ERIN
Maaga kaming nagising, dahil ngayong araw kami itotour ni Krishna. Nagtataka padin ako kung bakit hindi niya kami kinakausap, oo nag sasalita siya pero napakaiksi atsaka madaldal yun eh, naaalala ko pa nga kapag magkasama kaming dalawa at ang kapatid niya ay halos hindi siya maubusan ng sasabihin, kabaliktaran niya kasi ang kapatid niya, kung siya madaldal yun naman napakatahimik, magsasalita lang kapag may mahalagang sasabihin o kaya kapag kinausap mo siya, pero ibang iba talaga siya ngayon halos parang ayaw na niyang magsalita.
Napadako ang tingin ko sa pinto ng may pumasok dito.
"Tara na daw para maaga tayong matapos at makapag enroll na."
Sabi ni Hillary sa masayang tono. May iba yata sa kanya ngayon.
"Mukhang masaya ka ngayon ah."
Puri ko sa kasiglahan niya. Bigla naman siyang namula ng dahil dun.
"B-bakit? Masama na bang maging masaya."
Nauutal na sabi nito saka mabilis na tumalikod sakin. Nang dahil dun ay hindi ko na napigilang hindi tumawa. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at agad na sumunod sa kanya palabas.
"Nasaan na sila?"
Tanong ko habang pababa kami ng hagdan.
"Nauna na sa labas dapat nga kanina pa tayo kaso ang tagal mo, ano bang ginagawa mo kanina?"
Tanong nito sakin ng nagtataka.
"Nag isip-isip lang."
Maikling sagot ko sa kanya saka tinuon ang tingin sa daan.
"Iniisip ko kasi si Krishna napapansin mo naman din yata, ibang iba ang kilos niya ngayon, napakatahimik at tila ayaw magsalita."
Pagpapatuloy ko sa sinabi ko. Bumuntong hininga naman ito.
"Napansin ko nga din atsaka nakakapagtaka bakit nandito siya."
Napaisip din ako sa sinabi niya, oo nga bakit nandito siya? Ibig sabihin ba ay nakuha din siya? At ibig sabihin din ay nandito siya?
Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko habang naglalakad kami, at ng makalabas kami ng building ay naabutan namin sa labas ang tatlo naming makakasama. Ang kambal na halatang inip na inip na at si Krishna na walang imik.
"Bakit ang tagal niyo? Anong oras na oh! Ayan na ang araw ang init init na mamaya, masusunog na naman ang balat ko!"
Kaagad na bulyaw samin ni Lean, kahit kailan ay hindi niya maalis ang kaartehan niya sa katawan.
Hindi nalang namin siya inimikan, dahil kapag sumagot pa kami ay hahaba pa ang usapan.
"Let's go."
Walang tingin tingin na sabi ni Krishna samin atsaka naunang naglakad samin.
Sumunod nalang kami sa kanya at hindi nadin nagsalita.
"Sa Black quadrangle muna ang mauuna."
Saad niya sa amin.
Marami nang nagkalat na tao ngayon, pero hindi pa sila nakasuot ng uniforme dahil nga siguro ay hindi pa pasukan. Oo nga pala dito na kami mag aaral.
Medyo mahaba haba din ang nilakad namin bago makarating sa Black quadrangle na sinasabi nito.
Lumapit kami at doon ko lang napagmasdan ang itsura nito.
Kaya siguro natawag itong Black quadrangle dahil lahat ng kulay na meron dito ay puro itim. Tulad nalang ng hagdan na paakyat, mga upuang kahoy, at ang statue ng isang lalaki. Hindi ko kilala kung sino iyon pero ang itsura nito ay medyo nakakatakot. Nasa sentro ito ng Black quadrangle at kaya ko nasabing nakakatakot ito dahil may hawak hawak itong pugot na ulo sa isang kamay at kutsilyo naman sa isa, oo at statue lang iyon pero hindi mo maalis ang pagka creepy sa itsura nito.

YOU ARE READING
JAIL ACADEMY (On-going)
Misterio / Suspenso... What if the loss of her friends would allow the past to open up? Turbulent pasts connected to the present? An unusual school, A school with many students sacrificing their life and a school you can call a PRISON. 'Erin Mitch France is her name...