Chapter 47 – The Tonight's Celebration
Tumayo si Daniela nang may nagdoor bell sa hotel room niya. Isang linggo nang nakakalipas noong umuwi sila dito sa Pilipinas. At simula noong umuwi sila galing sa UC ay hindi na nagkita muli sila ni Zack dahil abala ito sa paghahanda ng engrandeng party niya na gaganapin sa mansion ng mga Alonzo ngayong gabi.
Hindi lang mga kaibigan niya at silang Nine Tails ang invited, maging ang mga ka-sosyo nito sa kompanya at ibang kamag-anakan nito mula sa malayong lugar.
Pagkabukas ni Daniela ng pintuan ay bumungad sa kaniya ang isang babaeng nakauniporme. "Madam Daniela, ipinapadala po ni Senyorito Zack." Ibinigay nito ang isang puting box.
Agad na sinara ni Daniela ang pintuan. Nakakunot ang noo nitong Tinignan ang box. May sobre pa ito sa ibabaw. Nilapag ni Daniela ang box sa ibabaw ng kama at kinuha ang maliit na sobre.
Love, please wear this tonight. I'll fetch you up at the hotel lobby tomorrow @ 7pm. Love you. – Zack
Napataas ang dalawang kilay ni Daniela nang mabasa ang dalawang salita na nagpakabog ng puso niya. Pero... ang alam niya ay 9pm pa ang simula ng party niya. Bakit ang aga naman yata?
Binuksan ni Daniela ang box, bumungad sa kaniya ang itim na long sleeve lace mermaid dress. Kinuha nya ito mula sa kahon. Mahaba ito. Napangisi si Daniela. Good choice. Sa ilalim naman ng dress ay may isa ding pares ng heels.
Tinignan niya ang oras. 3 pa lang ng hapon. Magtatrabaho muna siya.
Tinignan ni Daniela ang sarili sa salamin. Nakamessy hair bun ang buhok nito pero may iilang hibla ng buhokang nasa mukha niya. Naka-dark make-up ito. Suot niya ang lace mermaid dress nito at talaga namang humapit ito sa makurba niyang katawan.
Biglang tumunog ang fone nito. Alam niyang si Zack iyon dahil 7pm na. Nasa lobby na siya.
Agad nitong kinuha ang itim na pouch na may lamang baril, yung wallet niya, at iba pang gamit na kakailanganin niya. Lumabas na ito ng kwarto at nakasalubong pa niya sila Hestia, Hades, Hera, Athena at Poseidon na nakaayos na rin pero mukhang hindi pa aalis.
"Whoa!" asik nila ng sabay-sabay. Pinasadahan nila Apollyon, Hades at Poseidon ang katawan ni Daniela na nakatalikod. Napasipol sila.
"Talaga namang nagpaganda ang boss natin para sa birthday boy oh!" nakangiting sabi ni Poseidon dito.
Hindi ito pinansin ni Daniela at nagdire-diretso sa elevator.
Pagkababa ay maraming napatingin sa kaniya sa lobby. Maraming tao.
Hindi ito pinansin ni Daniela bagkus ay hinanap ang lalaki. Nilibot nito ang tingin sa buong lobby ng hotel. Napatigil ito nang makita ang hinahanap sa may receiving area. Nakaupo ito doon at panay tingin sa fone na hawak nito. Agad itong nagtungo doon kahit na madaming tao ang nakasunod ng tingin sa kaniya. Yung iba pa'y hinahagod siya ng tingin mula paa hanggang ulo. Yung iba'y napapasipol pa.
BINABASA MO ANG
Awake of the Demon [COMPLETED]
ActionAwake of the Demon Part 1 & 2 Si Johan Ricardo, isang isip-batang babaeng walang ginawa kundi ang mangulit at ngumuso. Si Zackary Alonzo naman, isang lalaking napaka-seryoso at walang pakielam sa paligid kasi gangster daw siya. Hindi lang simpleng g...