Chapter 57 - Game Over
Pinaikot ni Artemis ang bayonet na hawak at inambahan ng saksak si Ballestina. Ngunit mabilis namang sinangga ni Ballestina ang braso ni Artemis at lumayo kay Artemis.
Nakangising nilapitan ni Artemis si Ballestina habang pinapaikot-ikot ang bayonet na hawak nito sa mga daliri. "C'mon, Tina. C'mon." sumitsit ito na para bang nagtatawag ng tuta.
Nakita niya kung paano bumaha ng inis at pagkagalit ang mukha ni Ballestina. Lumawak ang ngisi ni Artemis sa labi nito dahil sa nakita.
"Fvck you Artemis!" nakayukom na kamaong saad ni Ballestina.
Tumawa si Artemis. "Why? Takot ka na agad?"
Mas lalo pang kumuyom ang kamao ni Ballestina.
Natawa muli si Artemis. "Tina! Hindi ko pa pinuputol yung braso mo! 'Wag kang matakot!" Nginitian nito si Ballestina.
Nanlaki ang mga mata ni Ballestina sa narinig. Bigla ay rumehistro ang putol at nagdudugo niyang braso sa isip niya. Maisip niya lang iyon ay parang gusto nalang niyang sumuko o kaya ay tumakbo. Tinignan niya ang babae na kaharap niya. Nakakatakot ang ngiti ni Artemis. Para bang wala itong kaluluwa! Nanginig na ang mga kalamnan niya. Namamawis na rin siya dahil sa nerbyos. Anytime ay pwede na siyang bawian ng buhay. Gusto niyang tawagin ang Papa niya!
"C'mon, Tina. Fight!" hamon ni Artemis. Tinaas pa ni Artemis ang hintuturo nito.
Walang nagawa si Ballestina kung hindi ang labanan ang demonyo sa harapan niya.
Mabilis na humakbang si Artemis sa babae at iwinagayway ang bayonet nito. Simpleng tumalon patalikod si Ballestina dito at sinasangga ang mga braso ni Artemis. Tinulak ni Ballestina si Artemis at humakbang palayo sa kaniya.
Muli ay tumakbo si Artemis papunta kay Ballestina at pilit na sinasaksak ang bayonet na hawak nito. Yumuko si Ballestina para iwasan ang mga atake ni Artemis at pilit na humahakbang palayo.
Suddenly, Artemis took a few steps backward. Nagtaka si Ballestina sa ginawang iyon ni Artemis.
"You're boring." ani Artemis habang nakatitig sa kaharap niya.
Nanggigil si Ballestina dahil 'don. How dare she told her boring?! Tumakbo ito patungo kay Artemis...
...ngunit biglang tumagilid si Artemis at mabilis na binaon ang bayonet sa leeg nito. Napaawang ang bibig ni Ballestina. Hinugot ni Artemis ang bayonet na hawak mula sa leeg ni Ballestina at nginisihan ito ng mala-demonyo.
Napahawak si Ballestina sa leeg nito. Hindi niya mawari kung ano ang nangyari dahil napakabilis ng pangyayari para sa kaniya. Umagos na parang gripo ang dugo nito sa leeg nito, maging sa bibig niya ay may lumalabas na ring dugo. Pilit itong sumigaw at manghingi ng tulong ngunit walang boses ang lumalabas sa bibig niya. Napaluhod siya. Halos mamutla na ang mukha nito dahil patuloy na umaagos ang dugo sa leeg nito.
Halos mabingi siya dahil sinipa siya ni Artemis sa may bandang panga. Napahiga ito sa malamig na semento.
Lumuhod si Artemis sa tapat ni Ballestina habang may suot na ngisi sa labi. Hinaplos niya ang pisngi ni Ballestina pababa sa leeg nitong patuloy ang pag-agos ng dugo. "Oh... Poor Ballestina. Say goodbye to your friends!" tinuro nito si Vincent mula sa malayo. Katapat nito si Apollyon na may hawak na baril at nakatapat sa noo nito. Bigla ay bumaksak si Vincent at may butas sa noo.
Napaluha si Ballestina dahil sa nasaksihan. Ang mga ka-grupo niya... Unti-unti nang nauubos.
"Ikamusta mo nalang ako kay Hestia sa impyerno ah?" nakangising saad ni Artemis. Natawa pa ito sa isip dahil sa sinabi tungkol kay Hestia. Alam niya namang hindi ito mapupunta sa langit dahil napakarami nitong kasalanan... lahat naman sila.
BINABASA MO ANG
Awake of the Demon [COMPLETED]
ActionAwake of the Demon Part 1 & 2 Si Johan Ricardo, isang isip-batang babaeng walang ginawa kundi ang mangulit at ngumuso. Si Zackary Alonzo naman, isang lalaking napaka-seryoso at walang pakielam sa paligid kasi gangster daw siya. Hindi lang simpleng g...