Chapter 23

198 7 2
                                    

General

"Any progress?" Tanong ni Vhong kay Karylle habang busy itong binabasa ang mga reports sa sala ng bahay ni Vice.

"Mahirap masyadong matalino yung suspect. I can't even find any holes...no. Wait. I think I know." Biglang tumayo ang dalaga. Mabilis siyang tumakbo at pumasok sa kwarto ni Vice. Napatalon naman ang gulat na si Vice sa biglaang pagpasok ni Karylle.

"Kanino mo sinabi yung tungkol sa pagkamatay ng Dad mo. Sa mismong araw." Diretsahang tanong niya sa bakla.

"Uhh,no one. Hindi ko nga alam paano magmaneho after I found out what had happen makakatawag pa kaya ako?" Sagot naman ni Vice.

"Even Terrence?" She continued. Nagugulahan man ay tumango si Vice.

"Why was he here nung makauwi ako?" Pagpapatuloy ng dalaga.

"I don't know. Nung makauwi ako,he was already here. Sabi niya he heard what had happen....teka." Napatingin naman siya kay Karylle. Hindi na siya sinagot ni Karylle. Bagkus ay nilabas niya ang cellphone niya at tinawagan si Colonel Crawford.

"I need you to come here with your men. I think I know who the suspect is." Sabi niya bago ito patayin.

"So tama ako? You're suspecting Terrence?" Tanong ni Vice. Hinarap naman siya ng dalaga.

"Why? Do you want to defend him?" May hinanakit namang tanong ni Karylle. Bago umalis. Hindi na siya nasundan ni Vice dahil gulong-gulo ang utak ng bakla. Hindi dahil sa may nararamdaman pa siya para kay Terrence kundi kung ano ang dahilan nito,bakit niya papatayin ang tatay niya.
.
.
.
"Terrence Reyes,he is 33 years old. Walang trabaho. Huh? Bakit ang linis ng record niya?" Sabi ni Anne habang pinakikinggam siya nina Karylle at Colonel Benjamin.

"That's impossible. How can we connect Mr. Rey's death sa kanya? Hindi sapat yung testimony ni Vice bilang evidence.

"Wait,I think I found something. His father owns a Pharmacy. And his stepmother is a Resident Doctor at ****** Hospital. I'll send you the adress." Mabilis na ginawa iyon ni Anne habang ang dalawa naman ay agad lumabas sa bahay ni Vice ng matanggap ang address na sinend sa kanila ni Anne.

"We should go to the hospital first. Pwedeng dun siya kumuha ng syringe and then sa Pharmacy."
.
.
.
"Ma'am may bangkay daw po silang nakita sa may harap ng gate." Humahangos na sabi ng isang pulis kina Karylle at Colonel Crawford. Hindi na sumagot pa ang dalawa at diretso na lamang lumabas.

Sa labas ay isang duguang katawan ng babae ang itinapon sa mismong harapan ng gate ng bahay ni Vice.

"What the hell. She's the Pharmacist we just talked too yesterday." Bulalas ni Colonel Crawford ng makilala ang bangkay.

"Maybe Terrence found out na we just came there,we need to act faster. They're starting to panic. Crawford secure the video clip we have,okay?" Mahigpit na bilin ni Anne.

"Men,clear this mess na. And also we still need an autopsy of her body. Para malaman natin how she was killed." Huling sabi ng dalaga,bago siya pumasok sa bahay ni Vice.

"Mommy..." Salubong sa kanya ng kakagising lang na si Daniel sa likod nito ay si Vice.

"Hinanap ka kaagad nung magising eh." Sabi naman ni Vice. Hindi naman nagsalita si Karylle bagkus ay binuhat na lang si Daniel.

"Did you have a good sleep sweetie?" Magiliw na tanong ni Karylle sa anak. Mahigpit na yakap lamang naman ang isinagot sa kanya ng anak. Napangiti siya at hinalik-halikan ang pisngi ng anak.

"Let's go eat na. Nakahanda na kanina pa yung breakfast." Vice said kaya tinanguan siya ni Karylle tapos ay nauna ng naglakad. Tahimik naman silang sinundan ni Vice,nakatingin lang siya sa likod ng dalaga habang kinakusap ng huli ang anak nila.

The Agent and the GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon