Chapter 44 - Bust Your Windows
Las Vegas, Nevada
*
Isang itim na Limousine Hummer ang tumigil sa tapat ng isang Casino Hotel na puno ng makukulay na ilaw. Diretso ang mukha ni Daniela na naglakad papasok sa 5-star casino hotel na pag-aari niya mismo.
Nakasuot ito ng kulay pulang tube dress with slit on the side na hanggang tuhod ang haba. Dahil sa hapit na dress nito, kitang kita ang mala-hour glass curvy body ni Daniela. Kitang kita din ang silky white na braso nito pababa sa nakalabas na hita nito. May hawak din itong itim na pouch na naglalaman ng isang hand gun at milyun-milyones nacredit card.
Lahat ng mga staffs doon ay nakahilera sa labas at yumuko sa pagdating ng boss nila. "Good Evening, madam." Kitang kita sa mukha ni Daniela ang pagkaboss nito at hindi manlang nag-abalang bumati pabalik sa mga staff niya.
Sa tabi nito ay si Zackary na ganun din na dire-diretso ang lakad papasok.
Nakasuot ito ng itim na three-piece suit na talaga namang yumakap sa magandang katawan ni Zack. Hapit din ang slacks na suot nito.
Ang daming napatingin sa kanilang dalawa nang pumasok na ito sa loob. Lalo na ang mga kababaihan. Para silang Greek Lords na bumaba mula sa Olympus Mountain para lang rumampa sa red carpet.
Lobby pa lang ay talaga namang masasabi mong 5-star ito dahil sa pangmayamang materyales na ginamit dito. Ang daming nagdadagsaang tao sa naturing casino hotel. Puro mayayaman at bigating bakasyonista at foreigners ang makikita dito. May mga Chinese, Japanese, mga Arabo, British at Amerikano.
Sa may pulong ng mga mayayamang tao, may nakapansin kay Daniela.
"Is that Daniela Violenzio?" sabi ng Amerikanong matanda at tinuro sa mga kausap si Daniela.
"Oh yes!" nagsang-ayunan naman yung mga kausap nito at napagdesisyunan na lapitan ito.
"Ms. Violenzio!" sigaw ng isa at kumaway kay Daniela. Napatigil naman sa paglalakad si Daniela at tinignan ito. Nakakunot noong tinignan ito ni Daniela.
"Nice to see you here in your own casino hotel. It was great visiting here!"
Nakipagshake hands naman si Daniela sa lalaki at nakipagbusiness talk ng kaunti.
Makalipas ang ilang minutong paguusap nila ay may nagtanong, "And who is this guy beside you? Boyfriend?"
Tinignan ng isang Arabo si Zack at nanliit ang mata. "You seems familiar to me."
"He's Zackary Alonzo." sabi ni Daniela.
"Alonzo? The owner of The Paraiso in Southeast Asia?" gulat na tanong ng Arabo at tinignan si Zack.
Tumango naman si Zack.
Nagpakilala ang mga matatandang lalaki kay Zack. "Your father also owns the biggest real estate in Asia right? The Alonzo Real Estate?" sabi ng isang Britano kay Zack.
"Goodness! I want to invest in your big company!" pag-amin ng isang hapon.
Sa loob ng sampung minuto ay puro usap lang sila tungkol sa mga kayamanan nila, wala nang iba.
Maya-maya din ay nagpaalam na si Daniela para umalis at magcasino.
"You really are richer than me, love." bulong ni Zackary sa tabi ni Daniela.
BINABASA MO ANG
Awake of the Demon [COMPLETED]
ActionAwake of the Demon Part 1 & 2 Si Johan Ricardo, isang isip-batang babaeng walang ginawa kundi ang mangulit at ngumuso. Si Zackary Alonzo naman, isang lalaking napaka-seryoso at walang pakielam sa paligid kasi gangster daw siya. Hindi lang simpleng g...