ERIN
PAGKATAPOS ng nangyari noong nakaraang araw sa B.S Weapons Building ay hindi na ako lumabas ng dormitory namin.
Natatakot kasi ako na mangyari ulit yung ganung eksena.
Nagtataka nadin sila Hillary kung bakit minsan balisa ako at laging nakatulala. Hindi talaga kasi maalis sa isip ko yung nangyari nun eh at ang presensya niya napaka pamilyar talaga sakin eh.
"Erin kakain na!"
Tawag sakin ni Hillary na nasa labas ng kwarto ko.
"Susunod na ako!"
Balik sigaw ko at bumaba ng kama. Ilang araw nadin akong nakakulong lang dito sa kwarto ko.
Pagkasabi ko nun ay agad nadin akong sumunod pababa at dumiretso sa kusina, naabutan ko silang nakaupo habang si Lean ay hinahanda ang tanghalian namin.
"Bakit hindi ka lumalabas ng kwarto mo?"
Tanong sakin ni Lean habang nilalagyan niya ng kanin ang plato ko.
"Gusto ko kasing magpahinga ng maayos."
Maiksing sagot ko nalang kahit hindi talaga yun ang dahilan.
"Nakapunta kana pala sa B.S Weapons Building?"
Tanong naman ni Hillary sakin. Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko ng marinig ko ang B.S Weapons Building. Sh*t talaga!
"A-ah o-oo."
Sagot ko habang kagat kagat ang kuko ko. Bakit ba kailangang marinig ko ang pangalan ng building na yon. Kinikilabutan tuloy ako kapag naaalala ko yung ginawang pagtutok ng kutsilyo sa leeg ko ng lalaking yon.
Tahimik akong nag umpisang kumain ng makita kong nakahanda na ang lahat. Ayaw ko munang magsalita ngayon baka ma-topic na naman ang building na iyon.
"Guys! Labas tayong mamayang gabi."
Basag ni Hillary sa katahimikan.
"Hindi pwede Lary! Delikado sa labas lalo't na gabi."
Sagot ko sa nais niyang gawing pag labas mamayang gabi. Totoong delikado, kahit na ako ay natatakot na, dahil dalawang beses ng muntik malagay sa panganib ang buhay ko.
Ang una ay yung sa Bloodshot Devil Skulls, yung pinaliparan ako ng kutsilyo nung Bryan na mayabang. Pangalawa ay yung lalaki sa B.S Weapons Building. Yung tinutukan niya ako ng kutsilyo sa leeg dahil sa ginawa kong pag pilit na mabuksan yung forbidden door na sinasabi nila, at sa pangatlong pag kakataon ay ayaw ko ng malagay ulit sa panganib ang buhay ko, lalo na ang mga kaibigan ko.
"Sige na! Isama natin sila Satinna, atsaka ngayon lang naman eh."
Sagot niya at napatango naman ang dalawa sa sinabi niya.
"Ayos lang sakin Erin, kasama naman natin sila Satinna at isa pa tulad ng sabi niya ay ngayon lang."
Pag sang ayon ni Lean kay Lary.
"Nakakabagot din ng nandito lang tayo sa loob Erin, gusto ko namang makapag relax, baka maaga akong tubuan ng puting buhok kung nakatunganga lang ako magdamag dito."
Maarteng sabi pa nito. Napatingin naman ako kay Leon na tahimik na nakatingin sakin. Tumango lang ito saka pinagpatuloy ang ginagawang pagkain.
Napabuntong hininga nalang ako. Wala din naman akong magagawa dahil pare pareho nilang gustong lumabas, ayaw ko namang maiwan dito mag isa baka lalo lang akong mabaliw kakaisip sa nangyari noong nakaraang araw, atleast kapag sumama ako ay makaka pagrelax ako at panandaliang makakalimutan yon.
YOU ARE READING
JAIL ACADEMY (On-going)
Misteri / Thriller... What if the loss of her friends would allow the past to open up? Turbulent pasts connected to the present? An unusual school, A school with many students sacrificing their life and a school you can call a PRISON. 'Erin Mitch France is her name...