Chapter 29: Legal
Today is the day na graduate kami sa Highschool so next year Senior Highschool na kami. May highschool parin kaya mukhang nasa highschool parin kami.
Ngayon, naka-toga ako tapos naka-dress na black sa loob. Ako na ang nag-make up sa sarili ko dahil ayaw kong mag-mukhang japayuki kung si Mama ang magme-make up sa'kin. Umuwi nga talaga si Mama ngayon grad ko, kaya medyo kumpleto kami, kasi kung sinabi kong kumpleto kami na walang medyo andito ang buong angkan kong mga tsismosa at tsismoso, mga sulsulera at sulsulero, at ang mga pala-utang.
Pumasok ako sa Van at agad na sumandal kay Kuya, si Theodore kumandong rin sa'kin sabay sandal kaya niyakap ko.
"Ano bang pinaggawagawa niyong magkaibigan at puro kayo pagod?" Tanong ni Mama.
"Naginuman ng chuckie sa bahay ni Chesca." Naginuman nga rin talaga kami, Chukie sa'min ni Chesca habang sakanila tanduay Ice. Nung nalasing, iniwan namin ni Chesca kaya si Chesca, sa bahay natulog, bumalik lang kaninang umaga.
"Ayos rin kayo. Hindi ka uminom nang alak, Therese?" Tanong nanaman ni Mama.
Umiling ako."Hindi, nung sa Prom lang, tikim lang ang pait."
"Try mong uminom ng tanduay." Suggestion ni Kuya. Agad siyang napa'aray' nang hampasin siya ni Mama kaya napatawa ako.
"Anong gusto mo sa debut mo?" Tanong ni Lola.
"Katahimikan." Sagot ko. Agad na tumawa ang kapatid ko.
"Mommy, why does horse run?" Pagdaldal sa'kin ni Theodore na akala ko natutulog.
"Kasi wala silang buntot para lumangoy."
"Mommy no!"
"Oh eh ano?" Nakapikit kong tanong sa bata.
"Kasi may paa sila." Humagikgik si Theodore at Therene. Ang Tatay naki-tawa.
"Ayan, nagmana kayo sa tatay niyong corny." Sabi ko at tumawa pero napatigil ng pinitik ni Kuya ang ilong ko kaya sinabunutan ko siya.
"Aray, tangina mo naman, ayos ayos buhok ko eh."
"Putangina mo rin isang daan tsaka Isa't kalahating pakyu ka."
"Themorene, Therese. Yang mga bunganga niyo ha, sinasabi ko sa inyo. Akala nila yata walang mga bata na nakikinig. Magsimba ulit kayo!" Ani Lola. Kuya and I just answered with a groan.
Nung nagsimba kami napauwi rin agad kami dahil natae si Kuya, kaya dagdag kasalanan. Sabi ko nga sakanya pigilan lang 'yong tae tapos sinagot ba naman ako nang 'sige, kamay mo gawin kong pampigil sa tubol', partida nasa harapan pa kami nang simbahan non.
Nang makarating sa FIU, sabay sabay kaming bumaba, nakasukbit sa balikat ko ang camera ko dahil nga for article purposes nanaman ako, tsaka remembrance na rin.
"Mommy! Pa carry!" Si Therene.
"No! Mommy! Ako carry mo 'ko!" Si Theodore.
"Tumigil kayong dalawa, naka-ayos ang mommy niyo." Awat ni Lola kaya agad silang napanguso.
"Dito kayo kay Daddy, puro kayo Mommy eh." Ani Kuya kaya pumunta rin sakanya ang kambal at binuhat niya rin.
"Mamaya ko kayo kakargahin." Ngumiti ako sakanila pero ngumuso lang sila.
We all headed towards the Audit. Karga karga na ni Mama si Therene habang hawak hawak ni Lola si Theo. Si Kuya naman naka-akbay lang sa'kin.
Pagpasok namin sa loob, maraming bumati kay Kuya, dahil nga former Teacher 'tong kumag na 'to. Nagtaka naman ang mga pamangkin ko.
YOU ARE READING
A Kiss From Summer (Summer Series #1) COMPLETE
RomantikTherese Priestin, a Capiznon took a new life in Manila where he meet Ross that took half part of his life. Started: March 28,2021 Posted: April 19 (6), 2021 Ended: May 13, 2021