Chapter 20

35.2K 693 38
                                    

Chapter 20 - Knight in Shining Jacket?

THIRD PERSON’S POV

ITALY,

 

*

Tuwang tuwa ang isang lalaking na nasa loob ng opisina niya. Tuwang tuwa siya na paunti unting nadudurog ang Violenzio Famiglia--- ang pinakamakapangyarihan at nakakatakot na mafia organization sa buong Italya.

“Hinack ko na po yung main system ng org nila sa Mexico at sa Korea, boss. Medyo m-mahihirapan lang po kami sa Russia dahil  malaki ang org nila dun at magagaling ang may hawak.”

 

“It’s okay. Good job, boys. Good job. At least napatumba niyo ang Korea at Mexico. I’ll just give your money later. Hindi ko inaasahang mapapadali niyo masyado ang trabaho niyo. I even thought mahihirapan kayo sa mga kapatid ni Daniela.” Sabi niya.

“Yes boss. Hindi po sila masyadong nag-iisip. Hahaha! Madali lang silang utuin, ngayong wala na si Daniela. Buti nalang po boss piñata niyo siya.” Sabi ng tauhan ng lalaki.

“Now is the time. Uuntiin ko kayo. Paunti-unti ko kayong wawasakin at dudurugin ng pinong pino, mga Violenzio.Sisiguraduhin kong mawawala ang angkan niyo sa mundong ito. Mapapasaakin din ang kapangyarihang inagaw mo sa akin Daniela.”

 

Ngumisi siya ng pandemonyo habang idinidiin ang sigarilyo sa lamesa.

 

--x

 

PHILIPPINES,

 

*

 

“Ma’am!” sigaw ng kausap niya sa telepono.

“What now Gray? I’m busy!” sigaw ng babae. 

“Ma’am! May balita ako sa Italya! Sa Violenzio!”

Napatigil bigla sa paglalakad dahil sa narinig niya. 

Violenzio. . .

 

Unconsiously, napalingon siya sa paligid nya. 

“Why? What happened?” walang emosyon na saad niya.

“Bumagsak ang org nila sa Mexico at sa Korea. May mga traydor daw na nagbigay ng password ng system nila. May mga balita din na balak nilang pabagsakin ang org nila sa Russia kaso mahihirapan sila dahil andun ang kalahati ng best assets ng mga Violenzio.” Tumigil si Grey saka huminga ng malalim. “He’s making a move, Ma’am Fina. Ang problema pa, hindi gumagawa ng galaw para matigil ang pagtatraydor ang mga kapatid ni Daniela. They’re insane---!”

“No, they’re not.” Putol ni Fina kay Gray. Umiwas siya ng tingin saka tumingin sa malayo kahit hindi ito nakikita ng kausap niya sa telepono. “Mas itinutuon nila ang pansin nila sa paghahanap kay Daniela. They believe na buhay pa siya. Na kinuha siya ng kalaban at nilayo sa kanila.”  

“Ma’am. . .”

“Alam ko kung paano nila at gaano nila kamahal si Daniela. Lalo na si Dawn. Siguro namimiss na nila si Daniela.”

“B-balak niyo na p-po ba s-siyang---“

“No.” Ngumiti siya ng mapait. “Maybe we’ll just wait the right time. The right time that we really need to bring her back to her true family.” 

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon