Chapter 16

20 1 0
                                    

Chapter 16: A Lock






I'm eating breakfast with Ross, sa sobrang training dito kami sa school nagbe-breakfast para hindi na malate.

"Babe, ang aga aga pa, softdrinks ka na." Agad niyang kinuha ang bote ng softdrinks kaya sinamaan niya ko siya ng tingin.

"Alas siete nang umaga, Priestin." Aniya sa striktong boses. Pasama nang pasama ang tingin ko sakanya kaya napangiwi siya sabay nguso.

"Isang tungga." He forfeited. I immideatly chuckled and grab the bottle.

Sabi niya Isang tungga lang, hindi niya sinabing isang lagok, kaya tinungga ko nang walang hintuan ang nasa bote kata nakatanggap ako nang batok na siyang ikinatawa ko habang umiinom.

I burped and giggled.

"Ayos 'yan, Therese. Nakakatuwa ah." Aniya. Tumawa lang ako sabay hampas sakanya.

Lalo akong napatawa dahil ang kaninang seryoso tumatawa na siya ngayon.

"Tangina mo, kung hindi ka lang cute eh." Aniya at umamba nang batok kaya hinampas ko siya.

"Ubusin mo na nga 'yang pagkain mo." Utos niya na ginawa ko rin. We keep eating nang biglang sumulpot si Kuya.

"Ayos 'yan ah, morning date." Sabay naman kaming napatingin sakanya.

"Anong morning date ka jan?" Kunwaring tanong ko. Sumimangot si Ross kaya sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa kaya napipilitan siyang tumango.

"Tss, kunwari pa kayong dalawa. Akala niyo hindi ko alam." My brother placed his arms on the block and rest his chin on it.

"Anong alam 'yan, Sir? Si Kuya Kim ka ba?" Pang cha-charot pa ni Ross.

"Huwag niyo 'kong biruing dalawa ha. Ilang buwan na kayo?"

"15 years." Sabay naming sagot sa edad namin.

"Ano 'yan? Fetus pa lang kayo may relasyon na kayo?" Pinagtaasan niya kami nang kilay, napangiwi ako habang si Ross napatawa.

"Ilang buwan?" Tanong niya ulit. Bwiset talaga 'tong Kapatid ko.

"Bakit ba? Wala nga eh!"

"Manahimik ka, tinatanong ko lang, wala akong gagawin." My bother immediately defended himself.

"Isang taon at limang buwan." Ross answered and smiled proudly. Agad kong sinaksakan ng pagkain ang bunganga ko para hindi ako makasagot.

"What?! Seriously?!"

"Oo Sir. Hindi mo kami mapaghihiwalay, Sir, magkamatayan man kayo nang pusa kong si Sapi." Ross stated.

"Natagalan mo 'to?" Natatawang tanong ng Kapatid. Tangina, akala ko wawarlahin niya si Ross pero mukhang magkakaroon pa siya nang ka-team para mambwisit sa buhay ko.

"Oo Sir. Himala nga eh." Tumawa silang dalawa sabay apir kaya napairap ako.

They keep talking, puro pangiinsulto sa'kin na sinasabayan rin ni Ross, humanda talaga 'to sa'kin.

"Hindi ka pa ba nasusuntok nito?"

"Hindi pa naman, araw araw ba namang nanghahampas, minsan nangungurot."

"Wow ha! Akala mo hindi nanghahamp----" Sabay nilang pinakita sakin ang palad nila.

"Hanggang dito lang ang linya, hindi ka namin kilala." Sabi ni Kuya na sinapawan ni Ross ng tawa kaya na aasar na ako sakanilang dalawa.

A Kiss From Summer (Summer Series #1) COMPLETEWhere stories live. Discover now