Chapter 1.

344 14 3
                                    

I HAVE a simple life. Pero nagbago ang lahat ng iyon ng malaman ko ang pagkawala ng mga dati kong kaibigan.

***

ERIN

"Erin, dalian mo na dyan at kailangan na nating umalis."

Sigaw ng mama ko mula sa ibaba.

"Opo mama."

Sagot ko at nagmamadaling nag ayos.

Lilipat na kasi kami ng bahay. Dahil kukunin na itong bahay at lupa namin ng isang mayamang matanda na may ari nitong nayon. Nakakainis lang dahil napaka sakim niya. Gusto niya lahat ng nakatira sa nayon na ito ay mapaalis at makuha ang mga pag mamay-ari ng mga ito. Nakakapanghinayang lang din dahil kailangan naming iwan ang bahay na ito. Dito kasi ako ipinanganak at lumaki. Nandidito din ang lahat ng masasayang alaala na meron ako. Sana lang ay makabalik pa kami dito at muling mabawi ang bahay at lupa. Hindi ako magsasawang hilingin iyon. SANA LANG.

"Erin tara na! Hinihintay na tayo ng sasakyan!"

Sigaw ni mama sakin at naunang naglakad papunta sa sasakyan na hiniram ni papa kay Uncle Lito.

Muli ay binigyan ko ng isang matagal na tingin ang kabuuan ng bahay namin.

"Makakabalik ako dito"

Yun ang huling sinabi ko bago naglakad at nagmadaling naglakad papunta sa sasakyan.

"Ayos ka naba Erin?"

Tanong ni papa ng makasakay ako sa sasakyan.

Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago sumagot.

"Opo papa." Sagot ko at yumuko.

"Hayaan mo anak, gagawa kami ng paraan ng mama at kuya mo para makuha ulit ang bahay at lupa na iyon."

Pagpapalubag sakin ni papa saka marahang ginulo ang buhok ko at binigyan ng mahinang dampi sa noo.

Tumango nalang ako at saka umaayos ng upo at sinandal ang aking ulo sa balikat ni kuya.

"Wag ka ng malungkot Erin, nalulungkot din si kuya kapag nakikita kang ganyan."

Bulong sakin ni kuya at marahang hinaplos ang ulo ko.

"Ayos na ako kuya, naiinis lang ako dun kay Don Gilbert, napaka sakim niyang tao."

Nagtatangis na bagang sabi ko.

Totoo yun hindi naman na ako ganon kalungkot, dahil sa sinabi ni papa nabawasan ng kaunti yung nararamdaman ko, pero nandun yung matinding inis dahil sa matandang yun. Pero dahil nadin talaga kay papa ay nagkaroon ako ng matinding pag asa na mababawi namin yon.

"Wag mo nang masyadong pagkaisipin yon, nandun naman yung mga pinsan natin sa bago nating lilipatan eh."

Napabalikwas ako ng bangon sa sinabi ni kuya, kung ganon ay magkikita na ulit kami.

Pagkatapos ng labing isang taon ay masisilayan ko na ulit ang maamo niyang mukha, ang magagandang ngiti niya na umaabot hanggang sa masisingkit niyang mata. Hindi na ako makapaghintay na makarating duon.

"Talaga kuya? Doon tayo lilipat sa mga pinsan natin, I mean doon sa lugar na iyon?"

Nangingiting tanong ko at sabik na makuha ang magandang sagot sakin ni kuya.

"Oo, tiyak na matutuwa sila kapag nagkita kita na tayo."

Masayang sabi nito.

Kamusta na kaya sila? Ano na kayang buhay ang meron sila ngayon? Ano na kayang mga itsura nila? Makukulit at pasaway padin ba sila tulad ng dati? Siya kaya kamusta na? Masaya kaya siya kapag nagkita na ulit kami?

JAIL ACADEMY (On-going)Where stories live. Discover now