Chapter 10:

26 1 0
                                    

Chapter 10: Official






"Therese, sorry na kasi! Hindi ko naman sinasadya eh, isa pa hindi ko intensyon na halikan ka kasi alam kong magagalit ka at kakaltukan ako nang Kuya mo at mga Kuya-kuyahan mo, andaming kaltok non Priestin. Maawa ka naman oh, pansinin mo naman ako." Pagmamakaawa ni Ross. Inabangan niya ako kanina sa gate.

Two weeks had passed pero hindi ko siya pinapansin. After kasi nung halik 'yong puso ko biglang umalog na akala mo may biglang yumugyog sa akin, at alam ko na ang ibig sabihin non, gusto ko si Ross. Hindi naman kasi ako manhid sa sariling damdamin, sa damdamin siguro nang iba manghid ako.

Wala naman sigurong mali kapag nagkagusto sa ganitong edad kasi ni-ako hindi inaasahan na magkakagusto ako. Sabi nang Papa ko, walang edad ang pagibig pero hindi ko naman sinasabing pagibig na 'to kasi bata pa ako at hanggang gusto lang muna ako.

"Therese naman."

Binilisan ko ang paglakad dahil baka ma-late nanaman ako at baka pagalitan ng Kapatid ko.

Pagpasok sa classroom, napabuntong hininga na lang ako. Late parin ako.

Tinignan ko lang si Sir Themo at naglakad papunta sa upuan ko. Si Ross akmang dederetso sa'kin ng samaan ko siya nang tingin.

Hindi naman ako galit, naiinis lang kasi wala na ang first kiss ko. Isa pa, sa two weeks na 'yon, lumayo muna ako, aba malay ko bang hindi ko na siya crush pero hindi, ang crush naging gusto, kinginang 'yan.

When the clock hits 9 am agad na ring nagbell, dapat 9:30 ang recess pero may announcement raw.

Nagsuot na ako nang bag. Sinulyapan ko lang si Ross bago magpa-darag kay Chesca. Sa two weeks, sumasama naman ako sakanila pero hindi ko siya kinakausap.

"Tara teh! Cafeteria tayo!"

Dinarag ko si Chesca matapos malaman ang pupuntahan niya."Sa court tayong dalawa."

"Ay bet yatang maghanap ng bagong crush! Tara tulungan kita! Sa'kin na lang agad si Ross."

"Sige iyo na, pasuntok muna." Sabi ko sakanya. Tumawa si Chesca sabay hampas sa'kin.

"Yiee! Kinikilig ako!"

Anong nakakakilig sa 'pasunton muna?' ayos rin 'tong babaeng 'to, halos lahat yata nang sinasabi ko may kilig sakanya. Hindi naman siya siguro pinanganak ng nanay niya habang umiihe siya, kasi naman kapag umiihe ka kinikilig ka naman, baka nailuwal 'to sa kubeta.

Pagpunta namin sa court isa isa nang tinawag ang mga pasok. Sina Ross nandun lang sa gilid. Nakita ko siyang nakasandal sa gilid habang nakapamulsa at nakayukod lang.

"Ay teh, problemado. Nagtsismisan kami ni Zenell, kaya raw ganyan dahil hindi mo pinapansin. Gaga ka talaga." Hinila niya ang buhok ko. Nang samaan ko siya nang tingin kunwari niyang inayos ang buhok ko sabay hagikgik.

"Papansinin na nga diba? Kaya andito tayo diba?" Sarkastikong tanong ko.

Malakas niya akong hinampas. Kailangan ko yatang ibalot ang sarili ko sa foam dahil sa lakas niyang humampas.

"Bet ko 'yon! Dapat may accidentally kiss!" Sa sobrang panunuod sa amin ni Chesca nakita niya rin 'yon.

"Manolo Andrieth Legaspi!" Umakyat si Manolo para kunin ang jersey niya. Sa grade 7, siya pa lang ang nakukuha.

Malakas na tumili si Chesca matapos tawagin sina Zenell at Zoren.

"Amziro Royce Vanidestine."

Wala ako sa sariling napangiti. Naglakad na si Ross kaya hinawakan ko si Chesca sa pulsuhan at dinarag palapit sa may stage.

A Kiss From Summer (Summer Series #1) COMPLETEWhere stories live. Discover now