Chapter 30

14 1 0
                                    

Chapter 30: Leyte





I wear my bag that's full of clothes stuffs for four days for our trip in Leyte. Agad akong lumabas sa bahay matapos kong magpaalam kay Yaya Tabi. Sumakay ako sa tricycle ni Mang Hanz dahil sa airport na kami raw magkikita. I'm wearing a plain maroon cami top tucked in a white highwaisted shorts paired with a black strapped sandals.

Pagrating sa airport, I saw all of them, bahagya akong napatawa dahil sa mga porma nila. Mga naka-hawaiian polo at shorts ang mga lalaki habang naka-rayban, Chesca is wearing a halter bodycon dress, she's also wearing a geometric glasses.

Natatawa parin ako habang naglalakad palapit sakanila. Kinginang 'yan.

"Ayos mga porma natin ah." I said. Agad nila akong nilingon. They all groaned with twitching lips.

"Late ka nanaman." Agad akong binatukan ni Chesca.

"Ang o-OA ah, limang minuto lang naman." Ngumiwi ako.

"Sabi ngang sumama ka na lang kay Chesca." Ani Ross at hinila ako.

"Tanga mo rin, nasa Pangasinan nga siya diba?"

"Ay sabi ko nga."

"Tangina, exited ako. After many many years, naka-gala na tayo na tayo tayo lang." Ani Zenell habang nag-aantay kami sa flight namin.

I looked at Ross with twitching lips. Hindi siya nagsasalita panay lang ang titig niya sa'kin.

"Ross, mukha kang tanga."

Ross look up to me and teased a smile."Ngayon ko lang napansin. Naka-shorts ka yata?"

"Alangan naman mag-pajama ako ano?" Sarkastikong balik ko na siyang ikinatawa niya.

He went to me and snaked his arms around my neck and placed his chin on a resting position.

"Ang ganda mo..." Ross said, napailing na lang ako.."Ganda ganda nang baby ko. I love you."

"Thankyou." Natatawang sagot ko. I don't know what to respond on his sayings everytime he always told me I'm beautiful.

"Welcome." Ross replied and chuckled.

In a little waiting, we all entered the plane. Si Chesca busy nanaman sa pagba-vlog, si Zoren pa ang nakahawak sa camera niya. On the other hand, may dalawang panay ang ngiwi. Sina Zenell at Arcus.

"Baka, couple get away 'to ha, paki sabi na lang sa'min at makaalis kami agad." Pagpaparinig ni Zenell. Natawa na lang rin kami. Sila ang Reklamador namin sa grupo.

As Ross and I seated on our place agad siyang yumakap sa'kin sa gilid kaya napailing iling na lang ako.

"Babe alam mo..." Panimula ko habang hawak hawak na ang cellphone ko.

"Pwet ko may rocket?" Aniya. Agad ko siyang hinampas kaya napatawa siya.

"Feeling ko pagdating ng collage running with honors to running away from requirements mangyayari sa'kin." Sabi ko. Ang hirap rin pa lang hindi ka titigilan ng pago-over think when it comes to acads. Minsan nga, feeling ko, pumapasok na lang ako sa school para tumawa o di kaya mag-recess.

"Hindi naman mangyayari 'yon."

"Paano mo nasabi?"

Ross chuckled."We keep reviewing despite of the different course we'll take. I know you. You're lazy pero wala kang tinatakasan na responsibilities sa acads, medyo may pagka-late lang."

Napatawa ako dahil tama nga naman siya, kahit late nagpa-pass parin ako, kapag ayaw tanggapin pumupunta ako sa faculty at pinapatong na lang sa lamesa nang teacher para hindi niya na maibalik.

A Kiss From Summer (Summer Series #1) COMPLETEWhere stories live. Discover now