Chapter 21

42.9K 689 54
                                    

Chapter 21 - Jealous?

"I'm in love with you, And all these little things. . ."

-One Direction, Little Things.

JOHAN'S POV

Nagising ako ng maaga dahil. . . . . Hindi ko alam. Hehehe.

Hays, naalala ko parin yung tinanong sa akin ni Zacky kagabi. . . .

LALO NA YUNG PANDESAL NIYA!! HUHUHUHU!

Anim na pares ng pandesal sa tiyan? Huu~ Pwede ba yun? Di kaya tanga talaga tong si Zacky at kinakain niya ng buong buo yung pandesal?! . . .Ta-tapos nagsa-stuck yung pandesal niya sa tiyan?! WAAAH~ HUHUHUHU!

Napalingon ako sa harapan ko ng may gumalaw.

Si Zacky na nasa upuan.

W-wala nga pala ako sa kwarto namin nila ate! Haist! Bakit ba kasi nakatulog bigla ako kagabi?

Sina Wawang kaya kamusta na? Magpaparetoke ba yun? Kasi diba nga pangit na pumangit pa lalo dahil kay Zacky?

Hays, nakakailang buntong hininga na ba ako? Lima? Hays.

Tumayo nalang ako saka lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko nasa isang kwarto ulit ako--- ay hindi!! Nasa sala pala ako!

Waaah! Ang laki naman ng kwarto ni Zacky! May kwarto na nga may sala pa! Nakanganga kong inilibot ang paningin sa buong lugar. Ang ganda! Bakit may ganito sa hotel? Ang daya ah! Sa amin ni ate kwarto agad yung bungad, eh bakit kay Zacky parang dun sa napanood ko sa tv? Yung my love from the star ata yun? Waah! Ang laki ng kwarto nung lalaking intsek dun no? Ay--- Intsek ba yun? O hapones? Basta singkit! Hehehehe!

Hinanap ko yung banyo dito sa napakalaking silid na ito.

Mamaya nga papagalitan ko si Zacky. Napakamagastusin talaga. Iisa lang naman siya dito eh tapos kay laki ng tinutuluyan.

Hotel pa ba ang tawag dito? *pout*

"Where are you going?"

"Ay kalabasang pumayat!!" napatalon ako nang marinig ko yung boses ni Zacky sa likod ko.

"What? Kalabasang pumayat? May ganun ba?" sabi niya.

"Mey genen be?" ginaya ko siya sa pagsalita na may kasama pang paghampas ng kamay sa hangin. "Hahahaha!" tawa ko pa.

"Tss. Stupid girl with morning glory." sabi niya saka ngumisi ng nakakaloko.

?_?

"Huh?"

Morning glory? Ano yun? Si Gloria daw nasa umaga? Paano yun eh naka-wheelchair nga siya? Paano siya makakalakad? *pout*

"Pfft. Wash your face after you got up in bed, stupid girl." natatawang sabi niya saka tumalikod na.

Ano daw?Wash your face? Maghugas daw ng mukha?

Hinawakan ko yung mukha ko. May panis na laway pa pala ako?

WAAAAH! OO NGA PALA! HINDI PA AKO NAGHIHILAMOS! HUHUHUHU!

--x

Nandito kami ni Zacky sa sala kumakain ng almusal habang nanonood ng tv. Tinapay lang na may kung anu-anong palaman yung kinakain ko kasi walang laman yung ref ni Zacky.

Sabi ko nga sa kaniya kanina, "ANO BA YAN ZACKY! ANG LAKI LAKI NG HOTEL MO WALA NAMANG LAMAN YUNG REF MO! MAYAMAN KA BA TALAGA?! DAPAT KASI NAGAASAWA KA NA! TIGNAN MO TULOY! WALANG BUMIBILI NG PAGKAIN MO DITO! TSK!" nanlaki yung mata niya saka namula yung tenga nung sinabi ko yun kaya hindi ko mapigilan na matawa nun. Anong masama ba sa sinabi ko? Para siyang si Rudolph--- ay ilong pala yung mapula sa kaniya! Hindi tenga. HAHAHA! Ngayon ko lang kaya nakitang ganun yung mukha ni Zacky! Ang pangit! Pffft--- HAHAHAHA! Hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung mukha niya! HAHAHAHAHA!

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon