Chapter 23

11 1 0
                                    

Chapter 23: Roses







"Ang payat mo na." Naiiling na sabi ni Kuya habang nakatingin sa'kin. Umuwi siya matapos sabihin ni Ross ang nangyari sa'kin. Galit na galit ang Kapatid ko at dinala sa korte ang nanakit sa'min. Ni si Harrington nandon na rin sa kulungan. Ang Papa ni Chesca ang lumaban para sa akin.

The twins, Ate Tine and I got a treatment dahil sa trauma na meron kami, so far so good, we're going okay na. Today is February 14 ngayon pa lang ako papasok sa school, halos apat na buwan akong wala. For the first month of treatment, si Ross palagi ang sumasama sa'kin, well, sina Chesca rin. And then, ng makauwi si Kuya, siya na. Palaging nasa tabi ko si Ross kaya kampanteng kampante ako. Dalawang buwan ko na siyang hindi nakikita dahil busy na rin sila.

"Halata naman, ikaw nga pangit parin." Pangaasar ko sakanya. Ngumiwi ang Kapatid ko.

He pulled me and hugged me."I'm sorry."

"Kuya alam mo, paulit ulit ka. Ayos na nga eh. Isa pa, male-late ka na sa flight. Sure namang aalagaan nina Lola ron ang kambal." Aniko. Dinala na sa Capiz ang kambal, maraming magbabantay ron at kampante kami ni Kuya.

"I really can't imagine your experience when I leave. Kahit paulit ulit akong magsorry alam kong wala lang 'yon dahil sobra sobra ang ginawa nila sa'yo.... Sa inyo."

I smiled and hugged him back."Ingat Kuys. Maayos na ako. Andito rin naman si Yaya Tabi, sure she'll take care of me." I assured. Lumipat na rin kami nang bahay dahil hindi ko na kayang tumira 'ron. Si Mama, kahit alam niya hindi man lang siya umuwi.

I just remembered, how my brother cried in front of me way back sa Hospital.

"I'll call from time to time. Aalis na ako. Magingat ka. Mahal kita." My brother kissed my cheeks.

Nakangiti akong tumango. Tumitig naman ang Kapatid ko sa'kin.

"Alam mo, simula nung nagka-treatment ka, galaw anghel ka na. Asan na demonyo mo? Ilabas mo nga."

Agad ko siyang hinampas kaya napatawa siya."Sabi ko nga nanjan parin." Aniya at tumawa. My brother bid a goodbye. I smiled and waved back.

Inakbayan ako ni Yaya."Magiging maayos ang lahat. Tatawagan kita, baka makalimutan mo ang pagkain." I smiled at her.

Pagkahinto ng kotse sa harap ng FIU, agad akong napangiti. Makikita ko na rin ang mga Kaibigan ko. Inayos ni Yaya ang nakalugay na mahabang buhok ko. Nagpasalamat muna ako bago bumaba. Isinukbit ko ang bag ko pati na rin ang airsoft na dala ko.

As soon as I went in, I saw red bandiritas, flags, balloons and whatsoever ngayon. It's Valentine's day.

Naglakad na lang rin ako patungo sa classroom namin. Nakasalubong ko pa sina Miss Savana at Miss Andra na natuwa nang makita ako.

Huminto ako sa tapat ng classroom. Nagsisigawan nanaman sila. Pinapangunahan nina Nessi at Andrene kaya mukhang may pinagkakaabalahan nanaman sila. Time flies so fast, Ross and I are already 16.

I knocked. Nang walang may bumukas, ako na lang ang bumukas ng pintuan. I shut the door off and walked. Everyone's eyes went on me. Wala nang ingay. Ni si Sir Carlos na nakaupo sa teachers table napatingin rin sakit.

"OH MY GOD! THERESE!" Sigaw ni Chesca at malakas na hinambalos ang lamesa na siyang ikina-gising nina Zoren at Ross.

Ross' eyes widened."CHUBS! CHUBS!"

"ANAK NG! CHONG WELCOME BACK!" sigaw ni Arcus.

"CHONG! APAT NA BUWAN KANG MIA!" si Zenell.

"GAGO! NAGISING AKO! NAKS!" si Zoren.

A Kiss From Summer (Summer Series #1) COMPLETEWhere stories live. Discover now