Chapter 34 - The Ring of Promise
(This is a flashback. Ito yun oras noong magkasama sila ni Zackary bago pa magperya sila ni Kristy and Frey. You could refer it to last chapter if you want.)
JOHAN'S POV
Tumingin ako sa labas ng bintana. Medyo makulimlim pala? Yung tipong walang araw at maulap pero mukhang hindi uulan naman? Hays, hula ko hindi nyo gets yun. *pout*
"Pssst Zacky, saan tayo?" sabi ko sa pangatlong beses pero hindi niya ako pinansin.
Umagang umaga eh kikidnapin daw muna niya ako. Huhuhu! NakaPJs pa nga ako tapos hello kitty na color pink na tsinelas eh! Buti nalang at nakapaghilamos ako at sipilyo. *pout*
"Waaaah! Zacky, saan ba kasi tayo---" napatigil ako sa pagsigaw kay Zacky nang tumigil kami.
Tumigil kami sa.... Park?!
Gulat kong nilingon si Zacky na nakangiti. Isa pa to, kanina pa nakangiti ng wagas! Baliw na ata!
Pero... Hihihi, kahit na ganyan na yan, mehel ko pa rin yan! Hihihihi! :">
"Seryoso ka?! Dito tayo pupunta?!" sigaw ko.
Noong tumango siya ng isang beses ay napatili ako sa saya at nagtatakbong lumabas ng kotse.
Dumiretso ako sa mga batang naglalaro.
"Waaah! Hello! Ang kucute niyo naman!" sabi ko.
Napatingin sila sa akin at naghello rin. Yung isang batang lalaki na may bangs at bungi sa harapan, hinila ako papunta sa kanila.
"Ano pong pangalan niyo?" sabi ng batang babaeng mataba na nakaupo.
Kinandong ko muna yung batang lalaki na humila sa akin.
"Ako si ate Johan. Kayo? Ano pangalan niyo?" sabi ko din.
Nagpakilala na sila isa isa at yung pangalan ng kandong ko naman ay Nicholas. Four yearth old na daw siya. Sabi pa nga niya, "Ako po Nicholath. Four yearth old na po!"
Sinali nila ako sa mga pambatang laro nila na ikinasaya ko naman tulad ng tagutaguan, mahuli taya, jollibee jollibee umutot si jollibee, tapos yung mga medyo matatanda nang bata nagpicko ata yun? Sinama din nila ako sa pag-kain nila ng almusal--- joke lang.
Mga isang oras na rin nang mapagod kami at tatlo nalang kaming natira. Si Nicholas at si Joyce.
"Ate," cute na tawag sa akin ni Joyce. "Ang ganda niyo po. Sana po maging kamukha po kita paglaki ko."
"Ate, papakasalan kita paglaki ko ah." sabi naman ni Nicholas na kandong ko.
"Hehehe, salamat Joyce. At Nicholas, sige ba. Paglaki mo---"
"Ehem."
BINABASA MO ANG
Awake of the Demon [COMPLETED]
ActionAwake of the Demon Part 1 & 2 Si Johan Ricardo, isang isip-batang babaeng walang ginawa kundi ang mangulit at ngumuso. Si Zackary Alonzo naman, isang lalaking napaka-seryoso at walang pakielam sa paligid kasi gangster daw siya. Hindi lang simpleng g...