Ika-sampung Kabanata

398 16 9
                                    

Masayang nagising ang dalawa ng magkayakap pa. Tila tinablan naman si Karylle ng hiya ng mapagtantong pareho silang walang saplot. Mabilis siyang lumayo kay Vice at tumalikod rito. Pinulot niya ang mga damit niya na nagkalat na sa sasakyan at mabilis na sinuot ang mga ito. Bahagya naman natawa si Vice at nagdamit na rin. Walang nagsalita sa kanila,tahimik lang na nagmamaneho si Vice.

Nanatili silang tahimik kahit hindi umaandar ang sasakyan dahil sa traffic. Ng hindi na makatiis si Vice.

"Galit ka ba?" Kabado niyang tanong.

Huminga naman ng malalim si Karylle

"No." Maiksing sagot niya kaya napangisi si Vice.

"So,ginusto mo rin." Pang-aasar niya rito. Sinamaan naman siya ng tingin ni Karylle.

"Shut up." Ika niya at tumingin sa labas. Pinigil naman ni Vice ang kanyang tawa,at sakto na ring gumalaw na rin ang traffic sa wakas.
.
.
.
.
"Karylle?! Where the are you?! Bruh*bang*. Cover me! Andito kami sa labas ng Jollibee. Andito si Reaper.*bang* Tumawag na kayo ng backup! We need you here Agent Tatlonghari!" Agad pinatay ni Karylle ang telepono at mabilisang lumabas ng kuwarto. Kaya pala wala sina Anne na nadatnan niya dahil nasa bakbakan pala ang mga ito. Ng makababa ay inabutan niya si Vice na nanonood ng balita sa tv sa salas.

"Don't tell me..." Ika nito ng makita si Karylle. Hindi naman siya sinagot ni Karylle at dumiretso na sa labas. Mabilis naman siyang sinundan ni Vice at hinawakan ang kamay.

"Ano ba?!" Ika ni Karylle at hinila ang kamay. Pero bago pa niya mabuksan ang pinto ng kanyang sasakyan ay muling hinawakan ni Vice ang kamay niya at hinila siya.

"Hindi ka pwedeng sumama sa kanila." Seryosong sabi ni Vice pero blanko lang siyang tinignan ni Karylle.

"Trabaho ko to,kaya gagawin ko." Giit niya at hinilang muli ang kamay bago lumapit sa sasakyan niya at buksan ang pinto. Papasok na sana siya ng muling magsalita si Vice.

"Hindi ka nga pwedeng pumunta dun! Dahil natatakot akong may mangyaring masama sayo! Dahil mahal kita at gusto pa kitang makasama." Mahinang sabi ni Vice ngunit sapat na upang marinig ni Karylle. Natuod si Karylle sa kinatatayuan. Ngunit napapikit siya ng mariin at tuluyan ng pumasok sa kanyang sasakyan at umalis na.

Nasaktan naman si Vice at napayuko na lamang. "I shouldn't have told her." Ika niya at matamlay na pumasok sa bahay.
.
.
.
.
"You're late Agent Tatlonghari. Nakatakas na siya." Sermon sa kanya ni Vhong at tinalikuran siya. Napapikit naman ng mariin si Karylle at nilapitan na lamang si Anne.

"Intindihin mo na lang yun. Alam mo naman kung gaano niya kagustong mahuli si Reaper." Ika ni Anne at nginitian siya. Pagkatapos ay iniwan na rin siya nito dahil kelangan nitong mag-report kay General Stone. Nilibot ni Karylle ang kanyang paningin,basag ang glass wall ng Jollibee,maingay rin ang paligid tunog ng Ambulance at Police siren. At syempre,mga chismosang mamamayan. Maya-maya pa ay sabay-sabay ng nilapitan ng mga reporter si Karylle.

"Kilala niyo na po ba kung sino ang tao sa likod ng Maskara na iyon?"
"Bakit parang walang ginagawang aksyon ang mga Police natin?"
"Kaya niyo ba talagang huliin ang reaper?"
"Totoo bang umabot na sa 20 katao ang napatay ng Reaper?"

Ilan sa mga tanong ng mga reporter. Imbes na sumagot ay tinalikuran na sila ni Karylle at bumalik sa kanyang sasakyan. Ng makasakay ay muli niyang naalala ang sinabi kanya ni Vice.

"Mahal kita at gusto pa kitang makasama."

Paulit-ulit itong nag-replay sa utak niya. Ilang minuto pa siyang nanatili roon bago niya naisipang bumalik sa bahay ni Vice.
.
.
.
.
Pagkatapos umamin ni Vice ay tila naging mailap na ito kay Karylle na ikinainis naman ng huli. Isang gabi ay pumunta ito sa headquarters,lasing at kinakausap si Vhong.

The Agent and the GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon