Chapter 4

38.2K 810 88
                                    

AN: PAULO, ON THE MEDIA

==================================

Chapter 4 - May mumu! 

JOHAN'S POV

Naglalakad ako with my barbie bag pack. Yah! Limited edition to ah! Papunta na ako sa room ko. Asan kaya sila Kristy?

"Hey bitch!" sigaw ng isang-----pft, hihihi! Clown! May kasama pang mga apprentice. Hahaha!

Nagulat ako kasi sumigaw ba naman sa mukha ko. "Ako po?" tanong ko. Bitch ba pangalan ko? Hindi naman diba? Johan kaya.

"Yes! Sino pa bang bitch huh?!" sigaw ulit ng clown.

Pero--- "Hindi naman bitch ang pangalan ko eh. Johan kaya. Adik ka ba? " tanong ko ulit. Baka adik? Hays, mga kabataan nga ngayon.

May narinig akong tawanan sa paligid. Waah! Kelan pa naging talk show to?!

"A-adik?! How dare you to call me like that?!" sigaw ulit sa akin ng adik na clown. This time, may tumalsik nang laway.

"Kasi sabi mo Bitch ako eh Johan kaya! Adik ka." sagot ko ulit. Narinig ko ulit yung hagikhikan sa paligid.

"A-aba hoy! Binalian mo na nga si Prince Zac, sinabihan mo pa ang Queen Bee ng adik?! How dare you?!" sabi ng apprentice ng clown na adik. Queen Bee? Ano yun? Ahhh--yung reyna ng mga bubuyog. Tama tama!

"Reyna ng mga bubuyog? Hoy! Bakit ka nandito sa school? Pano kung sumunod yung mga bubuyog sayo?! Edi kawawa naman yung mga estudyante dito?!" sigaw ko kay clown na adik. Waah! Baka magkaron ng bee invasion dito!

"Bitch ka na nga, stupida pa! F*ck you!" hahambalasuhin niya dapat ako ng palad niya pero hindi natuloy. Huh?

"Don't you dare." sabi ng isang lalaking boses. Eh? Sino to----KYAAAH! Si Kras! Oo, si Lui hehehe!

"P-prince Lui..." bulong ni Queen Bee/Clown na adik. Hmp! Mainggit ka bleh!

"Don't you dare to lay your filthy hands on Johan. Understand?" seryosong sabi ni kras kay Clown na adik. Tumango-tango nalang ito bilang pag-sang ayon.

Hinila ako palayo ni kras sa kanila. Yiie! Hinila ako ni kras. HHWW ang peg hehehe.

"Salamat kras---este Lui hehehe." sabi ko sa kaniya habang naglalakad patungo sa room. Magkaklase naman kami... Ata?

"Haha! You're so cute!" sagot niya saka pinisil yung pisngi ko.

*pout*

Pagkapasok namin sa room napatingin sa amin ni Kras lahat ng estudyante. Waah! Ano ba silang lahat?! Tingin ng tingin sa akin?!

"Nice bag, huh." sabi sa akin ni Derrick.

"Hehehe salamat!" sagot ko naman. Nakakahiya naman kung hindi ako magpapasalamat diba?

"Hi Kristy. Hi Frey!" bati ko kina Kristy na kakapasok pa lang sa room.

Napalingon naman sila saakin saka tumakbo papalapit. "Are you okay?!" tanong nilang dalawa saka inexamin yung buong katawan ko. Eh? Para silang mga body guards ko hahaha!

"Okay lang? Bakit?" tanong ko.

"Nabalitaan agad namin na may sumugod raw sayo. Are you sure you okay?" huh? Si clown na adik? Ambilis naman kumalat ng balita. *pout*

"Oo nga!"

Nakita ko rin si panget Zac na nakaubob sa mesa niya. Ano kaya ginagawa niya no? Si Cloud naman may kaakbay na babae. Sino kaya yun? Gf kaya niya? Bakit papalit palit?

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon