Chapter 29

146 7 0
                                    

General POV

"Goodmorning everyone!" Sigaw ni Vhong. Abot-tenga ang ngiti na umupo pa sa desk ni Karylle.

"Saya mo a." Karylle commented. Bumaba sa table niya si Vhong at humarap sa kanya.

"Syempre naman bruh. Nakausap ko na kasi ang daddy ni Anne. Amd guess what. Tanggap na tanggap niya ako!" Lalo pang lumawak ang ngiti ng huli.

Hindi naman mapigilan ni Karylle ang mapangiti rin. Masaya siya para sa kaibigan dahil alam niyang ito ang isa kinatatakutan ni Vhong. Ang hindi siya tanggapin ng magulang ni Anne.

"Congratulations bruh! Now back to work." She said.

Biro lang sana niya yon pero nagulat siya ng tumango si Vhong at pumasok sa office of the General. Hinayaan na lamang iyon ni Karylle at tinuloy ang ginagawa.
.
.
.
Vice's POV (OMG! Haha. Nag-first person POV na si accla. Hahaha.)

Nakatulala lang ako sa office. My head is so empty. Ang daming nakatambak na gawain sa mesa ko pero di ko maituloy. I took a deep breath and was about to start reading the pile of papers in my table ng may kumatok.

"Come in." I'm not expecting someone to come today.

"Sir may gusto pong kumausap sa inyo." Sabi ng secretary ko at may pinapasok.

"Shit!" I mouthed.

Nakangiti siyang pumasok,lumapit sakin at niyakap ako.

"Vice! God! How long has it been!?" I tapped his back and tried not to be obvious.

"Kaya nga eh. Hehe. Welcome home Ethan."

Ethan was my first love. Kaisa-isang lalaking minahal ko ng husto. Terrence, I didn't love him as much as I loved Ethan.

Flashback

"Uy! Wassup toy?! Bakit pala absent ka kahapon?"

Inakbayan niya ako at halos magwala yung puso ko. Ngumiti lang ako. Baka kasi kapag nagsalita ako ay mahalata niyang kinikilig ako. Crush na crush ko si Ethan. Feeling ko nga inlove na ako sa kanya e. Guwapo kasi siya. At Honor Student, siya ang kalaban ko lagi sa First Honor. Tapos mabait pa.

"Tahimik mo naman. May sakit ka ba?"

Umiling ako at ngumiti.

"Good. Nagreview ka ba? Galingan mo a. Baka talunin kita." Kumindat pa siya bago naunang pumasok sa classroom.

Hindi ko alam kung halata na bang namumula ang mukha ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa classroom.

Nung nakapagtapos kami ng highschool, alam ko ng maghihiwalay na kami ng landas kasi doon na siya sa Poland mag-aaral. Nandon kasi ang nanay niya,nagta-trabaho. Tapos nung nakpag-ipon na nagpatayo ng sarili nilang bahay doon. Sobrang lungkot ko nung sinabi niya sa amin na sa ibang bansa na siya mag-aaral.

"Uy,toy. Dapat mag-graduate ka na Suma Cum Laude a. O kahit Cum Laude basta dapat with latin honors a." Inakbayan niya ulit ako. Sinulit ko ng pakiramdaman siya.

"Sus. Syempre naman ako pa. Dapat ikaw din a." Ngumiti siya. Halos mawala na yung mata niya.

"Ano ka ba. Kahit hindi na tayo pareho ng school di pa rin ako magpapatalo sayo no." Tumawa siya kaya ngumiti ako. Bakit ba kasi hindi tayo pwede? Tanong ko sa isip ko.

The Agent and the GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon