Iyon man ang unang araw niya bilang ganap na Presidente ng kompanya nila ay hindi na siya nahirapan dahil nakapag-training na siya. Mas tambak lang ang trabaho niya ngayon dahil ng makabalik sila galing probinsya ay hindi agad siya pumasok kaya maraming naiwang trabaho. "Sir,you have a 3:00 pm meeting with Ms. Alonzo ang owner po ng loteng balak niyong bilhin for the Coffee shop building." Tumango naman si Vice at sumandal sa kanyang upuan. Kakatapos lang ng meeting niya kasama ang ibang shareholders ng company nila upang ipaalam sa kanya ang mga bagay na binago niya sa paraan ng pamamahala niya. Marami kasing tumanggi sa mga suggestions niya upang mapabuti ang income ng kompanya,ngunit kalaunan ay nairaos naman niya at pumayag sila. "May kailangan ka Vice?" Tanong ni Jackie na nakatayo lamang sa tabi nito habang hawak ang schedule ni Vice. "Wala na. Makakaalis ka na." Nakapikit na utos niya. Tumango naman si Jackie at lumabas ng mabuksan ang pinto ay siya namang dating ni Karylle na may hawak na Kape,na binili niya sa Starbucks. (May pera siya. Wag kayong ano.) "Ano yan?" Masungit na tanong ni Jackie,patago namang umirap ang mabait na si Karylle at bored itong tinignan. "Kape. Hindi mo nakikita?" Ng hindi makasagot si Jackie ay nilampasan na siya ng dalaga at tuluyang pumasok sa opisina ni Vice.
.
.
"Magkape ka,may dala rin akong tinapay. Hindi ka pala kumain kaninang umaga." Napadilat naman ang ating bida ng marinig ang maawtoridad na boses ni Karylle. Nadako ang tingin niya sa dalawang kape na nasa mesa niya at dalawang Mon Mamon cupcakes. Magsasalita na sana siya ng muling nagsalita si Karylle. "Don't ever assume na concern ako,binilin lang yan sakin ni Manang Thelma. (Yaya ni Vice since birth.)" Pagsisinungaling ng dalaga kahit ang totoo ay walang ibinilin ang matanda sa kanya. Kinuha niya ang isang kape at isang cupcake bago umupo sa sofa at nilantakan iyon. Nanatili lang namang nakatulala si Vice sa kanya na siya namang napansin niya agad. "Ano? Gusto mo pa bang subuan kita? Abusado ka na. Agent ako hindi yaya or secretary mo." Pagkatapos sabihin iyon ay tinuloy niya ang pag-inom ng kanyang kape. "Pwede ba?" Tanong naman ni Vice na bumalik na ang senses. (Huwaw!😂) "Ano?!" Singhal naman sa kanya ni Karylle na muntik pang masamid. "Sabi ko magkakape na." Takot na sabi niya at binuksan ang cupcake,pagkabukas ay tila naman may naalala siya,kaya sumandal siya sa upuan at muling tinignan si Karylle. "Teka,diba dapat ako yung boss? Bakit parang ikaw yata." Nagtatakang tanong niya,umirap naman si Karylle at hindi siya sinagot. "Hindi ka man lang ba natatakot sakin?" Muling hirit niya hoping na sasagutin siya ni Karylle. At hindi naman siya nabigo. "Bakit naman ako matatakot sayo? Serial killer nga di ako natatakot. Sayo pa kaya." Pagsusungit na naman ni Karylle. "Well,I can fire you." Tila hindi naman napansin ni Vice ang sinabi niya. Si Karylle naman ay nakaramdam ng kirot sa dibdib kaya napatigil siya at tumayo. Ng mapansin iyon ni Vice ay napapikit na lamang siya bago pa makalabas ang dalaga ay tinakbo na niya ito at hinawakan sa kamay. "I-i'm sorry. That's not what I meant." Hingi niya ng paumanhin. Blankong ekspresyon naman ang pinukol sa kanya ni Karylle. "What? It's okay. If not for your father. Matagal na akong napalitan. Edi sana wala ako dito ngayon. Nagtitiis sa ugali mo." Hinila niya ang kamay niya at lumabas. Naiwan namang naguguluhan si Vice. Halo-halo ang nasa isip. 'Ayaw ba niya sakin?' 'Ayaw niya sa trabahong to?' 'Kulang ba sweldong binibigay ko?' 'At bakit ako nasasaktan ngayon?' Ilan lang yan sa mga tanong na umiikot sa utak niya ngayon. Ilang minuto rin siyang nakatayo roon bago bumalik sa upuan niya. Tinitigan niya ang kapeng inabot sa kaya ni Karylle, dahan-dahan niya itong kinuha at ininom. "Nakakaloka ka bakla. Ano ba yung sinabi ko?" Pagkausap niya sa sarili niya bago uminom uli ng kape.
