ERIN
Madilim na paligid ang bumungad sa aking paningin ng imulat ko ang mga mata ko. Nakahiga ako sa isang kama na sa tingin ko ay luma na. Chineck ko ang sarili ko at wala naman akong nakitang kakaiba.
Nasaan kaya ako? Natatandaan ko na tinext ako ni kuya dahil may usapan kami na susunduin na niya ako, ngunit pag-baba ko galing sa rooftop ay wala akong nakitang tao. Nung sinubukan ko na siyang tawagan noong una ay hindi ko siya macontact pero nung inulit ko ay nag-ring na, ngunit laking gulat ko na lang ng marinig ko itong nag-riring malapit sa akin, at ng tumingin ako sa aking likuran, isang tao ang nag-takip ng panyo sa aking mukha rason para mawalan ako ng malay.
Saan ako dinala ng taong yon? Anong kailangan niya sa akin? Siya ba yung sinasabi ni kuya na gustong pumatay sa akin? Katapusan ko na ba?
Lumipat ang aking tingin sa pinto ng makarinig ako ng mabibigat na yabag. Agad kong ipinikit ang aking mata at muling humiga, idinilat ko ng kunti ang aking mga mata upang makita ang taong papasok.
Lumipas ang ilang minuto at bumukas ang pinto, pumasok ang isang lalaking may takip ang kalahating mukha, matangkad at naka ponytail ang buhok. Dahan dahan naman nitong isinarado ang pinto ng makapasok at lumakad palapit sa akin.
Kahit may takip ang kalahati ng kaniyang mukha ay nakikilala ko siya.
"I'm here to save the damsel in distress, I will be her Knight in shining armor for tonight." Mahinang bulong niya sa aking tenga ng makalapit siya.
Ngunit hindi ako nag-salita, sumingit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, papanindigan ko muna sandali ang pag arte na natutulog.
"Alright scratched the damsel in distress---change it to sleeping beauty hmm." Mahinang bulong niya ulit sa akin.
Ngunit tulad kanina ay pinili ko parin ang manahimik, I'm already in danger however I even managed to trip the man in front of me.
"You're not good at acting, but go ahead and just keep going on what you're doing, I'm warning you, don't be angry with what I'm going to do to you now Bell---."
"Anong gagawin mo sa akin?" Tanong ko dito bago pa man niya matapos ang sasabihin.
Ngumisi naman ito sa akin "I thought you we're sleeping?"
"Well, just like what you've said I'm not good in acting right? Teka bakit nga pala nandito ka? Paano ka naka pasok?"
Tinaasan niya lang ako ng kilay gaya ng lagi niyang ginagawa "Just like what I've said I am here to save the damsel in distress, I'm getting more and more interested in you now."
Hindi ko alam kung bakit pero biglang nag-init ang mga pisngi ko dahil sa tinuran niya kahit halata namang inaasar niya lang ako.
"Paano mo nalaman na dito ako dinala?" Tanong ko sa kaniya ngunit ngumiti lamang ito sa huli.
Ngiti na ngayon ko lamang nasilayan, kung saan nasa mapanganib kaming sitwasyon. May nakaka ngiti ba sa tanong ko?
"I will tell you everything but now is not the right time, tumayo kana diyan at kailangan na nating umalis, bago pa magising ang dalawang taga bantay mo."
Utos nito sa kaniya kaya nag-madali siyang inayos ang sarili at agad na bumaba sa kamang kinalalagyan niya.
Sumunod naman siya sa lalaking nasa labas na ng kwarto, pag-labas niya sa silid na iyon ay agad siyang nakahinga ng maluwag, akala niya kanina ay hindi na siya makakalabas pang muli sa madilim na kwartong iyon.
YOU ARE READING
JAIL ACADEMY (On-going)
Mystery / Thriller... What if the loss of her friends would allow the past to open up? Turbulent pasts connected to the present? An unusual school, A school with many students sacrificing their life and a school you can call a PRISON. 'Erin Mitch France is her name...