Chapter 5

15 1 0
                                    

Chapter 5: Brother






Bumaba ako at sinalubong agad ng bunganga ni Mama."Ano to Therese?! Pitong subject bagsak ka?!"

"Wala nang bago, Ma." Sagot ko at dumeretso sa kusina, sumunod naman si Mama habang nakapamewang.

Agad na nagsalubong ang kilay ko matapos makita si Sir Themo na may kasamang lalaki.

Agad kong hinarap si Mama."May boyfriend ka?" Pinanlakihan ko nang mata si Mama. Ngumiti siya sabay darag sa'kin papunta pabalik sa taas.

"Nak, bakit naman ganito? Nagrereview ka ba?"

Napakamot ako sa ulo."Oo, nagrereview ako. 200 items, hindi ko kaya 'yon! Tsaka! Paano mo nalaman na bagsak ako?!" Pinalitan ko kaya yung mga score ko.

"Si Themo nagsabi." Sagot ni Mama kaya sumama ang mukha ko.

"Nak, hindi ako galit ah, ayos lang na ganito pero wag mong araw arawin, ayokong matulad ka sa'kin na bumalik sa grade 7."

"Ayan! Pinagtaasan mo pa ko nang boses! Bumalik ka rin pala!" I stated. My Mother and I laughed afterwards.

"Nak, boyfriend ko, yung Papa nang Sir mo. Ayos lang naman siguro?" Ngumiti si Mama. Alam kong hirap na hirap siya nang mawala si Papa kaya ayos lang sa'kin para naman to the highest level ang saya niya.

"Okay lang Ma. Basta importante, komportable ka sa lalaki at marespeto. Ayokong mabastos ka ma." Ginulo ni Mama ang buhok ko at hinalikan ako sa pisnge.

Dumulong kaming dalawa sa kusina. Agad akong ngumiwi dahil kay Sir Themo na nangaasar.

Pinakilala ako ni Mama sa Tatay ni Sir Themo kaya ngumiti ako. Mabait naman, sa mukha pa lang.

"Themo, Therese. Treat each other as a siblings, okay?" Sabi nang bago ko raw na Tatay, pero hanggang Tito lang ako. Ayaw kong ipalit sa kahit kanino si Papa.

Ngumiwi ako. Si Sir Themo tumango lang.

"Kawawa ka naman, hindi kasama sa Acquaintance." Pangaasar niya nang pumasok sina Mama sa kusina.

"Ulol mo! Pakyu! Tangina ka!" Sunod sunod kong pagmumura.

"Hoy! Bat mo 'ko minumura?!"

"Magkapatid nga tayo diba?! Kaya tangina mo! Pakyu! Bagsak ako sa lahat ng quiz mo kaya malaking pakyu!" Pinagtaasan ko siya ng gitnang daliri.

"Yah! Bobo ka kasi! Wala akong Kapatid na hindi magaling sa math!" Ganti rin niya kaya nanlaki ang mata ko.

"Hoy! Mukha kang tutong! Pakyu!" Hanggang sa nagbatuhan kaming dalawa nang kutsara na malinis.

"Therese!"

"Themo!"

Agad kaming tumigil at napalingon kina Mama."Po...?" We carefully asked like an innocent kids.

"Magtigil kayong dalawa, kakakita pa lang akala mo may riot na. Pinagaawayan niyo?" Tanong ni Mama at inilapag ang pasta.

"Ayan kasi!" Paninisi ko.

"Anong ako? Ikaw nga 'to eh." Balik niyang asik.

"Hoy! Hindi ah!"

Nagsimula kaming magbangayan pero napatigil dahil binatukan na kaming dalawa.

"Kayo, baka kapag iwan kayo magsuntukan kayo."

"Ayan lang, nanuntok nga nang kabilang section eh." Pagtuturo sa'kin. Agad ko siyang pinanlakihan ng mata kaya tumawa siya.

"What?!" Si Mama.

"Oh kamusta?" Natatawang tanong ni Tito.

"Tumba po, may dugo sa ilong." Sabi ko. Napahagikgik ako nang magfist bump kami ni Tito. Papa, hindi kita pinapalitan ah, vibes lang yata talaga kami ni Tito.

A Kiss From Summer (Summer Series #1) COMPLETEWhere stories live. Discover now