General
"Lolo,wh-why are you running so slow!" Bibong sigaw ni Daniel sa lolo habang mabilis na tumatakbo. Ang matanda naman ay pilit na hinahabol ang apo. Habang masaya silang pinapanood nina Karylle at Vice,at hinahanda ang meryenda nila.
"If only my dad is not busy. Baka sabay silang hinihingal ngayon ni General." Masayang sabi ni Vice. Napangiti naman si Karylle.
"Oo nga eh. Mana sayo yang anak mo. Napakaligalig." Hindi namalayang sabi ni Karylle. Kaya napatingin sa kanya si Vice.
Ng ma-realize naman ni Karylle ang sinabi ay sumeryoso ng muli ang kayang mukha at tumikhim.
"Daniel anak! Halika na. Meryenda na para makapag-rest si Lolo." Tawag niya sa kanyang anak. Nag-thumbs up naman ang matanda sa kanya. Sign na nagustuhan nito ang pagsingit ni Karylle.
Hindi naman nawala ang ngiti sa labi ni Vice at nakatingin lamang sa dalaga.
"What?" Masungit na tanong ni Karylle sa kanya ng magawi ang tingin niya rito.
"Ha? Ahh. Wala." Nakangisi namang sagot ni Vice. Inirapan lang naman siya ni Karylle at inayos na ang meryenda nila.
.
.
.
.
"Ako na magbubuhat sa kanya." Alok ni Vice ng makarating sila sa bahay nina Karylle. Tulog na tulog kasi ang anak nila dahil hindi ito tumigil sa kakalaro at takbo buong hapon sa picnic nila.Binigay naman ni Karylle ang anak kay Vice at kinuha ang ibang gamit nila at ang iba ay si Yaya Ruby na ang kumuha.
Magkasunod silang tumungo sa kwarto ni Zion. Dahan-dahan at tahimik na ibinaba ni Vice si Daniel sa kanyang kama. Tahimik nilang pinagmasdan ang anak nilang mahimbing na mahimbing ang tulog.
"Thank you." Basag ni Vice sa katahimikan.
"For what?" Tanong naman ni Karylle. Nag-uusap sila ngunit kay Daniel lamang sila nakatingin.
"For today. For letting me be with my son." Madamdaming sabi ni Vice.
"Anak mo rin naman siya. Kahit naman ganito ang nangyari gusto ko pa ring makasama at makilala niya ang tatay niya." Sagot naman ni Karylle. Dito na siya hinarap ni Vice. Ng maramdaman ang pagharap sa kanya ni Vice ay nilingon ni Karylle ang huli.
"And sorry nga pala. Sorry for everything." Pagpapatuloy ni Vice. Nanatili lang namang nakatingin sa kanya si Karylle.
"Sorry too. For my attitude the first time we met." Sagot naman ni Karylle. Muling nabalot ng katahimikan ang buong silid nanatili silang nagkatitigan hanggang sa dahan-dahang yumuko si Vice. Nakadilat lang naman si Karylle. Ng hindi nagprotesta ang dalaga ay pumikit na si Vice. Si Karylle naman ay nagtatalo ang isip pero nanaig ang pagkaulila niya sa kanyang dating nobyo. Pumikit siya. Isang dangkal na lamang ang layo ng kanilang labi ng.....
"Ma'am,may---" hindi naituloy ni Yaya Ruby ang kanyang sasabihin sa naabutan. Tumikhim naman ang dalawa at lumayo sa isa't-isa.
"A-ano yun?" Nahihiyang tanong ni Karylle at lumapit kay Yaya Ruby.
Vice chuckled at hinalikan ang noo ng anak. Bago lumabas sa kwarto ng anak.
"I'll go home na Karylle. I'll see you again tomorrow." Sabi ni Vice at nagnakaw ng halik sa pisngi ni Karylle bago mabilis na umalis.
.
.
.
.
.
"Naks bruh! Iba ang kinang ng nga mata mo ngayon ah! Kumusta ang picnic. Naka-iskor ba si bakla?" Malakas na pagkausap ni Vhong kay Karylle at preskong umupo sa mesa ni Karylle. Hinampas naman siya ni Karylle ng hawak niyang makakapal na reports at tinulak ito mula sa pagkakaupo niya sa mesa ng dalaga."Ang lakas ng bunganga mo Agent Navarro. Baka gusto mong tumahimik habang buhay?" Banta ni Karylle na may masamang tingin sa kaibigan.
"Ito naman hindi mabiro. So ano na nga. Okay na kayo?" Muli namang tanong ni Vhong na hininaan ang boses at umupo sa upuang nasa harapan ng table ni Karylle.
BINABASA MO ANG
The Agent and the Gay
FanfictionHer duty is to protect him. Him? Or her. Whatever. Protect and fall in love. UNEXPECTEDLY.