Ikalimang Kabanata

447 21 1
                                    

Umaga na ng makarating sina Sixto,kasama ang sampung agents. Ang iba ay bago dahil may mga nasawi sa kanilang engkwentro. "Karylle? Sir Vice?" Sigaw ni Sixto. Lumabas naman sa kusina ang dalawa kasama ang matandang sumalubong sa kanila kagabi. Si Lola Saleng ang nagbabantay sa bahay kapag wala si Sixto. "Jose Sixto!" Lumapit naman si Sixto sa matanda at niyakap ito. "Lola saleng! Kumusta na po kayo?" Magiliw niyang tanong sa matanda at bumitaw sa pagyakap niya rito. "Bago ko sagutin yan,halikayo't mag-agahan muna tayo." Aya ng matanda at iginiya sila paupo sa dining table. Kumasya naman sila dahil malaki ang dining table. Dati na iyong mesa hindi na niya pinapalitan dahil ala-ala niya yun sa lolo niyang yumao na. Nagkwentuhan naman sila habang kumakain. Hindi na inusisa ni Karylle si Sixto at inisip na kapag tapos na lang silang mag-usap ni Lola Saleng. Pagkatapos kumain at maghugas ng mga pinagkainan kasama si Anne ay lumabas siya at inikot ang paligid ng bahay. Natuwa naman siya ng makitang may batis sa likod ng bahay. Malinis ang tubig doon at tila ba inaaya siyang maligo. Lumingon siya at nakitang may kubo roon. Dun siya dumiretso at umupo. Sumandal siya sa upuan at nilanghap ang sariwang hangin ng Probinsya. Ilang sandali pa siyang nakaupo ng lumapit si Sixto sa kanya at tumabi. "Nakatulog ba kayo ng maayos?" Panimula niya,tumango naman si Karylle at nginitian siya. "Anong sabi ni General?" Tanong niya ng maalalang nais nga pala talaga niyang kausapin ang binata. "He's okay with it. Pati si Ginoong Viceral,kinausap ko na din. As long as safe daw si Vice. Walang kaso sa kanya. But we have to go back sooner. Dahil walang naiwan sa kompanya nila para mamahala. He gave us One week." Tumango-tango naman si Karylle. "Malinis ba yung tubig jan sa batis?" Pag-iiba niya ng usapan. "Oo. Gusto mo bang maligo? Tara samahan kita." Alok ni Sixto at tumayo. "Bukas na lang. Magpahinga muna kayo." Tanggi niya at tumayo tsaka niya iniwan ang kaibigan. Pagpasok naman niya sa loob ay inabutan niyang nag-uusap sina Anne at Vice. Nilampasan niya ang mga ito at umakyat sa kwarto nila ni Vice. Nakita naman niya ang ilang mga damit na nakalapag sa kama. Naisip naman niyang siguro ay dala ni Anne ang mga iyon. Dinampot niya ang mga ito at pumasok sa banyo,naligo siya at nagpalit bago pasalampak na humiga sa kama. "Napapagod na ako." Sabi niya bago huminga ng malalim at pumikit.
.
.
.
.
