Paaralan?
Masasabi mo ba itong paaralan, Kung saan nanganganib ang iyong buhay? Paaralan kung saan pwede mong makaharap si kamatayan? Paaralan kung saan walang pakielamanan? Paaralan kung saan mamatay ka nalang.O
Kulungan?
Kulungan ng mga mamamatay tao. Kulungan ng mga miserable, misteryoso at mga demonyong tao, kapatid si kamatayan. Mga walang awa, mga walang respeto, kung saan ay nakakatakot, nakaka gimbal, at maaaring kabahan ka, mangiginig ka kapag nagsimula na ang oras na kinakatakutan nila.Lumaban?
Oo lumaban ka hanggat humihinga kapa. Lumaban ka hanggat kaya mo pa. Lumaban ka hanggang kamatayan. Huwag kang matakot kung makaharap mo siya. Labanan mo siya, talunin mo at huwag kang susuko. Matatalo mo sila.Mamatay tao? Oo magiging tulad ka nila. Dahil sa paaralang ito ay wala silang sinasamba. Magiging mamatay tao kapalit ng kaligtasang hinahangad ng iba. Ito ang magiging armas mo upang mabuhay pa.
Sa paaralang ito. Maraming buhay ang nawawala, maraming buhay na nasasayang, maraming tao ang gustong lumaban ngunit natatakot sila sa parusang pwede nilang makatapat. Ang mamatay ng walang saysay, talunan, at walang laban.
KAMATAYAN ANG NAGHIHINTAY SAYO...
***
Ang lame ng prologue hehe :)
A/N: So how was the prologue? I know pure tagalog ang prologue at ang iniiexpect niyo ay taglish. Haha gusto ko lang kasi na ganun ang simula ng prologue, not like to others na pure english or taglish.
At isa pa, medyo may pagka old ang story ha, kaya pakiintindi nalang po ang ibang malalalim na salita :)
Just enjoy every chapters ;)
Don't forget to vote and the comment box is open for your's reactions and concerns :)
Waaaah. Sana may magbasa Huhuhu. :(
YOU ARE READING
JAIL ACADEMY (On-going)
Mystery / Thriller... What if the loss of her friends would allow the past to open up? Turbulent pasts connected to the present? An unusual school, A school with many students sacrificing their life and a school you can call a PRISON. 'Erin Mitch France is her name...