.
.
.
Sa kabilang banda naman,lumabas si Karylle. At pumunta sa Van,doon siya umupo at nag-isip. 'Gusto niya bang unalis na ako? Edi sige. Aalis ako.' Isip niya bago nanggigigil na hinampas ang manibela ng Van,lumabas siyang muli at sumandal sa pinto nito bago tawagan ang kanyang tito. "Tito. Pull me out of the Security team. Si Vice na rin ang may gusto." Agad niyang sabi ng masagot ng General ang tawag. "Hija,last month na oh. Tiisin mo na please." Pakiusap naman ng kanyang tito. Pumikit siya at huminga ng malalim. "Promise me,last month na to." Sa huli ay sabi niya. "I don't have to promise,sinama na kita sa Team ni Vhong,at ikaw ang Captain sa kasong iyon. Regular ka na nilang pupuntahan sa bahay ni Vice. I talked to Mr. Viceral about it. Mamaya pag-uwi niyo,maabutan niyo na sila roon. The reaper is back with his murders again. And after your last month there. Magfo-focus na kayo sa Reaper." Balita ng kanyang tito sa kanya. Lihim namang napangiti ang dalaga dahil namiss niyang humawak ng kaso. "I'll take care of it tito. Thank you. I have to go now." Pagkatapos mapatay ang tawag ay medyo maaliwalas na siyang bumalik sa opisina ni Vice. Umupo siya sa upuang nasa labas ng opisina nito ng mapansing wala ang dalawang kaibigan. "Nasaan sina Sixto?" Tanong niya sa isang agent na malinis ang ulo,in short wala na talagang buhok. Si Wacky. Isang bekilu vega. "Ay,umalis ho siya kasama si Ms. Anne. Hindi ko po alam kung saan sila pumunta eh." Bibong sagot nito at nginitian pa siya. Sinuklian din naman niya ito ng ngiti at tinawag upang umupo sa tabi niya. "Can I ask you something? If you don't mind." Masaya itong umupo sa tabi niya at ngiting-ngiti pa. "Keri lang madam. Akala ko talaga mapapanis na ang laway ko rito. Hayy! Kaloka!" Saad nito at agad naging komportable sa dalaga. Natuwa naman si Karylle at naaliw rito. "You're gay right?" Unang tanong niya. "True madam! Bekla akes,sirenang hindi biniyayaan ng nahabang shohok! (Buhok)." Bibong sagot nito na siyang lalong nagpangiti kay Karylle. "Why did you become an Agent? I mean,not everyday na may nakikita akong baklang agent." Napalitan naman ng malungkot na ngiti ang kanina'y masayang bungisngis ni Wacky. "Actually,tatay ko ang may bet na mag-ganto ako. Sundalo pa ang bet,syempre bakla ako. Umayaw ako. Kaso,bago pa ako makapag-second year. Namatay siya,at ang huling sinabi niya sa akin,eh sana daw kahit yung gusto niya daw na propesyon para sakin ay masunod ko. Nakonsensya ako,pero hindi pagsusundalo ang kinuha ko. Kaya heto,naging Police Agent ako. Since,mahal ko rin naman ang Mystery and Thrillers. Ito na lang. Hoping na natupad ko pa rin ang gusto niya." Tumango-tango naman si Karylle. Muli namang bumalik ang masayang ngiti ni Wacky. "Eh ikaw madam,dream mo talaga maging Agent?" Balik nito sa tanong. Si Karylle naman ngayon ang huminga ng malalim. "Hmm. Kinda,nung bata kasi ako,mahilig ako magbasa ng mga Mystery books and films. And the biggest reason is,I want to investigate on my dad's case. He was murdered by someone na kalaban niya sa business dati. That person is dead,pero sinabi niya daw sa last will niya na He paid someone to kill my father. That's why I want to know who he is." Nanatili namang nakatitig sa kanya si Wacky kaya pinitik niya ang kamay niya sa harap nito. "Hey." Kumurap naman si Wacky. "Akala ko ako na ang nay pinakamalungkot na dahilan sa pagiging Agent eh. Mas malala pala yung sayo." He said at tipid na ngumiti sa dalaga. "No actually,Sixto became an agent to look for his dad. And Anne well, pangarap talaga niya ito." Paliwanag ni Karylle. Napalingon naman sila pareho ng makita nila ang dalawang pares ng paa na nakatayo sa tabi nila. "Serious nyo naman." Komento ni Anne. Umirap naman si Karylle,habang si Wacky ay tumayo at nakipagkilala kay Anne. "Alam nyo bang nahihiya akong lumapit sa inyo dati. Ang tataas niyo kasi eh. Akala ko deadma lang ang aabutin ko sa inyo. Friendly naman pala kayo." Masayang sabi ni Wacky ng makaupo na silang tatlo. "Uy grabe ka naman. Si Karylle lang ang masungit dito noh." Energetic namang sabi ni Anne at nakipag-apir pa kay Wacky. Umirap lang naman muli ang dalaga ng may maalala. "Si Sixto? Akala ko magkasama kayo?" Tanong nito kay Anne na ngumisi sa kanya. "Don't get it wrong Karylle,sayo lang si Sixto. Joke! Ang sabi niya may bibilhin lang daw siya. Tapos nag-text kaninang mauna na raw ako rito." Tumango na lang naman si Karylle. Napatayo naman agad sila ng lumabas si Vice sa opisina nito kasabay si Jackie. "May meeting ako sa **** coffee shop. Tara na." Saad niya ngunit kay Karylle lamang nakatingin. Tumango ang tatlo at sinenyasan ang limang agent pa. Dahil ang iba ay nasa lobby ng kompanya. Huminga ng malalim si Vice bago nauna ng maglakad. Kitang-kita niya kasi kanina kung gaano kalapit sina Wacky at Karylle ng lumabas siya upang kausapin si Jackie. Ni hindi nga siya napansin ng mga ito eh. Ng makarating sila sa Coffee shop ay agad kumalat ang mga agent na nakasuot ng itim na suits. Hindi nagtagal ay dumating na si Ms. Alonzo at nag-usap na nga sila ni Vice. Natapos na ang kanilang usapan ay hindi pa rin dumarating si Sixto,nagtataka naman sina Anne dahil wala rin naman daw ito sa Headquarters nila. Ilang beses na nila itong tinawagan nguni nakapatay ang cellphone nito. Pagbalik sa office ni Vice ay hindi pa rin sila nakakapag-usap ni Karylle. Tuwing susubukan kasi ng binata na kausapin si Karylle ay umiiwas agad ito at kunware ay may sasabihin kay Anne kahit wala naman talaga. Na napansin din naman ng huli. "Lq ba kayo ni Vice?" Bulong sa kanya ni Anne habang nakaupo sa labad ng opisina ni Vice. "Lq ka dyan. Lasing ka ba?" Pagsusungit naman ni Karylle kaya natawa si Anne. "Kayo? Lovers quarrel. You two look different today. Kahapon lang inaasar ka niya. Kanina pa kayo hindi nagpapansinan." Muling hirit nito. Naalala namang muli ni Karylle ang sinabi sa kanya ni Vice. "Hindi sa lahat ng oras pwedeng magbiro." Seryoso at makahulugan niyang sabi. Na diretso lang ang tingin. Sasagot na sana si Anne ng dumating na si Sixto. Na balisang-balisa. Tumayo ang dalawa at kinausap ito. "Saan ka galing?" Si Karylle ang unang nagsalita. Hindi naman siya matignan ni Sixto ng diretso. "May pinuntahan lang ako." Nagtataka man ay tinanggap na lang ng dalawa ang kanyang sagot.
.
.
.
.
"I found someone na pwedeng tumapos sa buhay ng Karylle na yun. Magaling siya,dating Ranger,so basic na lang sa kanya ang mga ganitong trabaho." Abot tenga ang ngiti ng mag-ina habang nag-uusap. Ilang sandali pa may kumatok na sa kalawanging pinto ng isang abandonadong apartment sa abandonadong building (huh?😂). Pumasok ang isang may katandaan ng lalake. Nakasumbrero at may suot na lumang-lumang leather jacket na pinalooban ng lumang navy shirt. Ang pantalon nito ay halata ring luma na. Napangiwi naman si Gng. Gonzaga ng makita ang lalake. "Sigurado ka bang kaya mong pumatay? Mukha kang pulubi." Komento ng ginang. Nag-angat ng tingin ang lalake at ngumisi. Dumaloy ang takot sa katawan ng Ginang ng makita ang mukha nito. May malaking pilat sa mukha nito. Simula sa noo dumaan sa ilong hanggang sa kaliwang pisngi. "You'll see." Ika nito at pinulot ang baril na nasa lamesa sa tabi niya. Kinasa niya ito at tinutok sa Ginang. Dahilan upang mas lalong matakot ito. Mahinang humalakhak ang lalake at binulsa ang baril. "Isang linggo lang. Malamig na bangkay na ang Agent na yun." Ngumiti naman si Jackie bago lapitan ang kanyang ina. "Okay. Salamat Ex-Ranger Dantes."
.
.
.
.
.
Sensya na sa matumal na update guys. Hehe. Don't forget to vote po!😁
BINABASA MO ANG
The Agent and the Gay
FanfictionHer duty is to protect him. Him? Or her. Whatever. Protect and fall in love. UNEXPECTEDLY.