ERIN
NAKATANAW ako ngayon sa labas ng bintana ng room at pinagmamasdan ang buong akademya. Parang kailan lang nung mag plano kaming magpa kidnap, tapos ngayon ay nag aaral na kami dito. Ang tagal na pala. Kamusta na kaya sila Mama at Papa. Miss ko na sila.
"Erin, may extra kang ballpen pwede pahiram?"
Hindi ko narin ulit nakita si kuya, Nasan na kaya yon? Nagtataka pa din ako hanggang ngayon. Iniisip ko pa din yung boses na narinig ko bago ako mawalan ng malay. Alam kong boses yun ni Scott, pero nagtataka ako bakit hindi siya ang nakita ko ng magising ako.
"Hoy! Erin kunin ko nalang dito sa bag mo ah."
Oo nga't siya ang nakita ko, pero ibang iba ang boses niya, lalo na ang pagkatao niya. Napakarami talagang mali. Hindi ko lang alam kung ano pero ang daming mali.
"Erin tabi di ko makuha, naka harang ka."
Gusto kong magimbestiga mag isa, gusto ko alamin lahat ng tungkol sa akademya na ito, gusto ko masagot lahat ng katanungan ko. Pero paano? Paano ko sisimulan? Paano ko gagawin ang mga iyon ng hindi napapahamak?
"ERINNNNNN! NARIRINIG MO BA AKO?"
Napabalikwas ako ng upo ng sumigaw sa mismong tenga ko si Hillary. Sh*t ang sakit ano bang problema nito.
"Ano ba Lary ang sakit 'ah, hindi mo kailangang sumigaw, ang lapit lapit mo sakin 'eh."
Inis na sabi ko saka siya tinignan ng masama.
"Ay wow! Kanina pa kita kinakausap pero di mo ko naririnig. Tapos sasabihin mo na di ko kailangang sumigaw!"
Inis ding sabi nito saka umupo sa upuan niya ng nakataas ang kilay.
"What? Kinakausap mo ako? Eh bakit di ko naririnig?"
"Psh, paano mo maririnig eh sobrang lalim yata ng iniisip mo, konti nalang ay malulunod na ako. Ano ba yang iniisip mo? Ah nga pala di ka na pumasok kahapin 'ah first day pa naman tapos absent ka kaagad."
Bigla ko namang naiisip yung gagawin kong pag iimbestiga. Ganun na ba kalalim yung iniisip ko at di ko manlang napansin na kinakausap na ako ni Hillary.
"W-wala naisip ko lang sila Mama at Papa. Kamusta na kaya sila?"
"Tama ka pinsan, ang tagal na simula noong umalis tayo don, naku paniguradong nag aalala na sa atin ang mga yon!"
Napatitig ako kay Hillary, Kung isama ko kaya siya sa pag iimbestiga, Ayos lang kaya? Mapag kakatiwalaan naman siya eh. Ang kaso papayag kaya siya?
"Lary."
Tawag ko dito habang nag susulat siya, tumingin naman siya sakin at umayos ng upo.
"Bakit pinsan?"
Takang tanong nito saka ako tinitigan. Isasama ko ba siya? Baka kasi mahirapan lang ako kapag may kasama akong iba. Lalo't na matatakutin siya, baka mabulyaso lang ang mga plano ko. Tinitigan ko ulit siya. Huwag nalang siguro.
"A-ahhh wala, Sige mag sulat kana ulit diyan."
Tipid na sabi ko saka ibinalik ang paningin ko sa labas ng bintana.
Uumpisahan ko na mamayang gabi ang pag iimbestiga. Sana lang ay walang makahuli sa gagawin ko. Sana lang din ay may malaman ako. Di ko kayang umupo lang dito at mag hintay kung ano ang mangyayari.
Ayokong tumulad kay Juan tamad na nakahiga lang sa ilalim ng mangga at naghihintay na mahulog ang prutas para may makain siya.
Hindi ko kayang hindi kumilos, lalo't na alam kong may mali sa mga nangyayari.
YOU ARE READING
JAIL ACADEMY (On-going)
Misterio / Suspenso... What if the loss of her friends would allow the past to open up? Turbulent pasts connected to the present? An unusual school, A school with many students sacrificing their life and a school you can call a PRISON. 'Erin Mitch France is her name...