Chapter 39 - The Defense
Pagpatak ng ala-sais ng umaga ay bumangon na si Johan at nag-ayos. Pagkatapos mag-ayos ng panglakad ay dahan dahan itong lumabas ng uit ni Zackary para bumili ng ice cream sa convenience store. Pagkababa ay binati agad siya ng mga crew, receptionist at guards sa lobby.
"Pa-saan kayo Madam?" sabi ng isang guard.
Ngumiti naman si Johan. "Hala, Johan nalang po. Diyan lang po sa tindahan, bibili ng ice cream. Hehehe."
"Ay naku Ma'am Johan! Sarado pa ang store jan sa malapit gawa ng alas-otso ang bukas pa nyan. Doon nalang ho kayo sa kabila siguradong bukas na ho yun dahil 24/7 yon." Nakangiting sabi ng guwardiya kay Johan.
"Salamat po!" sagot naman ni Johan at lumabas na sa building.
Kakaunti pa lang ang naglalakad sa side walk, karamihan ay ang mga nagjojogging.
Pagdating sa tindahan ay agad siyang naghanap ng isang gallon ng ice cream.Bumili pa siya ng ibang toppings para mas masarap. Binayaran na niya ito sa cashier nang may pumasok na limang lalaking mukhang gangster, o gangster naman talaga.
Naagaw nito ang atensyon ng cashier, nung guard pati ni Johan. Napakunot ang noo ni Johan. Ano ba yan, bibili lang sa tindahan kailangan nakacostume pa! *pout*
Lalabas na sana si Johan nang biglang hablutin ng isa ang braso niya.
Nagtataka namang humarap dito si Johan. Gayundin ang lalaking humablot sa kaniya. Nanlaki agmga mata ng lalaki. "B-boss!"
—x
"Where the hell did you go?!" singhal ni Zackary nang makapasok na si Johan sa unit nito. Nagpameywang pa ito sa harapan niya. "You didn't even put your cap on! Delikado na sa labas Johan!" Patay, tinawag siya sa panagalan niya ibig sabihin seryoso na talaga ituuu.
Napakamot si Johan sa batok nito. "Hala, sorry naman. Pati may nilagay kaya akong sticky note dun sa sala." Nakangusong sambit nito.
Nawala ang kunot ng kilay ni Zackary. Hinila niya sa kamay ito saka hinapit sa beywang. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo ni Johan. "Next time, huwag kang aalis ng di ka nagpapaalam sa akin, okay Love?"
Ngumiti naman ng pagkalawak si Johan. "Okay!"
"C'mon, let's eat. I'm famished." Aya ni Zack saka hinila si Johan sa kusina.
Pagkatapos initin ni Zackary ang pagkain ay kumain na sila. Malapit n asana silang matapos nang biglang may tumawag sa cellphone ni Zackary. Tinignan nya kung sino ito, si Lui. This must be important. Hindi naman ito tatawag ng ke-aga para sa wala. Agad itong sinagot niZackary at lumayo kay Johan sa lamesa. Nakatingin si Johan sakaniya, sinasabing kakain pa ba sya. Umiling ito.
BINABASA MO ANG
Awake of the Demon [COMPLETED]
ActionAwake of the Demon Part 1 & 2 Si Johan Ricardo, isang isip-batang babaeng walang ginawa kundi ang mangulit at ngumuso. Si Zackary Alonzo naman, isang lalaking napaka-seryoso at walang pakielam sa paligid kasi gangster daw siya. Hindi lang simpleng g...