"Wala ka pa rin bang balita sa tatay mo?" Tanong ng natanda kay Sixto ng abutan niya itong inaayos ang sasakyan na ginamit nina Karylle. Pangatlong araw na nila sa Probinsya. Tumigil naman siya at tumingin sa matanda. "Parang gusto ko ng tumigil lola. Limang taon na ako sa Maynila pero ni anino ng tatay ko wala." Sagot niya at tinuloy ang ginagawa. "Apo,makikita mo rin siya. Wag kang mawawalan ng pag-asa. Mahal ka ng tatay mo anak." Muli naman niyang tinignan ang matanda at ngumiti hago isara ang hood ng sasakyan dahil tapos na rin naman niya itong ayusin. "Boss,pinapatawag ka ni Ma'am Karylle. Maliligo daw po kayo sa ilog." Singit ng isang Agent sa usapan nila. "O sige na. Maligo na kayo roon. At maghahanda ako ng meryenda." Ngumiti naman si Sixto bago lumapit sa kasamang agent at inakbayan ito. Ng makarating sa likod ay nakita niyang naliligo na sina Anne at Vice,nakabantay lang naman ang iba pang agent na kasama nila,si Karylle ay nakatayo lamang sa gilid at pinapanood ang dalawa. Nilapitan siya ni Sixto at kinausap. "Oh bakit hindi ka naliligo?" Tanong niya dahilan upang tignan siya ng dalaga. "Kayo na lang." Giit naman ni Karylle. "Join ka na Karylle. Ang sarap ng tubig oh." Pamimilit rin ni Vice na nage-enjoy sa paglangoy. "Oo nga Karylle,walang ganto sa maynila. Kaya halika na." Gatong rin ni Anne kaya wala ng nagawa si Karylle kundi ang lumusong,napangiti naman ang tatlo,si Karylle naman ay agad nakaramdam ng relaxation sa paglusong niya. "Oh kayo. Sumama na rin kayo,ng makaligo naman kayo." Utos naman ni Sixto sa mga nakatayong agents. Nagtinginan naman sila dahil ang totoo ay tila inaaya din sila ng malinis na tubig ng batis. Hanggang sa naghubad ng t-shirt ang isa sa kanila at tumalon. Sumunod naman ang iba at naghubad na rin ng shirt at tumalon. Pinakahuling lumusong si Sixto. Na hindi na hinubad ang sandong suot. Enjoy na enjoy naman si Vice dahil first time niya iyong maranasan. Syempre. Anak mayaman eh. Maging si Karylle ay hindi maiwasang mapangiti habang ninanamnam ang saktong lamig at init ng tubig,bahagya pa siyang napapapikit dahil tila natatanggal ang pagod at stress na nararamdaman niya.
.
.
.
Maya-maya pa ay tila kusang hinanap ng nata ni Vice si Karylle,nakita niya it sa gilid,nakaupo sa may bato at nakasandal ang ulo sa isang malaking tipak ng kahoy na matagal ng nakalagay sa tubig. Nakapikit ito,sa pag-aakalang tulog ito ay dahan-dahan niya itong nilapitan tinabihan niya ito at malayang tinitigan ang mukha nito. Ng biglang dumilat si Karylle dahil naramdaman niyang mayroon siyang katabi. Nilingon niya ang katabi at nagtama ang kanilang nga mata. Agad rin naman siyang umiwas at tumikhim. Tila nagising naman si Vice at umiwas din ng tingin? He even shook his head,making sure he is awake. "Bakit ka nandito. Di ka nakikisali sa kanila." Seryosong sabi ng dalaga habang tinitignan ang mga kasama nila na nagsasabuyan ng tubig kasama si Anne. "Ikaw rin kaya. Di ka nakikisali." Isang pamatay na tingin naman ang pinukol sa kanya ni Karylle kaya natawa si Vice. Umirap ang dalaga bago muling tignan sina Anne. Napangiti naman si Vice ng makaisip ng kalokohan. Napapikit si Karylle ng sabuyan siya ng tubig ni Vice sa mukha. "Viceral!" Sigaw niya,lumayo naman si Vice at muli siyang sinabuyan ng tubig,gumanti naman si Karylle at sinabuyan ito ng malakas. "Ah ganun ha." Nagsimula ng maglaban ang dalawa. Hindi naman mapigilan ni Karylle ang matawa tuwing napapatigil si Vice dahil pumapasok ang tubig sa ilong nito. Dito na nila naagaw ang atensyon ng mga kasama. Napangiti si Anne habang si Sixto ay nasasaktan sa nakikita. "Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Parang ang gaan ng pakiramdam niya. I can see she's really happy." Nakanyiting komento ni Anne. Napatango naman si Sixto,matagal na niyang gustong i-achieve ang ganong ngiti ni Karylle. Pero hindi niya nagagawa. Tuwing pinapatawa niya ito ay halatang pilit kung minsan. Dahil tila natatalo ay lumapit si Vice kay Karylle habang sinasalag ajg kamay nito na patuloy sa pagsaboy sa kanya. Matagumpay niya itong nagawa,hinawakan niya ang kanang kamay ni Karylle,ang isang kamay niya ay naounta sa bewang ng dalaga. Hinila niya ito at nakangiting tinignan ito. Ang ngiti ni Karylle ay unti-unting nawala ganun din ang kay Vice. Ang lapit ng mukha nila sa isa't-isa. Napalunok si Vice at dahan-dahang nilapit ang mukha sa mukha ng dalaga. Gusto man siyang itulak ni Karylle ay tila hindi pumapayag ang katawan niya dahil hindi siya makagalaw. Dito naman tuluyang nasaktan si Sixto at akmang lalapit ng marinig nila ang sigaw ni Lola Saleng. "Halina muna kayo at mag-meryenda!" Sigaw ng matanda ng maayos ang meryendang hinanda niya sa kubo. Dito na gumalaw si Karylle at lumayo kay Vice bago umahon. Sinundan naman agad siya ni Sixto. Naiwan naman si Vice nagtataka kung bakit ganun ang nararamdaman niya. Why does he have the urge to kiss her? 'Not again!' isip niya. Bago umahon. Nakangiti lang naman siyang tinabihan ni Anne. "In fairness,ang sweet niyo kanina. Para kayong nasa pelikula." Sabi niya at tinignan ang bakla. "Tigilan mo nga ako Sisterette." Kunyari ay pikon niyang sagot bago naunang pumunta sa kubo akmang uupo siya sa tabi ni Karylle ng maunahan siya ni Sixto na kalalabas sa bahay dahil kinuha niya ang juice sa maliit na ref nila sa kusina. Wala namang nagawa si Vice kundi ang umupo sa pagitan ng dalawang naglalakihan niyang security. Ng makaupo si Anne ay sinimulan na nilang kumain ng boiled kamote. Tila bata naman si Vice na enjoy na enjoy sa pagkain. Pigilan man ni Karylle ay napangiti pa rin siya sa nakita. Na napansin na naman ni Sixto.
.
.
.
.
"Karylle,umamin ka nga. May something ba kayo ni Bakla?" Tanong ni Anne ng makahiga sa tabi ng kaibigan. Sila na ang magkasama sa kwarto. Dalawa lang ang kwarto roon,kaya hindi maiwasang isipin ni Karylle kung bakit hindi nila napansin iyon ng makarating sila roon ni Vice. Doon lumipat si Vice at sila na ni Anne ang magkasama sa iisang kwarto habang sina Sixto ay sa sala. May mga nakahiga sa sofa. At ang ilan ay naglatag na lang sa sahig. Ito ang bahay na pinakamalayo sa kabahayan sa probinsyang iyon. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Sixto kung bakit doon napili ng kanyang lolo magtayo ng bahay,na dating pulis. Balik tayo kina Anne. "Kanina lang kita nakitang ganun kasaya. Sobrang true ng mga tawa at ngiti mo." Giit naman ni Anne. Pilit namang umiiwas si Karylle sa topic na napili ni Anne. "Bahala ka na nga dyan. Matutulog na ako." Kahut hindi inaantok ay umayos siya ng higa at tumalikod sa kaibigan. Natawa naman si Anne at niyakap ang nakatalikod niyang kaibigan. Bestfriends sila at normal na sa kanila ang ganun. Sabay silang lumaki at nangarap,sabay nagtapos at pumasok sa iisang trabaho. Wala na kasi ang nanay ni Anne at ang tatay naman niya ay may ibang pamilya sa Amerika. Magkapitbahay sila noon,nagsimula sila bilang magkalaro hanggang sa lumaki sila,trinato na rin kasi siyang anak ng ina ni Karylle,at hindi nawala si Anne sa tabi ni Karylle ng mamatay ang kanyang ama ng sila ay parehong 15 years old pa lang. Nangako silang hindi sila mag-iiwanan kahit pa magkaroon na sila ng sarili nilang pamilya. "It's your feelings. Pero sana magdesisyon ka ng mabuti if ever everything is clear sayo." Seryoso na ngayon si Anne habang pinapayuhan ang kaibigan. Hindi naman umimik si Karylle at pumikit na lamang.
.
.
.
.
Huling araw na nila kaya naman labis ang paghingi ni Karylle ng pasasalamat Kay Lola Saleng,malungkot namang nagpaalam sa kanya si Sixto at nangakong babalik ulit siya. "Pagbalik ko 'la kasama ko na si tatay. Asahan niyo yan." Nakangiting paalam ni Sixto at yakapin ang matanda. Pagkatapos magpaalam ay umalis na sila. Nauna ang sasakyan nina Sixto kasama ang tatlong agent habang nakasunod lang van na lulan si Vice,Karylle at Anne kasama ang pitong agents pa. Hidni naman maiwasan ni Vice ang malungkot dahil,hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinakausap ng dalaga. Iniisip rin niyang hindi na siya lalong kakausapin ng dalaga pagdating sa Maynila dahil magiging busy na siya kapag nailipat na sa kanya ang lahat ng kompanya nila. Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa dalaga na natutulog,maging sa upuan ay hindi siya nito tinabihan. Siya pa ang nag-insist na tumabi sa kanila si Anne. Nasa magkabilang dulo sila,umiwas siya ng tingin at pinanood na lang ang gubat na nadadaanan nila.
