Chapter 31

8 1 0
                                    

Chapter 31: Defeat




Honestly, weird na weird ako ngayon, napangiwi na lang ako habang nakatingin sa reflection ko sa salamin. I'm wearing a long sleeve buttoned blouse that's tucked on a blue skirt, I also have a neck tie and my ID. Ganito ang uniform namin sa STEM, oo teh, sa STEM, nakapasa ako, pero hindi ko alam kung sino ang mga kasama ko sa section basta ang alam ko STEM A ako.

I tied my hair into a messy bun and wear my specs. Kinuha ko na lang ang bag ko at isinukbit sabay dala nang case ko sa airsoft guns. Paglabas ko sa bahay agad akong sumakay sa tricycle ni Mang Hanz.

Here am I, naglalakad lang sa hallway. May mga lalaking bumabati sa'kin from Grade 12 but I just wear my suplada face kasi hindi ko naman sila kilala para nginitian.

I went to STEM A and honestly my heart keeps beating so fast. Ang mga gago ko kasing mga kaibigan, hindi nagme-message kung magkaklase ba kami o hindi.

I took a deep breath and knocked. Walang may sumagot kaya napangiwi ako at nagbukas ng pintuan. Tumalikod muna ako para isarado.

Pagharap ko agad na nanlaki ang mata ko. Tinignan ko naman ang mga kaklase ko. Wah! Putangina, is this my destiny?

Wala ako sa sariling napatawa."Tangina, akala ko makakalusot na ako sa inyo."

"What's up! President!" Agad na bati nina Manolo, Mateo, CJ, Johan, Steven, Eco at iba pang kaklase ko dati.

Agad akong napatingin sa banyo nang bumukas 'yon. Nagkagulatan naman kami nina Zoren, Arcus at Zenell.

"Anak ng puting pating! What's up Chong!" Tuwang tuwa na napatawa si Arcus.

"Ow yes panis! Naks! Magkaklase tayo!" Sabi agad ni Zenell. Humiyaw naman si Zoren kasabay non ay siyang biglang paglabas ni Chesca sa kabinet.

Nang magkatinginan kami, agad siyang tumili at malakas na niyugyog si Zoren.

"Oh my God! I can't believe this! Oh yes!" Sigaw ni Chesca. Napailing na lang sina Andrene at Nessi na kaklase parin namin, tangina naman oh.

Maya maya pa, bumukas ang pintuan, sabay kaming napatingin ron. Malakas na humiyaw sina Zenell.

"Waah! Babe! Babe!" Sigaw agad ni Ross at malakas na sinarado ang pintuan.

Ang gago agad na dumamba sa akin at niyakap ako, napatawa ako at niyakap siya pabalik. Lumulukso lukso pa kaming dalawa.

"Tsk, hanggang dito ba naman?"

Agad akong humiwalay kay Ross."Sir Balthazar!" Tuwang tuwa kami nina Manolo na napahiyaw dahil kay Sir Balthazar.

Napatawa si Sir Balthazar."Ayos rin kayo ah, sa Grade 12 ako ngayon, si Sir Carlos ang teacher niyo." Pumasok naman agad si Sir Carlos.

"Hoy! Mga mukha nang mga 'to, barumbado rin ako, tara riot." Pagaaya pa ni Sir Carlos.

"Sige Sir! Tara!" Sagot namin nina Manolo at tumawa. Binatukan naman ako ni Ross kaya lalo akong napatawa.

"Mga siraulo. Umalis ka na nga ron. Inaagaw mo mga estudyante ko." Ani Sir Carlos. Tumawa naman si Sir Balthazar.

"Hoy, mga naging estudyante ko jan, umayos kayo ha." Ani Sir at tinuro pati ako.

"Sir, bakit pati ako? Matino ako ah!"

Namewang si Sir Balthazar."Oo sa sobrang tino mo na Presidente, sumama ka sa riot sabay kuha nang video at ipinasa sa'kin. 'Hello sir! Nandito ako sa riot, support support ako, Sir'." Panggagaya ni Sir Balthazar sa sinabi ko sa sinend kong video sakanya. Nagtawanan sina Manolo.

A Kiss From Summer (Summer Series #1) COMPLETEWhere stories live. Discover now