na ba ang katapusan ko? Ni hindi ko pa nahahanap at nakakasama ang iba ko pang kaibigan.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong lumaban pero alam kong isang galaw ko lang ay pwede kong ikapahamak ito.
"I SAID WHO THE HELL ARE YOU!"
Sigaw nito sa malalim na boses kaya muntikan na akong mabingi. Nakakatakot talaga siyang mag salita.
"A-ahm s-sorry napadaan l-lang ako d-dito."
Hirap na hirap na sabi ko dahil ramdam kong bumabaon na sa leeg ko ang hawak nitong kutsilyo.
"That's not I want to hear, one more, WHO. THE. HELL. ARE. YOU? And Who gave you a permission to unlock this door huh?"
Mariing sabi pa nito ulit at lalo pang idiniin sa leeg ko ang hawak nitong kutsilyo.
"I-im Erin and N-no--------"
Putol na sagot ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang walang nagsabi na buksan ko ang pinto na ito. Dahil alam ko ang katotohanang ako ang may gustong buksan ito. Sh*t bakit ba kasi pumunta pa ako dito!
"Speak! Or I'll gonna cut your head, Right now?"
Malalim na boses na tanong nito sa akin.
"N-no o-one's gave m-me a permission, Im just curious what is inside this door so i tried to unlock---"
Naputol ang sasabihin ko ng mag salita ito.
"GET OUT ON THIS BUILDING OR I'LL GONNA KILL YOU RIGHT NOW, RIGHT HERE!"
Mariing sigaw nito saka tinanggal ang kutsilyong nakalapat sa leeg ko.
Walang lingon lingon na tumakbo ako palabas ng building. Hindi na ako papasok sa building na ito. Ayaw ko pang mamatay at isa pa parang pamilyar sakin ang presensya niya. Sayang lang at hindi ko nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ako sa kanya at hindi ko nadin gugustuhin na makita ang mukha niya dahil baka isang araw ay makasalubong ko pa siya. Patay na talaga ako.
Nang tuluyan na akong makalabas ay binigyan ko pa ito ng isa pang huling tingin. HINDI NA AKO PUPUNTA SA LUGAR NATO!
"Nandito ka lang pala Erin!"
Nalipat ang tingin ko sa lalaking nasa tabi ko ngayon.
"C-calix."
Kinakabahang tawag ko dito. Nakita ba niya akong pumasok? Lagot baka mapagalitan ako lalo't pa forbidden building pa yata ang pinasukan ko at may kasalanan pa ako sa isang lalaki sa loob. Sana hindi niya ako nakitang lumabas dito. Sana hindi.
"Woah! Haha para kang nakakita ng multo."
Natatawang sabi nito at iwinawaygay ang kamay nito sa tapat ng mukha ko.
"H-huh?"
Tanging sagot ko.
"Nanggaling ka sa loob 'no?"
Tanong nito kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"H-hindi, oo, a-hh oo H-HINDI! HINDI AKO NANGGALING SA LOOB CALIX!"
Sigaw ko at aakma na sanang tatakbo ng hawakan nito ang kamay ko.
"Ano bang nangyayari sayo Erin? Bakit parang kinakabahan ka diyan? Nanggaling kaba sa loob?"
Naguguluhang sabi nito at tanong.
Hindi naman ako marunong magsinungaling eh! Aamin nalang ako.
"O-oo."
Utal na sagot ko saka agad na yumuko. Sh*t kasalan ko to eh. Dapat kasi hindi ko na pinilit na buksan yung pinto na yun. May nakahuli pa tuloy sakin.
"Sayang! Iku-kwento ko sana sayo ang mga nalalaman ko dyan tungkol sa B.S Weapons Building eh! Nakapasok kana pala. Diba nga nasabi ko sa inyo kahapon na yan ang pinaka paborito ko sa lahat ng lugar dito."
Nanghihinayang na sabi nito saka tumingin ng nakangiti sa building na nilabasan ko. T-teka---- B.S Weapons Building? Ibig ba sabihin---.
Napatingin ako sa kabuuan ng building at nakita ko sa may bandang taas ang nakasulat na B.S Weapons Building.
"Bawal ba pumasok dyan?"
Takang tanong ko sa kanya at nagtatawang tumingin ito sa akin.
"Hindi naman bawal! Pero may isang pinto ang ipinagbabawal na pasukan."
Seryosong sabi nito kaya napatuptop ako ng bibig ko. God! May kasalanan talaga ako.
"Bakit mo pala natanonong?"
Nagtatakang tanong niya sakin.
"W-wala lang, tara na baka kanina pa tayo hinahanap!"
Aya ko sa kanya at nauna nang naglakad.
Sana lang ay hindi ako namukhaan ng lalaki dahil kung hindi---baka isang araw hindi ko alam na makakasalubong ko na ang taong tatapos ng aking buhay. Mygod! Ano ba itong pinag iisip ko!
***
YOU ARE READING
JAIL ACADEMY (On-going)
Детектив / Триллер... What if the loss of her friends would allow the past to open up? Turbulent pasts connected to the present? An unusual school, A school with many students sacrificing their life and a school you can call a PRISON. 'Erin Mitch France is her name...