.
.
.
.
"Meet our new CEO and President of Viceral's Company and 10 more branches. My son,Jose Marie Viceral." Nakakabulag na flash ng camera at palakpakan ang sumalubong kay Vice ng umakyat siya sa stage. Nagkatinginan ang mag-inang Jackie at Elena bago ngumiti,napansin iyon ni Karylle kaya lalong lumakas ang kutob niyang may masamang balak ang mag-ina. Tahimik lamang niyang inuusisa ang bawat taong naroon. Halata sa mukha ng iba ang galit,at pagkainis. Hindi nagtagal ay natapos na ang speech ni Vice,pumalakpak ang media na naroon maging ang ibang shareholders dahil hindi lahat ay gahaman sa kompanya ng Viceral. Pagbaba ni Vice ay akmang lalapit siya kay Karylle ngunit bago pa siya makalapit kay Karylle ay nayakap na siya ni Jackie. "Congrats Vice! Sobrang proud ako sayo." Sabi ng dalaga,hindi naman ito napansin ni Vice dahil kay Karylle ang pokus niya,napansin niyang ang kaninang nakangiting mukha ni Karylle ay napalitan ng pagka-seryoso,nilapitan naman siya ni Sixto at inakbayan. Nalungkot naman si Vice,ng maramdamang hindi na siya yakap ni Jackie ay tinignan niya ito. "Sinabi ko bang yakapin mo ako?" Masungit niyang tanong rito. Nasaktan naman si Jackie rito. "Hijo?" Napangiti namang muli si Vice at nilingon ang ama niyang nakaupo sa wheelchair. "Daddy." Masaya niyang tugon at lumuhod upang mapantayan ang ama.  "I'm so proud of you son." Bahagya namang naiyak si Vice sa sinabi ng ama. Niyakap niya ito at binulungan ng paulit-ulit na 'Salamat.' Natawa naman ang matanda at tinapik ang balikat ng anak. Kinailangan namang umalis na ng kanyang ama upang makainom siya ng gamot. Naiwan naman si Vice kasamang muli si Jackie. "May pupuntahan ka pa ba?" Pagkarinig sa boses ni Karylle ay agad siyang lumingon rito. One week na rin simula ng makabalik sila galing Probinsya. Kahapon lang siya muling pinansin nito at kinausap. Tuwang-tuwa naman si Vice kahit ang sinabi lang ni Karylle ay. 'Goodluck.' At iniwan na ulit siya. Napangiti naman si Vice at kinakausap na siyang muli ng dalaga. "Gusto kong mag-celebrate tayo. Ililibre ko kayong lahat." Tumango naman si Karylle at tinawag na sina Sixto. "Pwede akong sumama?" Singit ni Jackie dahil inis na inis na naman siya kay Karylle. "Hindi pwede. Ipaayos mo na yung office ko. Bye." Sabi ni Vice at mabilis na sumunod kay Karylle ng mauna na itong umalis. "Bwesit!" Gigil na bulong ni Jackie sa sarili habang humihigpit ang hawak sa ballpen na pinaglalaruan niya kanina. "I'll find someone who can kill you. Bitch!" Muli niyang sabi habang matalim na nakatingin sa papalayong si Karylle at ngumisi.
.
.
.
"Cheers!" Sabay na sigaw nina Anne at Vice bago inumin ang alak na nasa baso nila. Tahimik lang namang inom ng inom si Karylle sa tabi ni Anne. Naalala kasi niya ang pagyakap ni Jackie kay Vice kanina lamang. Hindi pa niya ina-admit na 'Selos' iyon pero hindi rin naman tinatanggi ng damdamin niya. Tuloy-tuloy lang siya sa oag-inom habang binabantayan lang naman siya ni Sixto na nakaupo sa harap niya. "Huy Karylle. Dahan-dahan naman." Sita sa kanya ni Vice pero hindi niya ito napansin. Dahil medyo may tama na ng alak ay hindi naman maiwasan ni Vice ang muling masaktan dahil inaakala niyang hindi na naman muli siya papansinin ng dalaga. Sinabayan niya ang pag-inom nito.
