Chapter 20

272 16 5
                                    

"Ex boyfriend?" Pinandilatan naman ni Karylle si Anne ng mapalakas ang boses nito habang nag-uusap sila.

"Yes. Ex-boyfriend." Ulit naman ni Karylle.

"Oh well. Ikaw naman na ang mahal ni bakla kaya no worries na." Sabi ni Anne at nag-relax.

"Bakla pa rin naman siya." Kontra naman ni Karylle sa kaibigan.

"Alam mo ang negative mo mag-isip. Promise. Ano ka ba kung talaga sanang kaya ni bakla edi nung wala ka rito sana naghanap na siya ng guys diba?" Said Anne,kaya napaisip naman si Karylle sa sinabi ng kabigan.

"Hindi tayo sigurado." She said kaya naman tinampal ni Anne ang kamay ni Karylle na busy sa pagtipa sa keyboard ng kanyang laptop.

"Stop thinking so negatively. He loves you and also may anak na kayo. I see no reasons na para lokohin ka pa niya. And besides wala naman siyang reaction right? Kasi kung gusto ka pa niya edi sana tinago na niya kayo that time. Stop thinking so nega na. At kung ayaw mong maagaw siya edi makipagbalikan ka na." Anne said at tumayo na.

Naiwan naman si Karylle na gulong-gulo ang isip.
.
.
.
.
"Terrence,wala na tayong dapat pag-usapan. And besides I have to take my son out. Naghihintay na siya." Pagkausap ni Vice kay Terrence ng hindi pa rin ito umaalis.

"I can come with you guys. To protect you two. Besides,Daniel?" Pagtawag naman ni Terrence sa bata ngunit nanatiling nakatago ang bata sa likod ng kanyang ama.

"Daniel,I am Tito Terrence. You want some Ice Cream?" Muling subok ni Terrence.

"N-no. You are not my tito,daddy? I wanna go see mommy. Please?" Tingala ni Daniel sa ama. Ngumiti naman si Vice at lumuhod upang maka-level ang anak.

"Sure. Let's go." Sagot naman ni Vice at hinalikan ang noo ng anak.

"I'll go get my water gun!" Bibong sabi ng bata at tumakbo paakyat sa kanilang kuwarto.

"Look,Terrence. Wala na tayong pag-uusapan and I really have to leave na." Sabi ni Vice. Ngunit bago pa makaalis si Vice ay hinawakan ni Terrence ang kanyang kamay.

"Vice, let's try again. Please?" Vice stopped,pero umiling bago hilahin ang kamay at tuluyang umalis.

Huminga naman ng malalim si Terrence bago umalis. Ang hindi niya alam ay lihim palang nakasilip si Vice sa kanya mula sa kusina dahil doon siya dumiretso imbes na sa silid ng anak.

Ng makaalis na ang lalake ay lumapit si Vice sa counter at nagsalin ng alak. He took a deep sigh and shook his head.
.
.
.
"Karylle heto na yung file na pinapakuha mo sakin mula sa store kung saan namatay yung suspek natin." Abot ni Vhong sa isang folder laman ang ilang mga ebidensya tulong sa kasong hawak nila ukol sa pagpatay sa isang takas sa preso na may kasong pagpatay sa isang highschool student habang ito ay pauwi.

"Okay. Since may lead naman na tayo, post his photo na on every news and sa lahat ng newspaper. Para mas madaling mahanap." Utos ni Karylle sa kaibigan.

"Walang reward? You know people these days. Gutom sa pera. Tulad na lang ng Philhealth. Joke." Natatawang sabi ni Vhong.

"50,000 enough naman na siguro iyon." Sagot naman ni Karylle hindi na nagsalita si Vhong at tumango na lamang. Ng makaalis si Vhong ay itinuloy ni Karylle ang pag-aayos ng ilang ebidensya na hawak nila laban sa isang politikong drug lord.

"Mommy!" Agad lumingon si Karylle sa may pinto at agad sumilay ang ngiti sa mukha ng makita ang anak.

"Daniel,sweetie!" She said,stood up at sinalubong ang tumatakbong anak na kasunod si Vice. Binuhat ni Karylle ang anak at pinupog ng halik ang mukha.

"Gusto niya ulit bumisita eh." Tila nahihiyang sabi ni Vice at kinamot ang batok.

"Maybe he misses me." Sagot naman ni Karylle at nginitian si Vice. Di naman maiwasang kiligin ni Vice at pinipilit itago ang kanyang ngiti.

"Yo,wassup engie!" Sabi naman ni Vhong at nilapitan ang pamilya,Engie ang tawag niya rito mula sa salitang "energetic" dahil tila daw hindi nauubusan ng energy ang bata.

"Mommy,I wanna see lolo stone!" Masiglang sabi ni Daniel,binaba naman siya ni Karylle at hinayaang puntahan ang kanyang lolo sa office nito. Hinarap naman ni Karylle si Vice at nagtaka ng mapansing wala si Terrence na kasama nito.

"Wala si Terrence? Akala ko kasama niyo siya." Sabi niya,umiling naman si Vice bago sumagot.

"Bakit naman siya sasama sa amin,he has nothing to do with us---i mean with me." Sagot naman ni Vice. Bago pa muling makapagsalita ay tumunog ang cellphone ni Vice.

Agad naman itong sinagot ni Vice at natuod sa narinig.

"Dad....." He said. Kumunot naman ang noo ni Karylle ngunit hindi na nagsalita.

"Sir......i'm sorry. Patay na po ang daddy niyo."

"No.....no..."






Abangan.

(Sorry sa matagal na update. Super busy lang po. Hihi. Love y'all!)

The Agent and the GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon