Chapter 20

12 1 0
                                    

Chapter 20: Discipline






Warning: Harassment, Abusing

__

"Gising na suplada." My brother stroke my hair and kissed my forehead..."Gigising na ang baby suplada ko."

"Mommy, gising na." Sina Theo at Therene.

"Bakit andito nanaman kayo?" Nakapikit man pero iritadong tanong ko at tumagilid pero may nayakap ako sa Isa sa kambal. Hinawakan ko ang buhok at si Therene 'yon na humahagikgik na.

"Hahatid natin si Mama."

"Ayoko." Sagot ko. Masama ang loob ko kay Mama. Sinigawan niya rin ako kagabi dahil nabasag ko 'yong baso. Paano ko hindi mababasag kung wala pa akong tulog, tinawagan niya nanaman ako para magpaluto.

"Therese." Nagbanta na ang boses ni Kuya kaya iritado akong nagmulat.

"Oo na." Paglabas nilang tatlo agad akong pumunta sa banyo para maligo.

I went out wearing a black tshirt na naka-tuck lang sa gray na sweatpants at agad na lumabas na may dalang belted bag. Pwede na akong magbenta nang Isda.

Tinignan ko lang si Mama at agad na pumuntang kusina. Binigyan ako nang pagkain ni Yaya ng pagkain kaya dali dali kong inubos 'yon dahil tinatawag ako ni Kuya.

After I eat kumuha ako nang softdrinks in can at agad na dumulong kay Kuya.

"Bakit nanaman? Tawag ka nang tawag."

"I-text mo nga sima Chesca. Nagrereklamo na sa'kin na maraming araw na kayong hindi nagkikita kita hindi ka pa nagre-rreply."

"Hindi ako nagbubukas ng socmed." Aniko at bahagyang napatawa.

"Bakit?" Nagtaka yata sa pagtawa ko, nagsalubong ang kilay eh.

"Sineryoso nung mga student teacher na mag-asawa tayo. Tapos, nakita ko lang sa facebook, na nagshare ang FIU secret files ng post na may asawa ka na raw at ako 'yon, may picture pa tayong dalawa na kasama ang dalawa tapos gago andaming share at likes."

Bahagya siyang nagulat at napatawa."Ay weh? Gago?"

"Oo nga, nakatambay rin kasi kami minsan nina Chesca sa FIU secret files para maki-tsismis. Minsan kasi may nagpaparinigan jan."

After some time. Dumulong na kaming lahat sa airport. Sa kotse kami ni Kuya sumakay, kaming apat lang naman, mag-asawa nga raw kasi kami. Hai nako! Mga tsismosa talaga, 'yan tuloy, famous na ako.

Pagdating sa airport bumili kami nang kambal ng donut at kinain habang nagaantay sa flight nina Mama at nina Lola. Sina Lola kasi babalik sa Capiz.

Pagkatapos bilinan ni Lola si Mama nang mga bagay bagay, napatingin sa akin ang Ina.

Ngumiti si Mama at tumayo. Dumulong siya sa akin at niyakap ako."Mamimiss kita, 'nak. Hindi ko alam kung kailan ako makakauwi pero siguraduhin kong makakauwi ako sa grad mo. Mahal kita 'nak."

Hindi ako nagsalita at nagsubo nang donuts. Pumunta si Mama kay Kuya at binilinan rin siya dahil alam nga niyang pupuntang US si Kuya. She gave the twins with a kiss. My brother and I smirked sarcastically.

When their flights are called, agad na silang lumihis. Simpleng pagtango at pagkaway ang ginawa ko. Alam kong mamimiss ko si Mama pero mas umuusbong ang sama nang loob ko dahil pakiramdam ko sa bawat sigaw niya bala 'yon ng baril na sunod sunod na ipinutok ng direkta sa puso ko mismo. Walang lusot na bala, lahat tagos, lahat sapul.

"I opened a bank account for you, under my name as your guardian." Sabi ni Kuya. Nasa sala na kaming dalawa. Ang kambal tulog na. He's taking a beer habang ako Milo.

A Kiss From Summer (Summer Series #1) COMPLETEWhere stories live. Discover now