.
.
.
"Anne! Ano ka ba naman?" Hirap na hirap namang inaakay ni Vhong ang nobya dahil,siya ang tinawagan ni Sixtk upang iuwi muna ito. Dahil yun ang gusto ni Anne,gusto daw nuyang umuwi muna sa bahay nila. Si Karylle naman ay akay ni Sixto dahil halos matuloga na ito sa kalasingan,si Vice ay nakasakay na sa Van at tulog na. Nagpaalam si Vhong kay Sixto bago iuwi ang nobyang kanina pa siya kinukulit. Ng maisakay naman ni Sixto si Karylle ay umuwi na rin sila sa bahay ni Vice. Pagdating roon ay hinatid na nila ang dalawa na bagsak na sa kalasingan. Pagkatapos maayos sa sariling kwarto ang dalawa ay iniwan na nila ang mga ito at pumunta sa tuligan nila. Hating-gabi na ng magising si Karylle at papikit-pikit na lumabas,bababa sana siya upang uminom,pero ng makita ang pinto ng kwarto ni Vice ay pumasok siya rito at wala sa sariling sinapak ang natutulog na si Vice. Naalimpungatan naman si Vice na medyo nawawala na ang kalasingan at hinawakan ang panga niyang sinuntok ni Karylle. Nanlaki naman ang mata niya ng makita ang dalaga sa kanyang kuwarto. "A-anong ginagawa mo rito?" Tanong niya,magulo ang buhok nito at bahagyang bumaba ang sa balikat ang sando kaya naman na-reveal ang maputing pisngi ng dibdib niya. Napalunok naman si Vice ng makita ang mga iyon at makaramdam ng init. Lalo namang nagulantang ang pagkatao niya ng yumakap sa kanya si Karylle. "Congrats! I'm so proud of you! Hik! Ganun yung sinabi niya diba? Hik! Mukhang nag-enjoy ka sa yakap niya ha. Hik!" Inis na sabi ni Karylle habang nakapikit na nakayakap sa binata (?) "Karylle lasing ka." Baklang-bakla niyang sabi at pilit inaalis ang kamay nito sa pagkakayakap sa kanya. "Oh bakit ayaw mo bang yakapin rin kita? Siya lang ba ang pwedeng yumakap sayo?" Nagtatampong usal niya,at siya na mismo ang umalis sa oagkakayap niya rito. "Hindi. Pero,lasing din ako. B-baka may magawa akong iba." Hindi naman iyon narinig ni Karylle,at humiga na lang sa paanan ng kama ni Vice. Vice sighed at nilapitan ito. "Karylle,huy? Wag ka dito,natatakot ako eh." Tinapik-tapik naman niya ang balikat ng nakadapang si Karylle. Karylle just moaned at tumihaya. Her sudden moved caused her sando na tumaas revealing her tummy. Napapikit naman si Vice dahil doon. "Nakakaloka kang babae ka. Parang awa mo naman na." Naiiyak niyang pagkausap sa bangenge na si Karylle. "Akala mo naman,hik! Maganda. Pssh." Yun ang sagot sa kanya ni Karylle. Hindi naman mapigilan ng katawan ni Vice ang mag-react lalo na ang kanyang dyamante (lol,hahahah). "Girl,mapapahamak ka eh!" Sabi niya at lumayo kay Karylle,kumuha siya ng unan at tinakpan ang ganap sa ibaba. Lalong humigpit ang hawak niya sa unan ng gumalaw si Karylle,tumayo ito at humarap sa kanya. "Isang yakap pa. Sasakalin ko na kayong dalawa." Banta ni Karylle at tinuro pa si Vice bago pagewang-gewang na naglakad palabas sa kwarto ni Vice. Huminga naman ng malalim si Vice ng makalabas ang dalaga. Tumayo siya at patakbo nuyang tinungo ang pinto at ni-lock iyon. Pagbalik sa kanyang higaan ay pilit niyang pinakalma ang kanyang pagkakalake. "Muntik na!" Bulalas niya at huminga ng maluwag bago muling nakatulog.
.
.
.
Pa-vote na lang po. And pa-follow. Mamats!

The Agent and the GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon