"Tanggapin mo man sila o hindi. Magiging bodyguards mo pa rin sila." Umirap naman si Vice at mas sumimangot ang kanina pang nakasimangot niyang mukha. "Pero dad naman--" "Jose! Final na yung sinabi ko. Umuwi ka na,may gagawin pa ako." Maawtoridad na sabi ng ama niya kaya wala ng nagawa ang bakla kundi ang tumayo at padabog na lumabas sa opisina ng tatay niya. Napatigil siya ng makita ang tatlo na naghihintay sa labas. "Sir,on the way na po yung ibang guards na kasama namin. Agent Anakarylle Tatlonghari,head of them. Sir." Karylle offered her hand for a shake hands. Taas kilay naman itong tinignan ni Vice bago tanggapin. "Agent Anne Curtis,and Agent Dantes will also be with me." Nakipagkamay naman ang dalawa,natagalan pa kay Sixto dahil mahigpit itong hinawakan ni Vice. Hinila naman ni Sixto ang kamay niya bago pumunta sa likod ni Karylle. "Tara na po sir. Nasa labas na daw po mga kasama namin." Muling umirap si Vice bago naunang naglakad na pakendeng-kendeng pa. "I'll wing his neck nextime na iirapan niya ako." Karylle hissed at akmang sasapakin ang alaga nila. "Isama mo ako jan. Sasapakin ko din yan." Sabi naman ni Sixto na tumabi sa kanya. "Grabe naman kayo sa kanya." Natatawa pang sabi ni Anne. Kaya tinignan siya ng masama ng dalawang mababait niyang kaibigan.
.
.
.
.
"Sir where are we going?" Tanong ni Karylle habang minamaneho ang sasakyan ni Vice. "Gay Bar." Bored na sabi ng bakla. Dahil sa totoo lang ay gusto niyang pumunta roon ng mag-isa,pero dahil nga 24 hrs na bantay sarado siya ay wala siyang takas sa mga 'aswang'. Yan ang tawag niya sa kanila. Pero si Karylle ay may natatanging nickname sa kanya 'Witch' yan ang tawag niya kay Karylle kapag nakatalikod na ito. Kay Karylle naman tayo. Napabuntong-hininga siya ng marinig ang sagot ni Vice o kaya ay ni 'Tiyanak' ito naman ang tawag sa kanya ni Karylle. Tumingin si Karylle sa side mirror at kumunot ang noo ng makitang hindi ang kotse niya ang nakasunod kung saan nakasakay sina Anne at Sixto. Maging ang isang itim na Van ay wala rin na siya namang sasakyan ng pitong trained bodyguards. Maya-maya pa ay narinig niya ang boses ni Anne sa earpiece niya. "Agent Tatlonghari,someone is following you. Iligaw mo sila,and we'll follow them." Agad na tumalima si Karylle at binilisan ang pagmamaneho at parang racer na iniiwasan ang mga sasakyan sa harapan nila. Nagtaka at natakot naman si Vice kaya marahas niyang nilingon si Karylle. "Huy! Ano bang ginagawa mo?! Kung galit ka huwag mo akong idamay!" Sabi niya na hindi na mapakali dahil sa bilis ng takbo nila. "Someone is following us. They're obviously after you. Ngayon kung gusto mong mamatay na. Bumaba ka na." Seryosong sabi ni Karylle na focus sa pagmamaneho. "Bilisan mo girl! Baka maabutan tayo!" Puno ng takot na sigaw ni Vice na natuod na sa kinauupuan niya. Mas lalo namang binilisan ni Karylle ang pagmamaneho and tried her best na iligaw ang sumusunod sa kanila. Hanggang sa madaan sila sa isang madilim na kalsada. Mabilis siyang pumunta roon at pinatay ang ilaw ng sasakyan. Lumayo sila sa highway hanggang sa masigurado niyang hindi na sila mapapansin roon. Naiiyak namang nakaupo lang si Vice,lumabas si Karylle at nagmasid sa paligid. Ng makapagmasid ay muli siyang pumasok sa sasakyan. "W-wala na ba sila? Umuwi na tayo. Please." Nanginginig na sabi ni Vice at hinawakan ang braso ng dalaga. Blankong tingin naman ang tinapon sa kanya ni Karylle,bago ulit tumingin sa harapan. "Hangga't walang sinasabi si Anne. Hindi tayo aalis dito." Sabi niya at hinila ang braso. Tumango-tango naman si Vice at sumandal sa upuan niya.
.
.
.
.
"Karylle! Karylle!" Naalimpungatan naman si Karylle sa pagtawag ni Anne sa kanya. "Yes Anne?" Sabi niya at hinawakan ang earpiece niya upang marinig si Anne. "Umuwi na kayo. We have to dispose their bodies first. And report them." Tumango si Karylle at hindi na nagsalita. She was about to talk to Vice pero paglingon niya ay tulog na ito. Bakas pa rin ang takot sa mukha. Hindi na siya ginising ni Karylle at nagmaneho na lang pauwi. Pagdating sa bahay ni Vice ay saka lamang niya ito tinapik at ginising. "Sir Vice,andito na po tayo." Tinapik niya ito ng marahan sa pisngi. Hindi rin naman natagalan ay nagising na ito. "Are we home?" Tanong nito kaya tumango si Karylle. Huminga ng malalim si Vice bago tumango at bumaba. Sumunod din si Karylle at hinayaan si Vice na umakyat sa kwarto niya. Nanatili siya sa living room at tinawagan sina Anne para kumustahin ang sitwasyon at ang bangkay ng nga kanina lang ay sumusunod sa kanila. "They're paid. We saw bags of money sa trunk ng sasakyan nila. Pero walang trace kung sino ang nag-utos sa kanila. Ipina-autopsy din namin sila dahil amoy alak sila at yung iba ay bago pa mamatay bumubula na ang bibig. Papunta na rin kami jan. Is he okay?" Napaupo si Karylle at sumandal sa sofa. "Nasa kwarto niya. Baka tulog na yun. Dala ng takot. Aantayin ko na lang kayo dito." Sabi niya bago tapusin ang tawag. Pumunta siya sa kusin at kumuha ng tubig. Sumandal siya sa counter at inisip ang sinabi ni Anne. 'Bumubula ang bibig?' Isip niya. Nilagok niya ang tubig at bumuntong-hininga. Naisipan naman niyang kumustahin ang kaibigan niyang si Vhong na naiwan sa Headquarters. "Wala pang lead eh. Alam mo bang hindi pa ako nakakaligo mula kahapon? Bakit nyo ba kasi ako iniwan. Isama niyo na kasi ako." Maktol niya kaya natawa ang dalaga. "You know I can't trust anyone there. Hindi mo pwedeng iwan ang kasong iyan Vhong. Specially when my father is related." He heard him sigh. Oo related ang tatay niya sa murder case na inaaral nila ni Vhong. Pareho kasi ang paraan ng pagpatay sa mga biktima sa nangyari sa tatay niya. Ang tatay niya at ang tatlong bagong biktima ng suspek ay parehong pinakain ng lason ng daga bago barilin sa ulo. "Karylle?" Naputol ang pag-iisip ni Karylle at pinatay agad ang tawag ng marinig si Vice. "Ano yun Sir?" Sabi niya at lumabas. Nakita naman niya si Vice na naka-roba lamang at nakatayo sa huling baitang ng hagdan. Bumaba itong tuluyan at lumapit sa kanya. "C-can I ask you for a favor?" Tanong niya at yumuko bago kamutin ang batok. Nagtaka naman si Karylle sa behavior ng bakla ngayon at himalang hindi ito nagsu-sungit. "Ano yun Sir?" She asked with her forehead crumpled. "C-can you sleep in my room?" Nanlaki naman ang mata ni Karylle sa sinabi nito at napaatras ng konti. "Hindi. I mean,samahan mo ako. N-natatakot kasi ako. May sofa naman doon. Na convertible into a bed." Paliwanag ni Vice ng ma-realize ang sinabi at makita ang reaksyon ng dalaga. Nagkatinginan sila bago huminga ng malalim si Karylle. "Wait for me here. May kukunin lang ako." Naglakad siya pabalik sa kusina upang kunin ang baril niya na nilapag niya sa mesa. Sinuksok niya ito sa tagiliran niya bago lumabas. "Let's go." Sabi niya at inunahan pa si Vice na umakyat. Sa totoo lang ay mayroon silang kwarto. Silang dalawa ni Anne. Habang si Sixto ay kasama ang pitong trained guards sa isang built room sa labas ng bahay na kasya ang bente-katao. Malawak ito kaya tig-isa ng higaan ang mga lalake. Habang sila ni Anne ay sa guestroom na katabi lang ng kwarto ni Vice. Hinintay ni Karylle si Vice ng marating ang kwarto nito. Pagkabukas ay pinauna niyang pumasok si Vice bago sumunod. She locked the door at pumunta sa sofa. She put her gun sa isang mini table na katabi ng sofa at tinanggal ang Leather jacket niya. Leaving only her white sando and her black police pants. She unfoldes the sofa and convert it into a bed. Humiga siya at tumingin sa kisame. Si Vice naman ay minasdan ang bawat galaw ng dalaga. Napalunok siya ng tanggalin nito ang kanyang leather jacket. Fit kasi ang sando nito kaya kita ang taglay nitong kasexy'han. Umiling siya at umiwas ng tingin. Tumulala rin siya sa kisame hanggang sa unti-unting tangayin siya ng antok.
.
.
.
.
Madaling-araw ng magising si Vice dahil naiihi siya. Agad siyang bumangon at pumunta sa banyo. Pagkatapos umihi ay humihikab siyang lumabas sa kwarto niya. "Ah! My God!" Patalon siyang unatras ng makita si Karylle na busy sa harap ng laptop nito. Bored siyang tinignan ng dalaga bago muling tumingin sa laptop niya. Binabasa at inaaral kasi niya ang bagong impormasyon na sinend sa kanya ni Vhong. "Nakakagulat ka naman teh." Reklamo niya bago pumunta sa closet niya upang kumuha ng blanket. Pagkakuha niya ay pumunta siya sa tabi ng dalaga at tinignan ang ginagawa nito. "Nu yan?" Sabi niya bago nilapit ang mukha sa laptop. Tinulak naman ni Karylle ang noo niya at tinignan ito ng masama. "This is confidential. Hindi mo pwedeng basahin." Nag-make face naman ang bakla bago sumandal sa sofa na inayos na ni Karylle at binalik sa pagiging sofa. (Lol.) "Kanina ka pa gising?" Tanong ni Vice na tila nalimutan na ang inis sa dalaga. "I never slept." Monotone na sabi ni Karylle na busy pa rin sa pag-analisa sa files na sinend sa kanya ng kaibigan. Kahit ang totoo ay hindi siya makapag-focus dahil kay Vice. "Ganyan talaga kayo noh? Sanay sa puyatan." Komento ni Vice habang ineeksamin ang sideview ng dalaga. 'In fairness maganda siya sa side view. Pero Witch pa rin siya.' Isip niya. "Parang ikaw kapag nagka-club. Hindi ka rin naman natutulog eh." Balik ni Karylle. Napatango naman ang bakla dahil,well. Aminado siya. "Ano nga full name mo? Andrea,ano?" Muling tanong ni Vice not knowing na naririndi at naiinis na si Karylle. "Anakarylle Tatlonghari. Pwede ba manahimik ka? I can't focus." Sita ni Karylle at tinapunan ng death glare si Vice. Himala namang natahimik ang bakla at tumingin na lang sa kama niya. After 1 minute,he cleared his throat aiming to talk pero ng makitang sobrang focus na ni Karylle ay hindi na niya tinuloy dahil natatakot siyang baka sapakin siya nito. Wala eh. Policewoman siya.
.
.
.
.
Nagtaka si Karylle dahil hindi na gumagalaw ang katabi niya. Saktong paglingon niya ay bumagsak ang ulo ni Vice sa balikat niya na nakatulog na pala. She was glued sa position niya. Nakalingon kay Vice at sobrang lapit sa mukha nito. Ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nagising siya at tinulak ukit ang ulo ng bakla kaya nagulat si Vice pero muling natulog. It was a call from General Dela Rosa. Lumabas siya bago ito sagutin. "Hello General?" Sagot niya. Napangiti naman ang heneral sa kabilang linya. Tama ang hula niya. Gising pa ang pamangkin niya. "You didn't sleep again? Hay naku hija." Sermon sa kanya ng matanda. Napangiti naman ng bahagya si Karylle. "May sinend po kasi si Vhong sakin na bagong info sa kasong inaaral namin. I have to read and study it." Sabi niya at naglakad papunta sa balkonahe ng bahay. Pumunta siya roon at umupo habang nakatingin sa paligid na unti-unti ng lumiliwanag. "Hindi mo pa rin binitawan yun? Nevermind. Kumusta kayo jan?" Tanong ng heneral. Karylle sighed and looked up at the sky. "Hindi ko ho alam kung kakayanin pa ng pasensya ko ang kakulitan at kasungitan ng baklang to,baka sa susunod masuntok ko na siya." Reklamo ni Karylle. Natawa naman ang heneral. "You can do that. O siya sige na. I just called para kamustahin kayo. Mag-iingat kayo. Just tell me if you need anything." Nagpaalam na si Karylle at binaba ang tawag bago huminga ng malalim. Sa too lang. Pagod na siya. Dalawang linggo pa lang silang nagta-trabaho bilang personal guards ay parang isang taon na dahil sa dami ng nangyari. Una,dinala sila sa isang gay bar at na-witness ang mala-UFC na away ng dalawang bakla. Ang pagpigil nila kay Vice na mag-uwi ng lalake dahil suspicious ito. Ang pabalik-balik na pagpunta nila sa opisina ng ama ng bakla upang isumbong sila. Kahit ang totoo ay hindi inaayunan ng ama ang lahat ng sumbong niya. Sawa na rin silang makakita ng mga lalaking hubad na nagsasayaw. Napangiwi si Karylle sa pandidiri tuwing maalala ang mga lalakeng iyon.
.
.
.
.
.
Mej,mahaba na ha. Hahaha. Char. Pa-support ito ganun din yung nauna kong story. Pa-follow vote na din. You can also leave a comment. Salamat!😊
BINABASA MO ANG
The Agent and the Gay
FanfictionHer duty is to protect him. Him? Or her. Whatever. Protect and fall in love. UNEXPECTEDLY.