ERIN
Nagising ako sa isang maingay na tunog, at ng imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sakin ang napakaraming kulungan, KULUNGAN NG MGA TAO, at isa ako sa mga nakakulong.
Nakita ko din sa tabi ng kinalalagyan kong kulungan ang tatlo ko pang kasama, tahimik lang ang mga ito na nakaupo. Nasa tapat ko si Hillary na bakas sa mukha ang kaunting takot at si Lean na halatang naiirita.
"Guys."
Mahinang tawag ko sa kanila upang hindi kami marinig, tumingin naman silang tatlo sa direksyon ko.
"Kanina pa kayo gising?"
Tanong ko.
"Yeah, at kanina pa ako pinapapak ng mga lamok dito."
Iritang irita na sabi ni Lean at saka umirap sa ere.
"Look around guys, diba si Andy iyon?"
Turo ko sa babaeng nakatayo malapit sa may pintuan na siguro ay labasan nitong kwartong ito. Kahit na medyo madilim ay tanaw na tanaw ko ang nakangising mukha nito. Nadukot din siya? Pero bakit parang ayos lang sa kanya?
"Oo si Andy nga yan, kasama siya sa nadukot nitong nakaraang two years napakatagal na."
Sagot ni Hillary sa tanong ko. Pansin ko lang ay napakarami nitong alam.
"Bakit ang dami mong alam Lary?"
Tanong ko sa kanya. At marahan lang itong napatawa.
"Pinsan naman eh, obvious na obvious naman na chismosa ako. Hindi lang halata."
Sabi nito at pasimpleng inirapan ako.
"They look scary but the hell I care."
Maarteng komento ni Lean sa mga lalaking armado na ngayo'y kasama na ni Andy.
"So, dito nalang tayo?"
Inis na tanong ni Leon kaya napatingin ako sa kanya. Isa pang maangal eh.
Naagaw ng pansin namin ang babaeng nagsasalita palapit sa amin.
"No, papakawalan ko na kayo, But---"
Tumitig muna ito sa aming apat bago ipinagpatuloy ang sinasabi.
"No one else can try to escape from me."
Nakangising sabi nito. Saka ibinaling ang tingin sakin.
"Look who's here. Hi Mitch."
Nakangiti ngunit may bahid na inis na bati nito sakin. Tsk plastic.
"Hello Andy."
Plastic din na bati ko dito. Wag niya akong daanin sa kamalditahan niya dahil sanay na sanay na ako dyan. Kay Lean palang ay immune na ako.
"So get ready yourselves."
Maikling sabi nito. Pagkatapos ay tinanggal ang pag kakakandado ng mga kinalalagyan namin. Ayaw kong tawagin itong kulungan dahil hindi kami preso at mas lalo hindi kami aso.
"Let's go guys."
Aya nito at nauna nang naglakad, sumunod lang kami sa kanya, tumigil ito sa tapat ng pintuan at lumapit sa isang lalaki at may ibinulong, nakita ko pa ang pag ngisi ng lalaki at saka tumingin sa direksyon namin.
Ano bang binulong ng Andy na iyon at kailangan pang tumingin sa amin ng pangit na lalaking ito.
Ikinumpas ni Andy ang kamay niya na parang pinapasunod kami. Naglakad nalang kami palapit sa kanya at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa isang tapat ng malaki ngunit medyo may pagkaluma na pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/135819028-288-k596032.jpg)
YOU ARE READING
JAIL ACADEMY (On-going)
Mystery / Thriller... What if the loss of her friends would allow the past to open up? Turbulent pasts connected to the present? An unusual school, A school with many students sacrificing their life and a school you can call a PRISON. 'Erin Mitch France is her name...