Chapter 7

37.3K 737 51
                                    

Chapter 7 - Stupida

JOHAN'S POV

Panibagong araw nanaman para sa unibersidad (。•́︿•̀。)

Biyernes na at bukas ay weekend na. Hindi ako tanga para hindi ko alam yun. -___-

At sabi rin ni Master huling araw ko na ngayon! Wiiie! Halos isang buwan ko rin siyang pinagtiyagaan huh! Kaya ngayon  lulubus lubusin ko na ang pagsunod sa utos niya at pagtawag ng Master sa kaniya. Hay! Makakawala rin ako kay panget hehehe!

Hmm... PE pala namin sa tanghali kaya magdadala ako ng extra shirt at extra towel. Baka magkasipon ako no! *pout*

"Huy Johan! Kanina ka pa tinatawag ni Ser oh!" bulong sa akin ni Kristy.

Waaa~ tinatawag ba ako? Hindi naman kaya! Nakikinig kaya ako. *pout*

"Johan Ricardo! For the last time, Are you listening to me?!" singhal sa akin ni Ser Pagindingan. The English & Literature prof namin. Ewan ko ba jan sa kalbong yan, palaging nakasinghal. Akala mo naman nasa bundok. Ang lakas ng boses!

"Opo ser." sagot ko naman. Nakikinig kaya ako.

"Then answer my questions I asked earlier!" he said.

Eh?! "Ano po ba yun?" takang tanong ko. Pano ko malalaman kung hindi niya sinasabi diba? *pout*

Napahilamos naman sa mukha si ser. "What is Shakespeare FA1 of Literature?!"

Eh? May natatandaan ako nun eh. San ba yun?

Hinilot ko ang batok at likod ng ulo kasi bahagyang sumakit ito.

"This... course... examines Shakespeare's artistic development, grappling with the issues of today while experimenting with different dramatic and poetic forms. Rotating topics include Shakespeare and politics, philosophy, theatrical performance, queer theory, and Shakespeare's cultural and artistic legacy..." mahabang sambit ko habang nakapikit.

Pagkadilat ko... O.o

A-anong nangyare sa kanila?! Bakit lahat sila nakanganga?! Sumagot lang naman ako sa tanong ni ser diba?

"Very good Miss Ricardo. You may now take your seat." nakangiting saad ni Ser Pagindingan.

"Whoa ang galing mo naman Johan! Hindi ko alam yun ah!" manghang sambi ni Kristy sa akin. Ngumiti lang ako bahagya.

"Ang lalim naman ng english mo." bulong sa akin ni Frey.

O-kaay?

Mabilis na lumipas ang oras at tanghalian na namin. Papunta na kami sa cafeteria. Hay! Nakakagutoooom~

Kruuuu~

"Hehehe sensya." sabi ko kina Kristy at Frey.

"Pffft."

*pout*

Pagkapasok namin sa restaurant aye este pakainan pala ay maraming nakatingin sa amin ng masama. O baka sa akin lang...?

WAAAA~ Ano bang nangyayari sa kanila?! Mga adik rin ba sila katulad ni ateng clown na adik?!

"Psst. Mga nakashabu ba sila?" bulong ko kay Kristy nang makaupo na kami sa lamesa namin. Ispesipiko sa upuan.

"Pfft. Hindi. Maganda lang talaga tayo." sagot niya na kina-kunot noo ko.

Huh? "Eh ikaw? Nakashabu ka?" tanong ko ulit.

"Aray!" nabatukan tuloy ako. Lakas nitong makabatok eh! *pout*

"Sinasabi mo bang hindi ako maganda?!" singhal niya sa akin.

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon