Ikaapat na Kabanata

418 17 1
                                    

General
.
.
.
.
"Goodmorning sir." Tango lang tanging naging sagot ni Vice habang papasok sa opisina ng kanyang ama. Siya ang panandaliang humalili sa ama matapos itong magkasakit. Ito rin ang dahilan kung bakit mapapaaga ang paglipat sa kanyang pangalan ng lahat ng kayamanan at business's ng ama. Kasunod niya ang kanyang security na pinangungunahan pa rin ni Karylle. Pangalawang linggo na simula ng magtrabaho siya,ng hindi pa opisyal na inilalathaka siya bilang CEO ng Company nila. Kahit pa tutol ang ilan sa mga shareholders nila na ang ilan ay pamilya din nila. Isa lang ang hindi tutol. Yun ang alam ni Vice.
.
.
.
"What are you still doing?! Isang linggo na lang. Yun na lang ang meron tayo." Singhal ni Mrs. Gonzaga-Viceral. Isa sa mga shareholders,siya ang asawa ng kapatid ni Ginoong Viceral. "Ma! Pwede ba! Give me time!" Singhal naman ng anak niyang si Jackie. Anak niya sa pagkadalaga. Ng mamatay ang asawa niya ay siya na ang humalili sa asawa bilang shareholder. "Kung hindi lang siya guarded. Ugh! I hate that woman!" Gigil na sabi ni Jackie. "I told you to just get pregnant with him. Para pakasalan ka niya. It's the only way I see. Tsaka isa pa. Gusto mo naman siya diba?" Suhestiyon ng kanyang ina. Sa totoo lang ay matagal na niyang gusto si Vice. Hindi lang siya makalapit dito dahil hindi niya ito masyadong nakikita sa kompanya. Kapag naman may get together ang pamilya nila ay lagi itong wala. Kung a-attend man ito ay sandali lamang ito at aalis na. "I know ma,just wait." Sabi niya saka pinaglaruan ang dulo ng buhok.
.
.
.
"Sige na hijo. Bakit ka pa maghahanap ng iba? Pwede namang si Jackie na lang. Kesa naman iba pa. Eh hindi natin alam kung kinuntsaba na ng ibang kamag-anak niyo ang maga-apply." Kasalukuyang kinakausap ngayon ni Mrs. Gonzaga si Vice upang si Jackie na lang ang kuning sekretarya niya. Ay hindi pala kinakausap,nililinlang pala. Dahil akala ni Vice nga ay sila lang ang kakampi niya ay pumayag na siya. Lihim namang nagbubunyi ang mag-ina dahil ang unang hakbang sa plano nila ay naisakatuparan na nila. "Sir, excuse me. Pinapapunta ka po ng tatay mo sa ospital." Singit ni Karylle at lumapit sa kanilang tatlo. "Excuse me. Walang katok? Papasok na lang? Kita mong kinakausap kami eh." Masungit na sabi ni Jackie at tinaasan ng kilay si Karylle. Binigyan naman siya ng blangkong ekspresyon ni Karylle. "Ma'am,to remind you. Tatay niya po ang nag-utos sakin. And I believe it is something important. I'm sorry if you fel uncomfortable of my sudden interfering. But I believe kanina pa kayo tapos mag-usap. We only allowed you in for 30 minutes. Lumagpas na po kayo." Sabi niya kaya bahagyang napahiya ang mag-ina. Napangiti naman si Vice habang tinitignan si Karylle. "Sige na hijo. Salamat ulit." Sabi ni Mrs. Gonzaga bago umalis. Dun na tumawa si Vice. "Ang sungit mo girl ha." Puna niya kay Karylle bago tumayo at lumapit dito. "Tama naman ako. Lumabas ka na. Hinihintay ka na ng tatay mo." Sabi niya bago naunang lumabas. Oo tama kayo ng nabasa. Hindi na siya sinusungitan ni Vice. Tinupad niya yung pangako niya,at syempre. Tanggap na rin naman niyang, kahit ayaw niya. May security pa ring nakapaligid sa kanya. Naiiling siyang ngumiti bago sumunod sa labas.
.
.
.
"Anak,hindi na ako magtatagal sa mundong to. I want to see you married before I die. Gusto kong makitang may mag-aalaga sayo kapag iniwan kita." Tahimik lang si Vice habang pinapakinggan ang tatay niyang nakaupo sa wheelchair. Nasa rooftop sila ng ospital ngayon upang makapag-usap ng silang dalawa lang. Well,may mga kasama sila,pero malayo ang mga ito sa kanila. "Dad,you know naman na bekilu ako diba? Hindi ko kering magpakasal sa isang merlat. Di keri ng braincells ko." Reklamo niya. Rumehistro ang lungkot sa mukha ng ama niya kaya nalungkot rin siya. "Dad. Sige na nga po. Mag-aasawa po ako,pero not now. Dapat syempre mahal ko yung pakasalan ko. Ita-try kong magmahal ng babae." Pasuko niyang sabi kaya lumiwanag ang mukha ng papa niya at ngumiti. "Talaga anak? O sige. Magpapadala ako ng mga babae sa bahay para pagpilian mo. At pipiliin ko yung mga anak ng mga matalik kong kaibigan." Wala ng nagawa si Vice kundi marahang tumango at niyakap ang ama.
.
.
.
"Kerel! Wit ko keri yung utos ni Fudra sa akin!" Reklamo niya at inaalog-alog si Karylle habang magkatabi silang nakaupo sa sasakyan. "Bakit mo sinasabi sakin? May magagawa ba ako dyan? Mapipigilan ko ba ang tatay mo?" Taas-kilay niyang balik at hinila ang kamay. "Hayyy! Nakakaloka!" Bulalas niya at sumandal na lang sa upuan. Seryoso naman tumingin si Karylle sa harap. Pagdating nila sa bahay ay halos mapaatras si Vice at tumakbo paalis ng bahay nila ng makita ang limang babaeng pawang nakasuot ng sexy ma damit. Napangiwi naman siya ng malandi siyang nginitian ng mga ito. "Yak! Paalisin mo na nga sila." Bulong naman niya kay Karylle,na halatang hindi rin inaasahan ang nakita. "Sinenyasan ni Karylle ang isang maid na lumapit sa kanya tinanong niya ito kung bakit may mga babae sa bahay. "Pinapunta raw po sila ni Ginoong Viceral para pagpilian ni Ma'am Vice ng magiging asawa niya." Karylle nodded at hinarap si Vice. "Hindi sila aalis hangga't hindi ka namimili." Umasim naman ang mukha ni Vice at mariing umiling. Lumapit siya sa mga babae kaya naman mabilis silang pomustora at binigay ang best smile nila. "Mga teh,alam niyo,makaalis na kayo." Tila hindi naman natinag ang mga babae at nanatiling naka-pose. Umirap naman si Vice at lumapit kay Karylle. "Pwede na kayong umalis." Ulit niya pero hindi pa rin sila umaalis. Tahimik lang namang nagmamasid si Karylle. Tinignan siya ni Vice at napangiti ng may maisip na ideya. "Umalis na kayo kasi,may girlfriend na talaga ako." Sabi niya at dahan-dahang inakbayan si Karylle kaya nagtataka siyang tinignan ng dalaga. Rumehistro naman ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ng nga babae. "Sige na,aakyat na kami sa kwarto namin." Sabi niya at hinila si Karylle. Ng nasa hagdan ay naghilaan na sila ng kamay. "Ano bang sinasabi mo?" Pagalit na tanong ni Karylle. "Please,ngayon lang naman to eh. Sige na. Kesa naman mamili ako dun. Jusko. No." Sabi niya kaya wala ng nagawa si Karylle kundi ang sumama sa kanya,pero syempre pumunta sila sa magkaibang kwarto.
.
.
.
.
"Is it true,girlfriend mo yung Karylle na yun?" Tanong ni Jackie habang sinasamahan si Vice sa kanyang meetung. Mahina lang ang pagkakatanong niya dahil nakasunod sa kanila sina Karylle. "Bakit mo tinatanong? Wala namang masama doon." Lihim namang nainis si Jackie sa narinig niyang sagot. "Oo. Tama wala namang masama doon." Sabi niya kahit ang totoo ay galit na sya. Sa kabilang banda naman. "I hate her. Feeling ko may masama siyang gagawin anytime." Bulong ni Anne kay Karylle. Tama ka jan Anne. Alam niyo pakiramdam ko may gusto siya dyan kay bakla." Bulong din naman ni Sixto. Hindi naman nagsalita si Karylle pero pinagmasdan lang niya ang dalawang sabay na naglalakad. Lingid sa kaalaman ng tatlo ay inuusisa ni Karylle si Jackie maging ang ina nito.
.
.
.
.
Pauwi na sila ng makahalata si Sixto na tila ba may sumusunod sa kanila kaya sinabihan niya ang driver ng van na kinasasakyan niya kasama sina Karylle,Vice at Anne,pati na rin ng ibang security na bilisan at iligaw ang sumusunod sa kanila. Mabilis ang sumunod na pangyayari. Tila nasa karera ang dalawang sasakyan habang naghahabulan sa gitna ng kalsada ilang beses muntik mabangga ang van dahil sa ibang sasakyan na nakakasalubong o nadadaanan nila. Hanggang sa magpaputok ang mga kalaban,pinababa ni Karylle mula sa upuan si Vice at pinayuko. Agad naman silang pumwesto sa bawat bintana ng sasakyan at nakipagpalitan ng bala. Hanggang sa isang itim na van ang humarang sa daanan nila. Pinalibutan sila ng mga ito. Dito na kinabahan ng husto si Vice. "Mamamatay na ba tayo?" Tanong niya at tumingin kay Karylle. Hindi naman siya sinagot nito. "Karylle,I sent ypu an adress,pumunta kayo jan. Susunod kami. Anne,tayo na muna ang bahala rito." Seryosong sabi ni Sixto at tinanguan si Anne. "Ano?! Papaano kayo? Sixto marami sila." Kontra naman ni Karylle. Kaya napangiti si Sixto. "Malapit na yung back-up. Just go,susunod kami." Wala naman ng nagawa si Karylle kundi lumipat sa driver's seat at pinaharurot ang Van ng makababa sina Anne. Ilang putok pa ng baril ang tumama sa van bago tuluyang makalayo sina Karylle. "Makakaligtas ba sila?" Tanong ni Vice na muli ng nakaupo ng maayos. "Shut up." Tanging sabi ni Karylle at tinignan ang sinend na address ni Sixto sa kanya. Hindi naman na nagsalita si Vice at tinext na lang ang kanyang ama.
.
.
.
.
"Ano?! Tanga ka ba?! I didn't tell you to shoot them. Pano kung tinamaan si Vice?! Ang sabi ko lang,tambangan niyo sila ang kill all his security lalo na yung Karylle na yun then leave him." Isang malutong na sampal ang natanggap ng lalakeng lider ng mga sindikato na tumambang kina Vice,binalita niya kasing nasawi ang ilan sa kanyang tauhan ng makipagbarilan ito sa mga bantay ni Vice. Nakayuko niyang nilisan ang silid ng kanyang amo.
.
.
.
.
Magandang gabi ho,kaibigan po ako ni Sixto." Magalang na pakilala ni Karylle sa matandang nadatnan nila sa address na binigay ni Sixto. "Ay oo,ibinilin na niya saakin kanina ang pagdating niyo. Ano bang nangyari at tila mga putok ng baril ang ilan sa mga narinig ko,habang kausap ko siya sa telepono?" Tanong ng matanda habang iginigiya sila papasok ng isang vintage na bahay. Sa isang liblib na lugar sila napunta. At madilim na ng makarating sila doon. Gawa sa kahoy ang bahay at ang gayon din ang mga kagamitan rito,pero malinis at maganda ang pagkakaayos at ang pagkaka-varnish ng mga pader at furnitures nito. (Basta yung vintage na bahay. Ganern.) "Mahabang kuwento po eh." Sagot ni Karylle habang ang kasama naman nuya ay mangha sa bahay na pinasukan (lol) nila. Anak mayaman eh. Syempre he wouldn't expect na may ganun kasimple at kagandang bahay. "Ang bahay na ito ay bahay pa ng lolo niya,na pinamana sa kanya. Madalas siyang magbakasyon rito noon nung siya ay nag-aaral pa,pero ng makapagtapos at nagka-trabaho ay hindi na siya makauwi. Kaya nga tuwang-tuwa ako kanina ng sabihin niyang uuwi raw siya pero mauuna raw ang mga kaibigan niya." Mahabang kwento ng matandang babae. Dinala sila nito sa isang kwarto at binuksan iyon. Maganda ang loob ng kwarto. Vintage pa rin ang design pero ang kama ay halatang bagkng bili pati ang matres at unan nito. Meron ding sofa roon. "Aba'y magpahinga na kayo ng asawa mo hija at kailangan ko pang umuwi." Sasagot pa sana si Karylle ng naglakad na paalis ang matanda. Nagkatinginan naman sila ni Vice ng makaalis ang matanda.
"Sa sofa na lang ako."-Vice
"Ikaw na sa kama."-Karylle
Napaiwas naman sila pareho ng tingin ng sabay silang magsalita. Ilang sandali silang nanatiling nakatayo sa may pinto ng maunang pumasok si Karylle at humiga sa sofa. Napabuntong-hininga na lamang si Vice at pumasok,sinara niya ang pinto bago umupo sa kama at tinanggal ang sapatos at suit niya. Leaving only his sando,hinubad rin niya ang pantalon niya leaving his Boxers. Ganun kasi talaga siya matulog,si Karylle naman ay patalikod na humiga sa sofa. Walang nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa pareho silang makatulpg. Naalimpungatan naman si Vice at tinignan si Karylle,nakatihaya ito at nakalaylay ang paa. Tumayo si Vice at nilapitan ang dalaga. Halatang pagod ito. Walang alinlangan siyang binuhat ni Vice at hiniga sa kama,inayos nito ang kumot niya,at pinagmasdan ang tulog na si Karylle. Napangiti naman siya ng mahina itong humilik. Huminga siya ng malalim bago tumayo at pumunta sa sofa at doon humiga. 'She's so brave.' Isip niya habang nakatingin lamang sa kisame. Ilang sandali pa ay muli na naman siyang nakatulog.

The Agent and the GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon