Chapter 12

344 16 11
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng umalis si Karylle at bumalik sa Headquarters nila and focused working sa kaso ni Reaper together with Vhong at sa isang bagong Agent na nilipat sa team nila dahil sa angkin nitong talino si Christian Wise(Bautista). Nahihirapan man ay sinubukan ni Karylle na mag-focus sa trabaho. Hindi naman nawala si Vhong sa tabi niya.

Si Vice naman ay hindi na pumasok sa trabaho at laman na naman ng Club sa gabi. Sa umaga ay uuwi siya upang matulog,at kapag gabi na ay babalik ito sa mga club. Hindi na rin naman siya kinakausap ni Anne dahil naging pormal na ang pakikitungo nito sa kanya. At wala siyang sapat na lakas ng loob para pumunta sa headquarters nila. At kokonti na lamang ang pag-asang meron siya na makausap pa ang dalaga.

Magkahalong inis at saya naman ang nararamdaman ni Jackie,oo nga at wala na si Karylle pero hindi rin naman siya pinapansin ni Vice. Binato niya ang sigarilyo niyang hindi pa nangangalahati.

"Ano na anak? Wala pa rin bang balak ang baklang iyon na pakasalan ka?" Tanong ng kanyang ina na kanina pa niya katabi pero hindi sila nag-uusap.

"Bwiset kasi. I don't even have a chance na makausap siya. Kapag umuuwi tulog,sa gabi wala." Inis na sabi niya.

"Wala palang epekto yang buntis-buntisan mo eh." Mapang-uyam na sabi ng kanyang ina.

"Pwede ba ma. Kapag nakita niyang malaki na ang tiyan ko,lalambot din yun. Iisipin pa rin naman niyang may anak siya sakin." Seryosong sabi niya at sakto namang pumasok ang isang babae na may dalang bag. Matapos mailapag ang bag ay nilapitan niya iyon at binuksan,at inilabas ang isang bagay,kakulay ito ng kanyang balat at paumbok ang itsura nito. Saktong-sakto para sa tiyan ng isang buwang buntis.

"Hindi na nga iyan umepekto bakit itutuloy mo pa?" Kontra ng kanyang ina ng akmang isusuot niya ito sa kanyang flat stomach (😂). Umirap siya at hinarap ang ina.

"Wag kang makialam please. Just wait." Sabi niya at sinuot na iyon. (Basta yung nilalagay sa tiyan para kunyari buntis.) 

"Vice, can we talk? ilang araw mo na akong iniiwasan. Do you not care about me? Or even your child?" Matapang na salubong ni Jackie sa lasing na si Vice.
Malamig na tingin ang ipinukol sa kanya ng binata bago tuluyang lampasan ang dalaga at umakyat sa kwarto niya. Sinundan naman ni Jackie ang huli hanggang sa kanyang kuwarto,diretso naman si Vice sa kanyang kama at humiga without even removing his shoes and his make up na ginawa na niya simula ng iwan siya ni Karylle dalawang linggo na ang nakakalipas. Lumapit si Jackie rito and started removing his shoes. ng mailapag niya ito ay lumipat siya sa bandang uluhan nito. And started brushing his hair.

"Vice,magpakasal na kasi tayo. Kalimutan mo na siya okay." Mahinahon na sabi ni Jackie. Wala naman siyang narinig na sagot mula sa huli kaya pinili na lamang niyang humiga sa tabi nito at matulog.
.
.
.
Masakit ang ulo ni Vice ng magising siya. Kumunot ang noo niya ng magdilat siyang mata ay mukha ni Jackie ang bumungad sa kanya at nakayakap pa ito sa kanya. Agad namuo ang galit kay Vice kaya nautulak niya ito dahilan para malaglag si Jackie mula sa kama.

"Vice ano ka ba?! Buntis ako!" Singhal ni Jackie na naalimpungatan at hawak pa ang tiyan. Tila lumambot naman ang puso ni Vice dahil kahit papaano ay dugo pa rin niya ang dumadaloy sa fetus na nasa tiyan ni Jackie. And Jackie saw a hint of worrying sa mata ng bakla kaya lihim siyang napangiti. Kunwari ay pahirapan pa siyang bumangon at umupong muli sa kama katabi ni Vice.

"Bakit ka natulog rito?" Kalmadong tanong ni Vice kahit na may halong inis pa rin iyon.

"What's wrong with that? Ikakasal naman na tayo eh." Sagot ni Jackie na tila may ipinaparating.

"What made you so sure? Hindi tayo ikakasal." Pinal na sagot ni Vice at tumayo.

"Bakit? Umaasa ka pa rin bang babalikan ka ni Karylle? Imposible yun Vice." Hayag niya na tila may naiisip na plano.

The Agent and the GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon